Sabay-sabay na dumating ang problema ni Laura Abriogo. Niloko siya ng boyfriend, malapit ng ma-bankrupt ang kompanya ng pamilya, at posible ding mawala ang Hacienda Abriogo sa kanila. At ngayon ay magpapakasal siya lalaking sa pangalan lang niya kilala. Giovanni Atlaz Acuzar is the name of the man she was going to marry. Acuzar Group of Companies is owned by him. It was marriage for convience. Magpapakasal sila ni Giovanni para tulungan sila nitong maisalba ang mga ari-arian nila.Walang pakialam si Laura sa kompanya pero hindi niya kayang mawala sa kanya ang Hacienda Abriogo dahil do'n siya lumaki at ayaw din niyang mawalan ng trababo ang trabahador na nanilbihan na sa kanila simula noong bata pa siya. Handa siyang gawin ang lahat kaya pumayag din siyang gustong gawin ng ama niya. And when she met Giovanni, the man she was going to marry? Hindi niya inaasahan na ito pala ang lalaking naka-make out niya sa bar noong panahong broken hearted siya dahil sa ginawa ng ex-boyfriend. They got married in a simple ceremony. At kung kailan naging Mrs. Acuzar na siya ay doon niya nalaman ang totoong dahilan kung bakit siya nito pinakasalan. He didn't marry her because he wanted to help her with her problems. Pinakasalan lang pala siya nito para maghiganti sa ama niyang may kasalanan dito...