Chapter Nine Unknown’s POV Naningkit ang kanyang mata habang nakatanaw sa babaeng kinamumuhian niya mula sa tinted na bintana ng kanyang kotse. Kasama nito ang bodyguard, akala ba ng babaeng iyon na hindi niya alam na nagpapanggap lang ang binata bilang temporary manager dito? Ha! Mangmang! Mas lalong dumilim ang kanyang paningin sa nakita nang makapasok na sila sa bahay ng magulang ni Maxine. Sinusuklaman niya ang babaeng iyon! Kasalanan niya ang lahat! Lahat na lang ay nakuha niya, habang siya naman ay wala. Napahigpit ang kanyang pagkahawak sa manibela. Mukhang kulang pa ang ginawa niyang panakot dito pero hindi bale marami pa naman siyang balak para dito na sigurado siya na mababaliw ito sa takot. Mas lalong lumapad ang ngiti niya nang maalala niya ang pagkagimbal nito nang makita