Chapter 12 “Ang daya naman niyan eh!” Napakamot ang ulo ni Amir, bumungisngis naman ako dahil kahit anong gawin niya ay parati ako nanalo sa X.O game. Ilang minuto na din kami sa himpapawid. Napaka-boring ng biyahe namin until nagising ang kasama namin tatlo, si Amir. Isang pure blooded Arabian pero kung magsalita ay parang hindi dahil napaka-bihasa niya magsalita ng tagalog, even though there’s still a hint of Arabian accent sa bawat salita niya. Niyaya ko na lang siya maglaro ng X.O games para hindi kami mabagot. “Anong nandaya? Sabihin mo ganito ka…” Tinaas ko ang kamay at gestured a letter L—stands for loser. “Er, what’s that supposed to mean?” “It means you’re a loser!” Magkasundo talaga kaming dalawa, dahil madaldal kami at higit sa lahat ay kagaya ko rin siya. He was also being