Chapter 26 “Aba, may lola ka pa bang kasing ganda ko? Mind you, it’s Mamita! Ilang beses ba kitang sinabihan na wag mo akong tawagin lola dahil pakiramdam ko mas lalong nadagdagan ang edad ko!” Hestirical na sabi niya. Yep. Si Lola. Himala na nandito siya at walang kasama. “Anong ginagawa mo dito, lola—este Mamita?” Seriously, hangang ngayon ay di parin ako sanay na tawagin siyang mamita dahil ang weird talaga. “Kakalabas ko lang sa ospital. At ikaw!” Lumabas siya sa elevator at piningot ang tainga ko. “Aray!” “Ikaw na bata ka, sabi ko sa'yo noon na dalawin mo ako sa ospital kapag may oras ka. Pero ilang buwan na ako sa ospital hindi ka nagparamdam! Aba, pano kung mamatay ako?” “N-nasa sa ospital ka?” “Wag mo akong daanin sa arte mo dahil hindi iyan tatalab sa akin!” “Erm, Sorry, M