Ruined-1

1301 Words
Nakangiti ang dalaga na lumabas ng kaniyang unit at dumiretso sa unit ni Jair. Kumatok siya pero walang sumasagot. kumatok pa siya ulit nang kumatok hanggang sa bumukas ito. Agad na sumalubong sa kaniya ang inaantok pang mukha ni Jair. Gulo-gulo ang buhok at pumipikit-pikit pa ang mga mata. "Good morning neighbor!" masigla niyang bati. Kinunutan naman siya ng noo ng binata. Kaagad na ngumisi siya at binuksan ang malaking pinto. Kaagad na pumasok siya sa loob. Nagulat naman ang binata at mabilis na sinundan siya. "Hey! What are you doing?" anito at mapaghahalataan ang inis sa boses nito. Ngumiti lamang ang dalaga at tiningnan siya. "Iyong tupperware ko na na may lamang sinigang kagabi, puwede ko na bang kunin? Aalis pa kasi ako eh," saad niya. Hindi makapaniwalang tiningnan lamang siya ng binata. "Are you freaking serious? You woke me up para lang sa tupperware?" aniya. Tumikwas naman ang kilay ng dalaga. "Ano ba sa tingin mo? Ano ka ba laman lang ang ibinigay ko hindi 'yong tupperware. Mas mahal pa 'yun sa buhay mo no. Kapag iyon hindi nakita ng mama ko sa unit ko. Mapapatay niya ako. Ang tupperware na 'yon, doon nakasalalay ang buhay ko," sagot niya rito. "I'll just buy another one," aniya. Natameme naman ang binata nang dumiretso siya sa kusina nito. Kaagad na sumunod siya at hindi na ito napigilan nang buksan nito ang lalagyan ng mga plato. "s**t!" mura ng binata lalo na nang tingnan siya ng dalaga. "Don't judge me, I'm tired last night," wika niya. Natawa lamang si Rhea at inilingan siya. Kinuha nito ang apron sa gilid at isinuot. "Hey! What are you doing?" saad ng binata. "Alam mo kasi, fan mo ako at saka mukhang wala ka ng oras para hugasan ng mga ginamit mong plato at nakakalat lang dito. Mukhang nu'ng isang araw pa 'tong iba oh kaya ako na. Huwag kang mag-alala wala itong kapalit," sambit ni Rhea at kinindatan pa siya. Ramdam naman ng binata ang pagtaas ng kaniyang balahibo sa ginawa nito. "Are you out of your mind?" aniya rito. Ngumiti naman ang dalaga. "Out of your mind sige na you're welcome," wika niya. Lalo lamang hindi makapaniwalang tiningnan siya ni Jair. "Look, kaya kong hugasan ang mga nagamit kong plato just please kunin mo na 'yung Tupperware mo at umalis ka na sa pamamahay ko. You're disturbing me," wika niya. Tiningnan lamang siya ng dalaga at bumaba ang tingin nito sa bandang tiyan niya. Dahil wala siyang suot na damit ay mabilis na Kinuha niya ang placemat sa ibabaw ng lamesa at tinakpan ang kaniyang tiyan. "Ang OA mo naman. As if naman nakabubuntis ang titig ko. Ano ang OA nito," reklamo ng dalaga. Frustrated na tiningnan lamang siya ng binata. "Just get out, I can do this. Hindi kita kailangan," wika niya. Nagpatuloy lamang sa paghuhugas ng plato ang dalaga at tila walang narinig. "Ito story time ha. Mga kaibigan ko hindi ako iniinis kasi alam nilang laking probinsiya ako. Actually noong bata ako may third eye ako. Buti na lang at may lahi kaming mga albularyo kaya naging okay na rin. Huwag kang mag-alala hindi naman ako mandurugas eh. Hindi rin ako magnanakaw. Neighbor mo ako rito kaya huwag kang mag-aalala t'saka hugas lang naman ng plato to eh. Mabilis lang 'to relax ka lang. Matulog ka na ulit at baka ma-stress ang mga abs mo," saad niya at kinindatan na naman siya ulit ng dalaga. "Hindi ko lalagyan ng gayuma 'tong mga pagkain mo. You're safe," dagdag niya pa at nginisihan siya. Napaka-creepy ng ngisi nito. Napangiwi si Jair at akmang aagawin ang plato sa kamay nito nang samaan siya ng tingin ng dalaga. Kaagad na lumayo naman siya rito at hawak na nito ang bread knife. "Mukhang mapurol na 'to ah. Ay! Normal pala na mapurol 'to. Ang tanga mo, Rhea. T'saka promise hindi ko ipagsasabi sa mga katrabaho ko na neighbor tayo, okay? Huwag kang mag-aalala at safe ka sa akin," saad ni Rhea. Kaagad na natigilan ang binata. "I don't trust you," saad niya rito. Kaagad na nasira naman ang mukha ng dalaga sa narinig. Bigla itong sumeryoso kaya naalarma ang binata. "Alam mo ikaw, konti na lang at pinupuno mo ako eh. Ito nga at nagpapakabait ako sa 'yo kasi gusto kitang e-welcome tapos ngayon ganiyan lang ang ibabalik mo sa akin? Thank you ha," saad niya. Halata ang sarkasmo sa boses nito. Napalunok naman ang binata at nakaramdam ng takot sa klase ng tingin nito. Sandaling nakonsensiya rin siya sa nasabi. "Look, hindi kita kilala at lalong hindi mo rin ako kilala. Nakatira lang tayo sa iisang building but it doesn't mean na close tayo. Naiintindihan mo ba?" wika ng binata. "Kaya nga kita kinaibigan para maging close tayo. Ang bobo nito," sagot niya. Napanganga naman si Jair sa narinig. Parang hindi siya makapaniwala sa mga sinasabi nito sa kanya. "Alam mo puwede ka ng umalis at may maid ako na pumupunta rito. Hindi siya stay in pero siya ang naglilinis ng unit ko. Hindi mo na kailangang gawin 'yan," saad niya sa mahinahong boses. Ayaw niyang masira nang tuluyan ang mood ng dalaga at baka gamitan siya ng black magic. Hindi naman umiimik ang dalaga at tinapos na ang ginawa niya. Pinunasan niya ang kaniyang kamay at ibinalik ang apron sa kinalalagyan nito t'saka kinuha ang Tupperware. Hinarap niya ang binata at nginisihan. "Thank you sa pagkain ng sinigang ha. Alam kong masarap akong magluto kaya huwag kang magsasawa. Actually expired na kahapon pa ang pampaasim ko. Sayang naman kung itatapon kaya ginamit ko na. Mas masarap 'di ba kasi sobrang asim. Mamaya magluluto ako ng caldereta bibigyan kita," saad ng dalaga at magrereklamo sana ang binata nang mabilis na umalis nito. Naiwan naman siyang nakahawak sa kaniyang ulo at napabuntong hininga. Parang hindi niya kakayanin na maging kaibigan ang babaeng iyon. Makulit, walang preno ang bibig, at tila walang pakialam sa kung ano ang sasabihin niya. Pinakain pa siya ng pagkaing may expired na sangkap. "The hell!" Napaupo siya sa upuan niya at na pahilot sa kanyang sintido. Uminom na naman siya kagabi para lang makatulog. Ilang sandali pa ay bumukas na naman ulit ang pinto. "Oo nga pala pogi, may sandwich ako rito. Kainin mo ha. Mamayang tanghali mag-e-expire na rin ang cheese na nasa loob niyan kaya kainin mo na kaagad," nakangiting saad ng dalaga at nilapitan siya. Inis na tinignan niya lamang ito. Lalo siyang naiinis dahil sa ngisi nitong tila nasisiyahan sa pambibwesit nito sa kaniya. "Ngumiti ka naman pogi. Sayang ang kapogian kung sisimangot ka lang diyan. Ngiti na," wika nito at umalis na rin. Huminga na naman siya nang malalim at pilit na hinahabaan ang kaniyang pasensya. Ke aga-aga at masakit pa ang kaniyang ulo. Ilang saglit pa ay bumukas na naman ang pinto. Inis na tumayo siya at handa na ring sigawan si Rhea nang makita ang kapatid niya. "J-Jen," saad niya. Nagtatakang tiningnan naman siya nito. "What? May hinihintay ka bang bisita? Bakit parang galit na galit ka? Wala ka sa mood. Ang aga pa," sagot ng kapatid niya. Napaupo naman siya sa upuan. "I have an annoying neighbor. Kung makaasta akala mo magkaibigan kami," wika niya. Natawa lamang ang dalaga. "Parang bwisit ka talaga sirang-sira na 'yung mukha mo," natatawang wika nito. "You don't know how annoying that woman. She's getting into my nerves. Sinabi niya kanina fan ko siya," saad niya. "Fan mo naman pala eh hayaan mo na. Ano? Maganda ba?" saad ni Jen. Mukhang tutuksuhin pa siya. "Have you eaten?" tanong nito. Umiling lamang ang binata. "My head hurts a lot," sagot niya. "Paniguradong uminom ka na naman kagabi hanggang sa makatulog ka. Kailan mo ba titigilan 'yan? Naaawa na ako sa atay mo," wika ng kapatid niya. Hindi naman siya nagsalita.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD