Chapter 11 "Anong nangyari Hakken?" Nakita ni Floran si Hakken. Hindi maganda ang timpla ng mukha ni Hakken. Isang linggo ang lumipas matapos ianunsyo tungkol sa unang magiging supling ng reyna. "Hindi mo ba naririnig ang usapan ng mga tagapaglingkod?" Salubong ang kilay ni Hakken at nilingon si Floran. Nagkibit-balikat ang konsorte sinabing pwede niya ipaputol ang ulo ng mga tagapaglingkod na iyon kung na-offend siya ng mga ito. Aware si Floran sa pagkukumpara na ginagawa ng mga tao sa palasyo sa pakikitungo ng reyna kay Hakken at kay Valkyrie. Matapos kasi ang unang gabi at mga sunod na gabi kasama ni Floran ang reyna ay bago pa sumikat ang araw ay umaalis na ang reyna. Naiinis si Hakken dahil doon. Naiyukom ng lalaki ang kamao. Natatapakan ang pride niya bilang lalaki at dig