Chapter 39 3rd Person's POV "Bampira? Kaibigan ng reyna?" "Hindi mo ba nabalitaan? May matibay na ugnayan ang ating kaharian sa mga bampira. Dadalaw ngayon dito ang hari ng mga bampira kasama ang asawa at isang anak nila. Ngayon busy ang lahat dahil may gaganaping pagdiriwang sa main palace at pag-welcome iyon sa imperial family ng mga bampira." Kasalukuyang nagkukuwentuhan ang mga tagapaglingkod at agad na yumuko noong masalubong nila ang prinsesa. In some reason na-curious si Mystica. Sa books niya lang nababasa ang about sa mga bampira at masyado ang mga ito misteryoso. Nalaman ni Mystica na walang sariling kaharian ang mga bampira at palipat-lipat lang ang mga ito ng teritoryo. Ngunit hindi ang mga ito pwede maliitin— malakas ang mga ito at pumapangalawa sa mga lobo kung usap