Chapter 19 NARINIG ko ang mga ingay ng kawal. Mukhang alam na nila na nakatakas ako. May bumukas ng pinto. Napatigil ako dahil nakita ko ang paboritong heels ng reyna. Noong makumpirma ko na iyon nga ang reyna lumabas ako ng ilalim ng kama. Nakita ko ang reyna na nakatalikod. Noong tangkain ko na lumapit para hawakan ang reyna— umikot ang reyna at napatigil ako. May pulang likido ngayon ang paunti-unti tumutulo sa sahig. May hawak na espada ang reyna at nakabaon iyon sa kanang dibdib ko. Bumakas ang gulat sa mukha ng reyna. Iyong kagustuhan nito na pumatay ay napalitan ng gulat. Lumambot ang expression ko at noong hahawakan ko ang espada ay mabilis niya na hinila iyon. Napaubo ako at napaluhod. Masyado iyon malalim. Napahawak ako sa dibdib ko. "Mahal na reyna!" "Ang mga tao.