Chapter 22 3rd Person's POV Ang nangyari nasa labas si Valkyrie at kinulong sa isang barrier. Tuwing mawawasak niya iyon ay agad din bumabalik. Mas lalo napu-frustrate ang lalaki. "Ano suko ka na?" Napabangon si Valkyrie noong narinig ang boses ng reyna. Agad na sumalubong ang kilay ni Valkyrie. Balak niya patayin ito gamit ang itim na espada. Ilang metro lang ang layo nila sa isa't isa. Walang dalang espada ang reyna at mukhang masyado itong kampante. Napangisi si Valkyrie. Agad na kumilos si Valkyrie para ibaon ang espada sa dibdib ng reyna ngunit bago pa iyon dumikit sa katawan ng reyna nanigas ang katawan ni Valkyrie. Nagulat din si Mystica at hindi nakagalaw. Ang position nila ni Valkyrie ay lubhang familiar kay Mystica. Ayon iyong time na napatay ni Valkyrie si Mystica d