MAAGA AKONG NAGISING. Kasama ako ni daddy Godipher papunta sa company nila. Nasabi naman niya ito kahapon sa akin kaya pinaghandaan ko na agad ang aking susuotin. Napatingin ako sa kama ko, nandoon na naman kasi ang dalawa. Katabi ko na naman sila natulog. Kahapon pala, maaga silang nakauwi. Sabay silang umuwi kila tita Susana kaya hindi na ako nalungkot! After namin kumain ng dinner ay natulog na rin kami agad, mukhang pagod na pagod nga ang dalawa. “Daddy, sasama ako today, ‘di ba?” Tumabi ako kay daddy Godipher, umupo ako sa gilid niya. “Y-yes, baby. Sinabi ko na kay mayordoma kagabi.” Husky ang boses na sabi niya sa akin at niyakap ang aking bewang. “So, wake up na! It's already 4:30 in the morning na po.” aniya ko at sinundot ang kanyang tagiliran. Maging si daddy Luxus ay tulog