PAGKARATING NAMIN sa Mansion ay sinabi ko lahat kay mayordoma at kay tita Susana ang tungkol sa check up ni Master Godipher, wala akong minintis ni isa. Sasabihin ko rin nga sana about sa bardagulan ng dalawa pero hindi ko na lang tinuloy. Pinauna ko na ring kumain si Master Godipher kanina at katatapos ko lang din kumain and paakyat na ulit ako sa k'warto niya para painumin naman siya ng kanyang vitamins and gamot, maging ang eye drops ay ipapatak ko na rin sa mata niya. “That‘s it, Master Godipher! Matulog ka na para makapagpahinga ka na rin, okay?!” saad ko sa kanya at tinapik ang kanyang magkabilang pisngi. “Baby, gusto ko kitang makatabi sa pagtulog.” Nakangusong sabi sa akin ni Master Godipher pero tumanggi ako sa alok niya. “Dito po kayo matutulog at doon ako sa k'warto ko m