TINAKBO nina mayordoma at kuya Jun si Master Godipher dahil inaapoy raw ito ng lagnat, kanina pa nila pinainom ng gamot pero hindi raw bumababa ang init ng katawan ni Master Godipher. Narinig ko ring tinawagan na ni mayordoma si tita Susana para sabihing dadalhin nila sa hospital si Master Godipher, gusto ko nga sumama dahil mukhang kasalanan ko ba't siya nilagnat. Hindi ko alam pero na-guilty ako sa nangyayari kay Master Godipher ngayon, kung ‘di ko sinabi kahapon na maliligo ako ulan sana hindi rin niya naisip na maligo rin. Pakiramdam ko kasi iyon ang dahilan ba't siya nilagnat ngayon. Pero, sabi ni mayordoma sa akin ‘wag na raw muna akong sumama. Kaya sobrang nalungkot ako at halos maiyak ako dahil personal maid ako ni Master Godipher pero wala akong k‘wenta. “‘day, huwag ka na mal