PANIBAGONG ARAW sa Mansion ng mga Smith. Hindi ko pa rin nakakalimutan ang mission kong good vibes kay Master Godipher. Ang mission mapadali na magkaroon ng liwanag ulit sa mga mata niya. Nagtataka nga ako pag-uwi ko kagabi galing sa day off, sabi ni ate Mheg ilang beses daw nagtanong si Master Godipher sa kanila kung anong oras daw ako uuwi, sinabi naman daw nilang bandang alas-singko ng hapon at laking gulat pa raw nila na maghintay si Master Godipher sa may living room. Pero, ang ending pina-akyat na rin siya ni mayordoma. Nagtext kasi ako sa kanila na baka gabihin na ako. Sobrang traffic kasi ng dinaanan ko then sinabayan pa nang malakas na buhos ng ulan. Kaya pala mainit nu'ng umalis ako buti na lang lagi akong may dalang payong. Kaya ang ending imbis na alas-singko ng hapon ako na