LUMABAS ako sa k'warto ko. Dahan-dahan akong naglalakad papunta sa room ni Master Godipher, pakikinggan ko lang kung gising na ba siya. Naalala ko naman ang sinabi ni mayordoma na malakas ang pagdinig ni Master Godipher pero binubuwis ko pa rin ang buhay ko para masiguradong tulog pa rin talaga siya. Tinanggal ko nga pala ang tsinelas kong pambahay para talagang walang ingay na mangyayari. Nang nasa harapan na ako ng kanyang pinto, tinapat ko ang aking tenga roon at nag-concentrate sa mga ganapan sa loob pero wala akong naririnig ni isang ingay kahit mahina wala man lang. Tulog na tulog pa siguro talaga si Master Godipher. Lumakad ako palayo sa k'warto niya at tinignan ang suot kong relos hindi pa rin umiilaw. Thanks, God! Makakakain pa ako ng breakfast. Nang makalayo sa perimeter ng