TBMM - 74

1815 Words

ALAS-SAIS NG GABI. Nakaayos na ang lahat ng aming gamit. Mabuti na lamang ay nakabili na rin kami kahapon ng mga pasalubong pabalik sa Manila kaya diretsong pantalan na talaga kami. “Luna, lahat ba ay nandyan na sa compartment niyo? Baka may nakalimutan ka pa?” pagtatanong ni Mama sa akin. Ilang beses na ba niyang tinanong sa akin ito. Umiling ako sa kanya. “Wala na po, Ma. Lahat po ay nadala namin, maging ang pinapadala po ni tita Helen. Nilagyan ko na rin po ng name ang box na iyon para alam ko pong para kay Jenny niyon.” sabi ko sa kanya. “Hay,” napabuntong hininga siya at nakikita ko sa mga mata niya panunubig ng mga iyon. “Mag-iingat ka roon, Luna, huh? Basta kapag gusto mo ng bumalik dito, umuwi ka na agad.” saad sa akin ni Mama at hinawakan pa niya ang aking magkabilang kamay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD