UMAGANG-UMAGA ay aligaga na ang mga tao sa buong Mansion. Ngayon na rin pala ang dating ni Young Master Luxus. Pero, hindi ko alam sa lalaking nasa likod ko na todo yakap sa akin, kung bakit hindi pa siya nag-aayos. Kakambal niya ang darating ngayon. Nakatingin kami rito sa veranda at pinapakinggan ang mga boses sa ilalim na natataranta. “Hindi ka ba sasama sa pagsundo sa kakambal mo, Master Godipher?” pagtatanong ko sa kanya. Nakita ko kasi sila tita Susana kanina na nakabihis na pang-alis at maging si mayordoma Nenette yata ay kasama. “Don‘t think about that bastard!” galit niyang sabi sa akin at hinalikan ang aking exposed na balikat. Napalingon ako sa kanya, “hindi ko naman po siya iniisip. Besides, Master Godipher, hindi ko pa nga po nakikita ang kakambal niyo po, maging ang