“You are two minutes late, Luna.” Napakuyom ako ng aking palad dahil sa sinabi ni Master Godipher. Kung sinabi niya agad kung nasaan siya, edi, dapat hindi ako na-late! At, saka paano niya malalamang late ako ng 2 minutes, e, hindi nga siya nakakakita! Bwisit talaga ang isang iyon! Pasalamat siya, amo ko siya kung ‘di hinulog ko na siya sa may veranda buti na lang ang bait-bait kong nilalang sa mundong ibabaw na ito. “Master Godipher, ano pong kailangan niyo?” magalang na tanong ko sa kanya kahit naiinis na ako sa ugali niya. “Get me some water,” saad niya sa akin habang ang kanyang tingin ay nasa labas ng veranda. Ano bang ginagawa niya d'yan? May naaanig ba siya? Hindi ko naitanong kung bakit siya nabulag? O, since birth ba hindi na talaga siya nakakakita? “Sige ho, bababa po