NAWALA ng parang bula ang day off ko dahil kay Master Godipher! Buti na lang talaga hindi ako nag-promise kay Jenny kung ‘di magagalit ang isang iyon sa akin. 2:45PM na pero nandito pa rin kami sa company nila. Para kaming tanga ni Robin dito na naghihintay matapos magpirma si Master Godipher sa mga papeles na naiwan niya rito. Nakatunghod lang kami ni Robin at tinitignan sina Master Godipher and ang kanyang secretary na si Michael, siya ang naglalagay ng kamay ni Master Godipher kung saan siya pipirma. Pero, bago niyon ako muna ang kinunsulta niya kung para saan ang lahat ng papeles na pipirmahan niya at after kong sabihin ang mga iyon wala na akong ginawa. “Nakakaantok, ate Luna.” saad ni Robin sa akin at palihim na humikab. Tumango ako sa kanya. “Hindi lang naman ikaw ang inaanto