LAYLA
Donna wasn't feeling well this evening kaya nagvolunteer ako na tulungan si Tessa. Napansin ko na nagkukusa si Sir Theo na mag-intindi kay Ken sa gabi bago matulog. Nahihiya naman ako na walang gagawin kaya imbes na tumambay sa kwarto o sa labas ay tumutulong ako sa paglilinis.
"Ako na rito, Layla. Kaya ko naman," awat sa akin ni Tessa nang magdala ako ng mga plato. Kasalukuyan siyang naghuhugas ng mga kaserolang ginamit sa pagluluto kanina.
"Konti lang naman 'to. Hayaan mo na ako. Si Sir Theo kasi ang kasama ni Ken ngayon kaya wala akong gagawin. Tutulungan na kita para mabilis."
"Sige, ikaw ang bahala."
Tahimik kaming naglinis sa kusina at bilang pasasalamat ni Tessa ay inaya niya akong bumili ng ice cream sa labas. Naglakad lang kami kaya nagkaroon ng pagkakataon na magkwentuhan. Maaliwalas ang gabi at maraming bituin sa langit. Maliwanag din ang ilaw sa bawat poste kaya hindi nakakatakot maglakad palabas. Exercise na rin para magpababa ng hapunan.
"Ano ang masasabi mo sa nanay ni Sir?"
For some reason, ramdam ko ang disgusto sa akin ng ina ni Sir Theo. But I learned a long time ago not to confide anything to a co-worker. Kahit gaano kabait at gaano mo na katagal kasama, there are things you just share lalo na kung tungkol sa pribadong buhay. Even with Julie, I didn't share the exact reason why I wanted to file for divorce.
"Okay naman siya."
Napatawa si Tessa. "Sus! Huwag ka nga. May pagkamataray 'yong nanay ni Sir. Narinig ko si Manang noon kausap si Atty. Lontoc, hindi close si Madam kay Ma'am Larraine. Hindi kasi namin inabot ni Donna 'yon e. Wala na si Ma'am noong dumating kami. Sina Manang ang talagang matagal na rito kasi sa mga magulang pa ni Sir sila nagsimulang manilbihan."
"Ganoon ba?"
"Alam mo ikaw, ang tahimik mo. Hindi ka ma-kwento at puno ka ng misteryo. May tinataguan ka ba?"
My heart skipped a beat, but I tried to give her a smile. "Wala. Hindi lang talaga ako ma-kwento pero good listener ako. Iisa kasi akong anak e."
"Ah, kaya naman pala mahilig ka sa bata. Ang giliw mo nga kay Ken e at close na rin s'ya sa 'yo. Mas close pa sa 'yo kaysa kay Gerlee kahit bago ka pa lang."
"Mabait naman kasi si Ken at malambing." Napansin kong tingin ng tingin si Tessa sa akin. "Bakit ganyan ka makatingin?"
"Kasi, bagay kayo ni Sir Theo. Kaunting ayos lang at haircut, papasa ka na nanay ni Ken." Humagikhik si Tessa.
"Naku, Tessa! Tigilan mo ako. Baka may makarinig sa 'yo at ma-chismis kami ni Sir Theo, nakakahiya."
"Single ka naman. Single rin s'ya. Ano ang masama roon? Saka may pinag-aralan ka naman. Kagusto-gusto ka."
"Ay sus! Sa estado ng buhay, ang layo ng agwat namin kaya imposible na," naiiling kong sagot sa kaniya. Parang Romnick at Sheryl lang noong unang panahon sa mga pelikula.
"Langit ka, lupa ako. Gano'n ba? Pang-FAMAS ang aktingan. Layla, lipas na 'yong mga antas ng buhay problem. Hindi ka ba napopogian kay Sir?"
Tinawanan ko lang si Tessa at hindi sinagot ang tanong niya. Ayaw ko ng komplikasyon lalo na at hindi pa finalize ang divorce ko. Kasal pa rin ako kahit sagutin ko ng oo ang tanong ni Tessa.
***
THEO, Boracay
I should have known my mother has another agenda aside from the property she wanted to purchase. We just arrived at the hotel when I felt a warm embrace. I turned and saw Rose.
"Surprise!" She kissed my cheek. "I'm so glad you're able to come. It's been two months since I saw you."
"Rose. What are you doing here?" I didn't want to be rude and that's all I can come up with.
"I'm here to surprise you, silly. Ikaw ha, you've been avoiding me. That hurts." She pouted. Kunwari ay nagtatampo pero hindi naman siya bumibitaw sa akin.
"Hindi naman kita iniiwasan. I was just really busy."
"Then make it up to me. Let's go out for a late lunch then. Tita, sama ka sa amin," aya niya kay Mama.
My mother was all smiles. "I'll come next time. You two have fun. I'll have a room service."
Rose and I went to a simple seafood restaurant. Nasa beach front 'yon at walang aircon. The breeze was nice too, pero si Rose ay panay ang paypay ng kamay sa sarili.
"It's so hot in here. Wala ba silang aircon? Maybe we should go to another restaurant, honey."
Hindi ko alam kung saan ako magugulat. Sa tawag niyang honey sa akin kahit wala kaming relasyon, o sa paghahanap niya ng aircon sa tabing dagat?
"I like the food here, Rose. I'm sure you'll like it too. May fan naman and it's not that hot."
"Ang init. Tingnan mo, pawisan na ako. Hindi ba pwedeng itutok na lang sa akin ang fan?"
Napailing na lang ako. Panay pa rin ang reklamo niya at kung hindi lang ako gutom ay inaya ko na siyang umalis para matigil ang complaints niya. Kaya ang ay naka-order na kami ng pagkain and I'm looking forward to the chili crab. Saglit siyang natahimik nang i-serve ang drinks namin. The cold buko shake was refreshing.
"I missed you." She held my hand and intertwined it with hers. Ngumiti lang ako sa kaniya. "If I wasn't so busy with work, nakasunod na ako sa 'yo sa Batangas. How's your son?"
"He's fine. Pasukan na nila next week so we're going to be busy."
"May nanny naman siya at tutor, 'di ba? You're still able to do your thing?" Sumimsim siya ng juice. "Don't worry, I can drive him to school and pick him up too. I will help. I'm off for the next four weeks. What's his name again?"
"Ken."
"And how old is he again? Sorry, I am not good with names and numbers."
But she works at a hotel? Isn't that supposed to be her strong trait?
"Six."
"So you had him when you were only 24? You were a young daddy then."
"Hmm."
Naninibago ako kay Rose dahil hindi naman siya ganito noong una kaming lumabas. It was like I've never met her before. I am pretty sure my mother told her about Ken before but here she is asking me about it again.
"Well, I can't wait to meet him."
Our lunch was served and we started eating. She ordered pork barbeque. Sa awa ng Diyos, tinigilan na rin niya ang pagrereklamo sa init ng panahon.
"Did you say you were going to be in the country for four weeks?" Tumango siya. "Where are you staying?"
"At my aunt's. May bahay siya sa San Jose and since nag-migrate na sila sa California, walang tao roon pero may pumupuntang caretaker. Malapit lang 'yon sa Lipa so it won't be a far drive from your place."