LAYLA
Habang nasa mall kami ay nanahimik ako at kung hindi kinakausap ay hindi ako nagsasalita. Pagod si Sir Theo sa biyahe at nakadagdag pa sa iritasyon niya ang ginawa ko. Wala naman akong masamang intens'yon at gusto ko lang mapagbigyan si Ken sa request niya.
Nang makabalik kami sa bahay ay nagdiretso ang mag-ama sa kwarto. May mga dalang pasalubong si Sir Theo para kay Ken kaya nagdiretso ako sa kusina. Nahahapo akong umupo sa isang silya roon habang sina Tessa ay abala sa paghahanda ng tanghalian.
"Hala, bakit ganyan ang mukha mo? Napagalitan ka ba?" May bahid ng pag-aalala ang boses ni Tessa.
"Nakakatakot pa naman magalit 'yang si Sir," dagdag ni Donna habang nagbabalat ng patatas. "Dapat nagpahatid na lang kayo kay Manong."
"Pinagsabihan lang niya ako kanina pero maayos naman."
Bahagyang nagulat si Donna. "Talaga? Dati kasi, nagalit 'yan kay Gerlee dahil panay ang cellphone imbes na bantayan si Ken. Ayun, napatid sa ugat ng mangga d'yan sa likod. Nabangasan ang tuhod. Galit na galit si Sir. Akala ko nga matatanggal na sa trabaho si Gerlee noon e."
"Mali naman talaga 'yong magcellphone habang nasa trabaho. Magagalit talaga si Sir," katwiran ni Tessa. Bumaling siya sa akin. "Basta, huwag mo na uulitin. Kahit pa gusto ni Ken, ipaalam mo muna kay Sir. Teka, may number ka ba niya?" Umiling ako. "Binigay ko 'yong number mo kanina e. Hindi ka tinawagan?"
"Wala naman siyang nabanggit na tumawag s'ya sa akin. Saka nasa bag ko 'yong cellphone ko. Teka nga at i-checheck ko." Binuksan ko ang zipper ng bag ko at kinuha ang cellphone ko. Seven missed calls. Hindi pamilyar sa akin ang number. "A-Ano ba ang number ni Sir?"
"0917-0-HELIOS."
"Ha?" Napanganga ako sa kaniya. "May number bang gano'n?"
"0917-043-5467 ang ibig kong sabihin. Pangalan n'ya 'yon e." Nagpipigil ng tawa si Donna habang nagpapaliwanag sa akin si Tessa. Iyon ang number na tumawag sa akin ng maraming beses kanina.
"Akala ko ba Theo ang pangalan niya?"
"Teodoro Helios Lacsamana Kirkpatrick. Half-American 'yong tatay ni Boss, at Pinay naman ang nanay niya. Tapos si Ma'am Larraine 'yong nanay ni Ken at--"
"Tessa, tapos ka na ba sa gawain mo at panay ang daldal mo kay Layla?" tanong ni Manang nang pumasok siya sa kusina. Biglang natahimik si Tessa. "Huwag n'yong ugaliin na pinag-uusapan 'yong mga taong wala rito. Nandito tayong lahat para magtrabaho. May pribado silang buhay."
"Sorry po, Manang. Hindi ko naman po chinichismis ang buhay ni Sir. Bago lang po kasi si Layla at hindi n'ya po alam kung sino 'yong pamilya ni Sir."
Tumango si Manang. "Sige. Pero gawin mo muna ang trabaho at mamaya ay kakain na 'yong mag-ama. Mamaya na tayo kumain pagkatapos nila." Bumaling sa gawi ko si Manang. "Nakabili ba ng regalo si Ken kanina?"
"Opo, Manang. Sumunod po si Sir sa mall kanina at sabay-sabay kaming umuwi."
"Mabuti kung ganoon. Ang akala ko kanina ay dadalhin mo ang kotse mo sa pagpunta sa mall, pero hindi ko alam na mamamasahe pala kayo ni Ken. Ayaw ni Sir Theo na pinangungunahan siya. Kahit pa gusto ni Ken, huwag kang basta susunod. Baka mamaya ay mapahamak ang bata. Hindi mo gugustuhin na magalit sa 'yo si Sir."
"Opo, Manang. Naiintindihan ko po."
***
Nang umalis si Manang kanina ay natahimik kami sa kusina. No one wanted to talk and everyone was on edge. Tumulong na lang ako sa paghahanda ng tanghalian at pagkatapos ay inintindi si Ken. He took his afternoon nap and I was able to take a break.
The next few days returned to normal. Hindi pa bumabalik si Gerlee at hindi ko namalayan na dalawang buwan na rin pala ang lumipas. Ken doesn't like it when I go back to my apartment on my days off pero kailangan kong lagyan ng boundary ang pagitan naming dalawa kaya umaalis pa rin ako. Para rin naman sa kaniya 'yon. Magkakaroon sila ng private time ng kaniyang ama. He's a sweet kid at habang lumilipas ang panahon ay lalo siyang napapalapit sa akin.
Sir Theo barely talks to me. Kung wala siyang tanong na related kay Theo ay hindi niya ako kinakausap. Minsan, naiisip ko na sadyang iniiwasan niya ako. Until he took Ken to Tagaytay and asked me to accompany them.
Ken had so much fun at the Sky Ranch at kahit ako ay napasakay sa rides. We had a ice cream afterwards at nagpahinga sa isang park. Nang makita kong naghihikab si Ken ay kinalong ko siya at kinuha ang ice cream na hindi pa ubos para ibigay sa kaniyang ama.
"Tell me about yourself, Layla." Hindi niya inubos ang ice cream at itinapon na ang tira sa malapit na basurahan kanina.
"Wala naman pong interesting sa akin. Kung ano lang ang nasa resume ko, 'yon na po."
"Do I look that old to you?" Umiling ako. "Then drop the po. You're making me feel older than my age."
"Okay, Sir."
"Ang sabi ni Candy, wala ka raw pamilya rito?" Tumango ako. "Bakit Batangas ang napili mo? Marami pa naman ibang lugar. May t'yahin ka raw sa Maynila. Sa Toronto ka tumira bago umuwi. I was thinking you would prefer to be in the city."
"Mas gusto ko ang tahimik na lugar. Masyadong maingay ang Maynila para sa akin."
"Gaano ka katagal tumira sa Toronto? Were you there for work?"
"Dalawang taon rin, Sir. Nagtrabaho ako sa school doon. Nakaipon ng kaunti kaya bumalik na ako rito. Iba pa rin ang Pilipinas."
I carefully chose my words. Ayaw kong mag-ungkat siya tungkol sa naging buhay ko roon. Nang ikasal kami ni George sa Hongkong ay inapply niya ako ng tourist visa. I visited once it got approved. Doon na nag-file si George ng sponsorship para sa akin bilang asawa niya.
"There's no place like home. I agree."
I found him staring at Ken in my arms. Nakasiksik ang mukha ni Ken sa leeg ko habang nakapalibot naman ang bisig ko sa kaniya. Mistula kaming mag-ina sa posisyon namin.
"Ken has changed so much since you came. And I can tell how comfortable he is with you. Alam mo bang umiiyak s'ya kapag umuuwi ka sa apartment mo? Gusto ka niyang tawagan bago matulog pero sinasaway ko. You need a break and you deserve your day off. Ayaw ko rin siyang maging dependent sa 'yo dahil mahirap kapag nasanay siyang lagi kang nand'yan. You have your own life."
"Wala naman akong balak umalis."
"But you will eventually. You will get married and have your own family. Hindi pa siguro ngayon, pero in the future."
Hindi ko lang masabi na may asawa na ako at apat na buwan na lang ang kailangan para maproseso ang divorce ko.
"Huwag n'yo sanang masamain, Sir. Wala ho ba kayong balak mag-asawa uli?"
Kumunot saglit ang noo niya bago tumitig sa mga mata ko. "Kapag nahanap ko ang tamang babae, bakit hindi? You have to understand, I have a son. Hindi lahat ng babae ay gustong mag-alaga ng anak ng iba."