Atarah
*
*
Napanganga ako nakatitig sa replikson ko sa salamin.
" Maganda pala talaga ako! Para akong model lumabas ang hubog ng katawan ko bagay ang black off-shoulder dress saakin na lagpas tuhod may slit sa kanan hita
Dahan-dahan lumapit si kenzo sinuot niya ako ng diamond necklace hinalikan niya ako sa balikat
" You look gorgeous..." namamaos na bulong niya nakatulala parin ako hindi ako makapaniwala na ganito ako kaganda. Sa bahay kasi pag-gising ko maliligo lang ako at magsusuklay maghapon na ako sa pagtratrabaho. pagdating ng gabi kakain ng haponan at matutulog.
" Tara! Naghihintay na sila 30 minutes pa bago tayo makarating sa mansion. " malambing na aya ni kenzo
" Malapit na kitang maangkin." Nakangiti na wika niya
" Pwede mo naman gawin yon kahit anong Oras, Bayad mo narin naman ako. Pag-aari mo ang katawan ko sa loob ng Anim na buwan." Tugon ko
" Shut the fvck." galit na bulyaw niya binitawan niya ang kamay ko Napayuko ako bigla akong natakot sakanya hanggang sa marating kami sa sasakyan wala kaming imikan bigla siyang nagalit saakin sa hindi malaman dahilan
" Bawal kang lumapit sa ibang lalaki umiwas ka sa ibang tao ako lang ang kakausapin mo. " Pagalit na wika niya
" Opo Sir." takot na tugon ko
" Damnit don't call me Sir! " bulyaw niya
" Akala ko magiging maayos na ang lahat. May sakit ata sa pag-iisip si Kenzo minsan sweet at malambing pero bigla nalang nagagalit. Nakakatakot talaga siya minsan. Anim na buwan lang naman.
" Tandaan mo ang kuntrata natin sa Oras na may nilabag sa nakapag kasunduan natin tapos na ang kuntrata natin. Hindi ibig sabihin na mabait ako sayo ligtas kana pwedi kitang patayin anong Oras ko gustohin. kaya huwag kang gagawa ng ikagagalit ko." Walang emosyong wika niya habang mabilis na nagmamaneho
" Sa oras na matapos ang kuntrata natin babalik na kami ng probinsya ipagbibili kona ang bahay namin gagawin kong puhunan sa probinsya. Hindi ako pweding manatili kay kenzo may sakit siya sa pag-iisip baka bigla niya akong patayin.
" Pagdating sa tapat ng gate ng mansion hindi ko alam kung lalabas ako o hindi iniwan kasi ako ni kenzo sa loob ng sasakyan. Nakatanaw lang ako sa mga tao sa bakuran ng mansion punong-puno ng table ang bakuran madame din tao at lahat sila mukhang mayayaman. Nakita ko si kenzo nakipag usap sa mga bisita hindi niya ako binalikan sa loob ng sasakyan Yumuko lang ako hindi ko mapigilan maiyak.
" Ganito ba talaga ba pagbayaran kalang? Kaya ko to gagayanin ko kahit anong mangyari alang-alang sa pamilya ko. Nakayuko ako tahimik na umiiyak ng bumukas ang pinto ng sasakyan napaangat ako ng tingin
Pinunasan ko ang luha sa mga mata ko bigla kasing bumukas ang pinto ng sasakyan sa tabi ko
" Hey miss I'm Vaughn his cousin." wika ng matangkad na lalaki
" Akmang sasagot ko ng may humila sa nagpakilala na Vaughn
" I'm Leo his cousin c----
" Nawala na naman ang lalaki sa labas ng sasakyan.
" I'm alazne his sister." magiliw na Pakilala ng isang babae
" Hello oh you're gorgeous by the way I'm Cleo! Leo twins." nakangiting wika ng kulot na buhok na dalaga
Skyler here." sigaw ng lalaki
I'm Storm and Brittany my sister and you are?" tanong ng isang lalaki
" Atarah." tipid na Pakilala ko
Nakarinig ako ng kasa ng baril nagtakbohan silang lahat ako ang naiwan sa sasakyan nanlilisik na mga mata ni kenzo ang bumukas saakin dahan-dahan kong sinarado ang pinto ng sasakyan pero mapigilan ni kenzo
" Sabi ko sayo huwag kang makikipag usap sa ibang lalaki?" Galit na bulyaw ni kenzo napaigtad pa ako sa taas ng boses niya
" 6 months lang naman ang kuntrata. Kaya mo to kung hahayaan ko siyang sigawan ako mas lalo lang ako matatakot sakanya.
" Bumaba ako sa sasakyan ubod ng lakas ko siyang binatukan nagulat ang mga tao na nakamasid saamin
" Papatayin mo ba talaga ako sa nerbyos? Okay lang sana kung sa sarap mo ako mamatay. Alam mong takot ako sa tuwing nagagalit ka! Sinisigawan mo ako sa harapan ng maraming tao, Pinapahiya mo ako! I hate you...." Galit na bulyaw ko natigilan siya
Napabig O ang mga tao Nakangisi pa ng nakakaloko ang mga nagpakilala saakin
" Fvck! that's hurt's." inis na tugon niya hinaplos ang Ulo
" Uuwi na ako. Dinala mo ako dito para ipakilala sa mga magulang mo pero anong ginagawa mo iniwan mo ako dito sa loob ng sasakyan. " Mahinahon wika ko
" Ginagalit mo kasi ako." malambing na tugon niya sabay hapit sa bewang ko
" Lagi kang galit! mas lalo kang nagagalit saakin mas natatakot ako sayo gusto ko nga magpakalayo-layo s----
Hindi ko natapos ang sasabihin ko sinakop niya ang labi ko nakarinig ako ng malakas na palakpakan
" Nahihiyang sumubsub ako sa dibdib ni Kenzo ng maghiwalay ang labi namin
" Huwag mong isipin na binayaran lang kita o kaya nabili na kita. Dahil especial ka saakin. Masaya ako na kasama ka hindi ko alam kung bakit. " Malambing na bulong niya saakin
Hinawakan ni kenzo ang kamay ko nakayuko ako habang naglalakad kami papasok
" Ako ang mama ni kenzo tawagin mo akong tita Laura welcome to our family iha." Magiliw na wika ng isang babae maliit lang siya pero para siyang barbie kahit na may edad na parang dalaga parin ang katawan
" Mano po Tita ako po si Atarah, Pasensya na po kayo kung nasigawan ko ang anak nyo. Palagi po kasing galit mamatay ako sa nerbyos buti sana kung sa sarap eh." hingi paumanhin ko
Nakarinig ako ng tawanan
" Gusto ko sya little demon, Pakasalan mo sya bago matapos ang taon na to." Seryoso wika ni tita Laura ina ni kenzo
" What? oh c'mon alam mo mama hindi ako mag-aasawa. She's my filings nothing special magsasawa din ako sakanya." Baliwalang tugon ni Kenzo
" Tama po yon! At isa pa Ayaw ko pong maging Asawa ang baliw na tulad niya. Nakakatakot po lagi akong tinututokan ng baril." Seryoso pahayag ko
" I'm Ben kenzo father. Kung ganon ano ang relasyon nyo ng anak ko?" tanong ni Papa ni kenzo
" Tumingkayad ako at nilapit ko ang bibig ko sa tainga ng papa ni kenzo
" Isa po akong bayaran babae, Anim na buwan po ang kuntrata namin ni kenzo wala po kaming relasyon." bulong ko
" Napangiwi ako nakadikit din pala ang tainga ni tita Laura
" Pero sa tingin ko sayo hindi ka bayaran babae." nakakunot noo na wika ni Tito ben
" Totoo po yon!" tugon ko sabay yuko
" Kenzo puntahan mo ang mga kaibigan mo kakausapin ko lang si Atarah." Utos ni Tita Laura
" Mama! umayos ka she's innocent kaya inangatan nyo sya. she's mine." tugon ni Kenzo sabay lakad palayo
" Ate! Bakit nandito ka? Bakit hindi kana nagtitinda ng pagkain sa parke?" tanong ng limang taon gulang na bata
" Hi little handsome! Pinaalis kasi kami at sa ngayon sa labas ng bahay namin ako nagluluto. kumusta ka may hinahabol ka parin ba ng bad guy's?" nakangiting tanong
" Magkakilala kayo ng anak ko?" tanong ni Tito ben.
" Opo." tugon ko
" Halika iha sa doon tayo sa likod bahay may medyo tahimik doon." Aya ni tita Laura
Hinawakan niya ang braso ko Bawat madaanan namin ngiti lang ang tugon niya sa mga tanong kung sino ako
" Ang laki ng mansion may malawak na bakuran may mamahalin sasakyan na nakahilira sa parking area may nakahilira na mahabang table kung saan nakalagay ang iba't ibang pagkain at wine.
" Napailing nalang ako pagdating namin sa likod bahay na sinasabi ni tita Laura marami pa palang tao may pahabang swimming pool may mga table din na may mga tao sa paligid ang iba nagsasayawan pa sila. Nakita ko si kenzo may kausap na may babae din na nakapulupot sakanya. Dinaanan namin sila pero parang hindi ako kilala ni kenzo.
" Pakiramdam ko hindi ako nababagay sa lugar nato " Mahinang sambit ko
" Kami lang si Tita ang tao sa table na inupuan namin nag utos siya na dalhan kami ng pagkain at alak
" Kain kana iha! alam ko ang pakiramdam mo? Naranasan ko to kay Ben, ang pakiramdam na hindi ka bagay sa lugar. Ang ma out of place, Nararamdaman ko ang kabutihan ng puso mo. Huwag kang mahihiya pwede mo sabihin saakin ang problema mo. Malongkot ang mga mata mo hindi maitatago ng pagngiti mo. " Mahinahon wika ni tita Laura
Yumuko ako sinabe ko ang lahat-lahat ng problema ko, Kung paano kami magkakilala ni kenzo kung ano ang laman ng kuntrata namin. namalayan ko nalang umiiyak na ako sa dibdib ni tita Laura hinahaplos niya ang likod ko
" Alam mo napaka swerte ng mga magulang mo dahil naging anak ka nila. Hindi ako pweding makialam sa personal na buhay ng anak ko. Gusto kita para sa anak ko, natitiyak ko na magiging mabuting asawa at ina ka balang araw. pero kilala ko ang anak ko, Mabilis siyang magsawa sa babae tulad siya ng kanyang ama babaero saka lang nagbago ng layasan ko. Pagkatapos ng Anim na buwan magbagong buhay ka, Lumapit kalang saakin kung kailangan mo ng tulong ko Huwag kang mahihiya. " Nakangiti na wika ni tita Laura
Marahan niyang pinunasan ang luha sa pisnge ko gamit ang tissue
" Salamat po! Gumaan po ang pakiramdam ko wala po akong mapagkwentohan ng problema ko. " magalang na tugon ko umayos ako ng upo
" Iha maiwan mo na kita kumain kalang d'yan huwag kang mahihiya. Makikipag kumustahan lang ako sa mga bisita." nakangiting wika ni Tita Laura
Tumango ako bilang tugon nag umpisa akong kumain habang kumakain ako may lumapit saakin na lalaki
" Hi I'm---
" No thanks..." putol ko sa sasabihin ng lalaki hindi ako nag abala na tumingin sa lalaki
" Wanna dance?" Nakakuha noo ako tumingala ako natatandaan ko pinsan siya ni kenzo kung hindi ako nagkakamali Vaughn ang pangalan niya
" Sorry pero hindi ako pwede." Nahihiya na wika ko akmang maupo ang binata sa harapan ko ng hinahin ni kenzo ang upuan napangiwi ako bumagsak ang binata sa sahig nakarinig ako ng tawanan
" She's mine back off." singhal ni kenzo naupo sa tabi ko sumubsub siya sa balikat ko hinalikan ang balikat ko paakyat sa tainga ko.
" Akin kalang Atarah. " Namamaos na bulong niya hindi ako makakilos pakiramdam nag-iinit ang buong katawan ko
" Huwag mo kasing iiwan mag-isa aba gandang babae sayang lang kung hahayaan mong mag-isa ikaw din." pang-aasar ni Vaughn sinamaan siya ng tingin ni kenzo natatawa tumalikod
" Bakit mo sinabi sa mga magulang ko na bayaran kalang? nagtatampo na tanong niya
" Yon ang totoo! Madumi akong babae wala akong pinagkaiba sa bayaran babae. " Nakangiti na tugon ko pero labag sa kalooban ko ang lumalabas sa bibig ko
" Hindi maganda ang unang pagtatagpo natin. Wala kang choice kaya nandito tayo ngayon nagsisisi kaba na nakilala mo ako?" tanong niya umayos ng upo dinampot ang kupita nagsalin ng wine inubos niya ang laman
" Hindi! Natatakot ako sayo pero masaya ako na kasama ka. enjoy ko nalang ang anim na buwan. " tugon ko
Tumayo siya hinawakan ang kamay ko naglakad kami bawat madaanan namin kinakausap ni kenzo pero ayaw niya akong ipakilala nagagalit pa kung makikipag kamay saakin
" Hey dude." Maangas na bati ni kenzo sa lalaki nakatalikod na lalaki
Jaleel halika papakita ko sayo ang kwarto ko." Nakangisi na wika ng kapatid ni Kenzo
" Alazne sa harapan ng kapatid mo sasabihin ko to sayo! Hindi kita gusto may girlfriend na ako. " Mariing wika ni Jaleel
Dahan-dahan humarap ang lalaki gwapo siya pero hindi nakaligtas sa mga mata ko ang sakit sa mata ng kapatid ni Kenzo
" Hehe I'm kidding.." mahinhin na tugon ni Alazne
" Princess may regalo ako sa kwarto mo." malambing na wika ni Kenzo sa kapatid
" Ayeeeh! kaya kita Love kuya." tugon ni Alazne sabay takbo papasok sa mansion
" Pasensya kana sa kapatid ko bata pa siya crush kana niya. Pero layuan mo ang kapatid ko huwag mong pakialaman kung hindi mo papakasalan." Mariing wika ni Kenzo
" She's not my type! " tipid na tugon ni Jaleel
" Good." tugon ni Kenzo
" Naupo silang dalawa sa bakanting upuan nag inuman at nagbibiroan. Tahimik lang ako nakaupo sa tabi ni kenzo
" Sya ba ang babaeng papakasalan mo?" tanong ni Jaleel
" Big No! She's my slave." tugon ni Kenzo dinampot ko ang baso na may lamang alak inubos ko ang laman niyon
" Isa lang ako sa mga babaeng libangan ni kenzo. Hindi magtatagal magsasawa din siya saakin." sabat ko ngumiti ako ng ubod ng tamis para itago ang nararamdaman kong sakit. Hindi ko alam kung bakit nasaktan ako sa naging tugon ni Kenzo
" She's right! " Tugon ni Kenzo
Madame pang napag-usapan ang dalawa nakipag inuman din si kenzo sa mga kamag-anakan niya. Tumayo ako nilapitan ko ang kapatid ni Kenzo na tahimik na umiinum sa sulok
" Hi." bati ko naupo ako sa harapan niya ngumiti siya saakin bahagya pa akong natulala sa ganda niya
" Tara! sa bahay ko." aya niya tumayo ako magpapaalam sana ako kay kenzo pero hinila na niya ako sa kamay tumakbo kami palabas ng mansion
" Gwen! Next week sa bahay mo ako." Sigaw ni alazne sa isang babae nadaanan namin may kausap na mga kaibigan
" She's my cousin." tipid na wika ni Alazne
Marunong kang magdrive?" tanong niya Tumango ako binigay niya ang susi saakin
" Aratah! " Malakas na tawag ni Kenzo, Nag dirty finger si Alazne tumawa ako pumasok ako sa sports car na dala ni alazne
" Yahoo..." masayang sigaw ko ng mag umpisa akong nagmaniho tawa ng tawa si Alazne sinubukan pa kaming habolin ni kenzo
" Cool right?" tanong ni Alazne
" Oo! Ngayon lang ako nakapag drive ng sports car." Masaya na tugon ko
" Pagkalipas ng isang oras nakarating kami sa two story house may tatlong sasakyan sa garahe dalawang bigbike din, pagpasok mo sa bahay bubungad sayo ang hagdan at living room may minibar din sa ilalim ng hagdan may dinning area at kitchen at tatlong kwarto sa taas may sala din sa second floor
WOW! Painter ka? ang galing." buong paghanga na wika ko
" Pamilya ko lang ang nakakaalam kahit si Jaleel hindi alam. Yan ang trabaho ko d'yan ako kumukuha panggastos ko sa sarili ko." nakangiting tugon ni Alazne
" Tara ipapakita ko sayo ang gawa ko. Oh God! tara tulog na tayo bukas na bukas ipipinta kita ng nakahubot hubad." excited na wika niya
" Ayeeeh talaga? Sige-sige bigay mo sa kuya mo." excited na tugon ko
" Hahaha! Sige ipangreregalo ko sakanya. malapit na siya mag 28 ." tugon niya
" Talaga! " nakangiti na tanong ko Tumango siya hinila ako paakyat sa hagdan pumasok kami sa kwarto
" Ito isuot mo yan ang banyo." nakangiti na turo niya sabay bigay ng damit na nakatupi
Pagkalipas ng isang sandali nakatayo kami sa balcony umiinum ng red wine
" Masayahin ka pero napapansin ko ang lungkot sa mga mata mo. " wika ko
" Mahal ko kasi si Jaleel pero kahit anong gawin ko hindi niya ako gusto. Kahit anong pang-aakit ko wala nagmumukha lang Ako tanga." Malongkot na kwento niya
" Huwag mong habolin, Ang lalaki ayaw nila ng hinahabol subukan mong kalimutan siya, Pwede mo siyang mahalin pero huwag kang umasa na mamahalin ka niya. Subukan mong ituon ang pansin mo sa ibang bagay. Balang araw may tamang tao na darating sayo." mahabang sabi ko Hindi ko alam kung saan nang galing ang mga sinabi ko kusa nalang lumabas sa bibig ko.
" Salamat! Alam mo gumaan ang pakiramdam ko. Matapang ako kung titingnan pero ang totoo gusto ko lang ipakita sa lahat ng tao na okay ako kahit na hindi. Marami akong kaibigan pero walang nakapansin na malungkot ako. spoiled brat walang mararating sa buhay dahil palamunin lang ako ng mga magulang ko yan ang madalas kung marinig. Pero lahat ng meron ako galing sa dugo't pawis ko. " Malongkot na wika niya
" Huwag mong ipakita na malungkot ka, Kahit na anong problema o pagsubok sa buhay ngumiti kalang. Matatapos din yan." Nakangiti na tugon ko
" Thanks!" nakangiti na tugon niya
" Ganda mo Alazne! Kahit sinong lalaki mabibighani sa natural na ganda mo. Ilabas mo lang ang natural na ganda mo mas maganda ka pag walang make-up. " buong paghanga na wika ko
" Dapat ba ako kiligin? Hahaha ikaw lang ang nagsabi na maganda ako bukod kay kuya." natatawa na wika niya
" s**t! Cute mo sarap ka gawin babygirl." Nakangiti na wika ko
" Hahaha." tawa niya
" Masarap kaya ako?" natatawa na tanong niya
" Iwan! Hindi kita Pweding tikman pareho tayo may tahong." pagbibiro ko nagtawanan kami