Chapter 21 Unexpected

3057 Words
Atarah * * " Ayeeeh! May trabaho na ako kuya! 300k a monthly salary ko with benefits." masaya na wika ko " Kanino sasakyan yan?" Tanong ni kuya " Sa boss ko pinahiram saakin. " Nakangiti na tugon ko Kararating ko lang Nandito ako sa probinsya. 6pm na ng gabi " Nanay! Bukas po mamasyal tayo mag road trip tayo." masaya na wika ko " Paano kung tawagan ka ng boss mo?" tanong ni nanay naupo ako sa tabi ni Nanay niyakap ko ng mahigpit " Hayst! Kinakabahan kasi ako Nanay kaya umuwi ako dito. Alam ko may plano siyang hindi maganda. Ilang beses ko kasi nereject ang proposal niya saakin. Ayaw ko kasi mag-asawa pero namimilit siya." Mahabang salaysay ko humiwalay ako sa pagkakayakap kay nanay " Hala kumain kana, Bukas na bukas mag road trip tayo " nakangisi na sagot ni Nanay. " Nanay Bakit kakaiba ang ngiti mo?." naningkit ang mata ko habang nakatitig kay Nanay " Wala! Masaya lang ako sa wakas may nobyo kana." Nakangiti na tugon ni Nanay " Nanay! sabi ko naman sayo ang dahilan diba? Hindi ako nagsisinungaling sainyo. Sa ngayon gusto ko lang magkaroon ng anak at maging single mom." mariin na tugon ko " Sinabi ba niya na mahal ka niya?" tanong ni Kuya " Oo ilang beses na! Hindi ako sumagot ayaw ko talaga mag-asawa. " Tugon ko " Sige Kumain kana " Nakangisi na tugon ni kuya " Parang may mali talaga sa ngiti nila alam kong gusto nila mag-asawa na ako. Pinagtapat ko na kay Nanay at kuya ang totoong dahilan kung bakit naipagamot ko sila sa ibang bansa. Hindi nila ako hinusgahan nanghingi din ng tawad si mama Laura at Papa Ben para sa ginawa ni kenzo. Masaya ako hindi nagalit si Nanay at kuya naintindihan nila ang lahat. Kinausap din ni Nanay si Papa ben na ipakasal kaming dalawa ni kenzo pumayag sila mama Laura pero ako Ayaw ko. " Nanay si ninong bakit hindi ko makontak?" tanong ko " Nasa ibang bansa binawian ng buhay ang matanda na umampon sakanya. Matatagalan bago siya makabalik inaayos pa kasi ang property na pinamana sakanya. Nagpadala siya ng pera kahapon. " Mahinahon sagot ni nanay " Ate Niña nakainum naba ng gamot si Nanay?" tanong ko sa nurse ni Nanay " Okay na Arah! Huwag kang mag-alala hindi ko pinabayaan si Nanay." nakangiti na tugon ni nurse Niña " Bunso tara kain na nakahanda na ang pagkain." tawag ni kuya Tumayo ako naglakad palapit sa kusina " Wow! Chicken inasal...." nakangiti na wika ko " Kain na." nakangiti na Utos ni kuya naupo ako saglit ako nagdasal pasasalamat sa pagkain Nagkwentohan kami ni kuya habang kumakain ako si Nanay naman pinasok na ni nurse Niña sa kwarto niya. Pagkatapos kumain naupo kami ni kuya sa labas ng bahay sa upuan malapit sa pinto sa tapat ng bintana " Pasensya kana Arah! Nahihiya ako dahil saamin ni Nanay nagawa mong ibanta ang sarili mo. Nahihiya ako sayo nasira ang kinabukasan mo dahil saamin." Nahihiya na wika ni kuya nakayuko siya hawak ang baso na may laman beer " Kuya! Wala ako pinagsisihan, At isa pa gusto ko si kenzo mahal ko na nga siya eh. Hindi niya ako binaboy maingat niya akong inangkin. Wala akung pinagsisihan kung mauulit ang nangyari gagawin ko parin yon. Gagawin ko ang lahat para sainyo ni Nanay." nakangiti na wika ko " Salamat! Napaka swerte ko dahil ikaw ang naging kapatid ko." Nakangiti na tugon ni kuya. " Mag-asawa kana bunso." Wika ni kuya " Ayaw! Nasaksihan natin ang nangyari kay Nanay ayaw ko maulit saakin yon." Tugon ko " Hindi ibig sabihin na nangyari kay Nanay mangyayari sayo. Iisang lalaki lang ang nakakuha sayo at ngayon mahal ka ng taong yon. Handa ka pakasalan bakit ka natatakot sa bagay na hindi pa nangyayari. Okay lang masaktan kasama sa buhay yan. Pagnasaktan ka move on ka nalang balang araw makakalimutan mo din. Huwag kang matakot mag-asawa dahil lang sa pagkakamali ni tatay. " mahabang paliwanag ni kuya " Pag-iisipan ko Kuya." Tipid na tugon ko " Kuya good night, inaantok na ako." Paalam ko Pagpasok ko sa kwarto agad ako nakatulog " Kinabukasan " Hmmm ..." Ungol ko nag unat-unat ako ng dalawang kamay " She's awake... " OMG this is it! " In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may, now kiss your bride. " " May dumanpi na labi sa labi ko. saglit lang yon pero alam ko kung kanino labi ang dumampi sa labi ko. Namulat ako ng aking mga mata " Nakangiti na mukha ni kenzo ang bumungad saakin “Go in peace to glorify the Lord with your life.” " Thanks be to God.” sabay-sabay na sagot ng mga tao Ginala ko ang paningin ko sa paligid nanlalaki ang mga mata ko nasa loob ako ng simbahan nakita ko si Nanay umiiyak habang nakangiti " Nanay sino ang patay? Huwag mong sabihin na si kuya nasobrahan sa kakabayo sa nurse mo." Nag alaala na wika ko nakarinig ako ng malakas na tawanan " Huh????? Nanlalaki ang mga mata ko parang hindi kasi burol ang pagkakaayos ng simbahan " Wife! " Tawag ni kenzo " Ikaw ang patay. Bakit nakapangburol ka? Tika bakit nga pala ako nandito? " Tanong ko Naka suot siya ng pang Americano na kasuotan. " Hahaha! " tawa ni kenzo " Tumayo ako nagtataka na napatingin ako sa suot ko naka suot ako ng mermaid wedding gown may hawak ako na bridal bouquet. " Iha permahan mo ito." mahinahon utos ng pari kinuha ko ang papel at ballpen pinirmahan ko ang papel hindi ko na binasa ang nakasulat. Nagtataka kasi ako sa nangyayari " Ngayon alam mo na kasal na tayo." Nakangiti na wika ni Kenzo naningkit ang mga mata ko " H--- " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nagsigawan ang mga tao " Mabuhay ang bagong kasal..." " Mabuhay ang bagong kasal..." " Mabuhay ang bagong kasal..." " Hinawakan ni kenzo ang kamay ko naglakad kami palabas ng simbahan nagkikislapan ang camera. napaiyak nalang ako sobrang sama ng loob ko, Napagtanto ko kung ano talaga ang nangyayari. " Ayaw ko talaga mag-asawa eh. Huhu Nanay tulongan mo ako! Ayaw ko sa baliw na to? Siraulo kaya ito? Bigla nalang nagagalit at naninigaw sa kama lang siya mabait. Huhu mama Laura Papa Ben saklolo.. huhu kuya Ayoko mag-asawa.." umiiyak na wika ko walang pumansin saakin nagtatawan lang sila nagyakapan pa si Nanay at mama Laura pati mga camera man nagtatawan " Ikaw talaga nakakahiya ang ginagawa mo. napapanood ka sa tv." Natatawa na wika ni Kenzo " Hindi mo ba ako mahal?" tanong ni kenzo " Mahal kita! Ikaw nga lang ang kauna-unahan lalaki na siraulo na minahal ko. Kenzo naman maghiwalay na tayo, Babaero ka kaya masasaktan lang ako pagkalipas ng ilang taon mangbabae ka. Ngayon palang maghiwalay na tayo." Umiiyak na wika ko " Nagmamahalan tayo kaya dapat lang na makasal tayo. Hinding-hindi ako papayag na paulit-ulit mo ako e reject. Sa dami ng naging babae ko ikaw lang ang siraulo na nanbasted saakin. " Nakangiti na wika ni Kenzo habang naglalakad kami palabas ng simbahan " Waaaaaahhhh! Nanay! pikot to eh, " umiiyak na sigaw ko " Bibigyan kita ng isang anak." Wika niya natigil ako sa pag-iyak " Payag kana? Payag kana magkaanak buntis ako?" Naiiyak na tanong ko " Yup! pero isa lang." Tugon niya " Sige! Payag na ako maging asawa mo pero limang anak ang gusto ko. Tapos pagkatapos ko manganak ng lima maghiwalay na tayo." napipilitan tugon ko umugong ang malakas na tawanan " Pambihira! Ayaw nya talaga mag-asawa pero mahal nya si kenzo. Nakakatuwa naman bagay sila mukhang sakit sa ulo ni kenzo si Atarah." natatawa na wika ni kuya " Baby! Talaga bang ayaw mo saakin? Malungkot na tanong ni kenzo huminto kami sa tapat ng pinto may kumuha ng larawan namin tumitig ako sakanya pinunasan ang pisnge ko gamit ang puting panyo " Gusto! Mahal kita, Sorry pero natatakot lang talaga ako mag Asawa. Si Nanay kasi paulit-ulit siya niloko ni tatay, Ayaw ko mangyari yon saakin kaya para hindi ako masaktan hindi nalang ako mag-aasawa. " Garalgal na tugon ko hinawakan niya ang pisnge ko " Hinding-hindi kita sasaktan pangako. Dalawang taon na simula ng makilala kita binago mo ang buhay ko. Muli akong umibig I'm not a cheater, Oo marami ako naging babae pero wala akong niligawan sakanila. " Malambing na wika ni Kenzo " May magagawa paba ako? Kasal na tayo mag-asawa na tayo, Huwag kang gagawa ng ikasisira ng relasyon natin hindi ako nagdadalawang isip na Iwanan ka. " Napipilitan tugon ko " Ayon pumayag narin sa wakas... Sabay-sabay na wika ng tao sa simbahan " OH c'mon baby! Kakakasal lang saatin hiwalayan agad pinag uusapan natin." Naiiling na wika ni Kenzo " Ako masusunod! Lahat ng gusto ko susundin mo." Nakasimangot na wika ko " I love you wife! " malambing na bulong niya sabay halik sa labi ko Tinugon ko ang halik niya pinulopot ko ang braso ko sa leeg niya nagpalakpakan ang mga tao " I said i love you." Nakangiti na wika ni Kenzo " Pag-iisipan ko." tugon ko nagtawanan na naman ang tao " Kenzo masama yan! Hahaha hindi ka mahal ng asawa mo." pang aasar ni Papa Ben " Hahaha! " tawanan ng mga tao " Bakit hindi mo masabi na mahal mo ako." Tanong ni kenzo " Iniisip ko kasi sa " In the sight of God and these witnesses, I now pronounce you husband and wife! You may, now kiss your bride. " " Go in peace to glorify the Lord with your life.” " Diba maglalakad pa dapat ako galing dito patungo sa altar? Tapos mahaba pa ang sasabihin ng priest?" Nagtataka na tugon ko " Pasok na dami mo pang tanong. Ang mahalaga mag-asawa na tayo." Nakangisi na tugon ni Kenzo Tinulongan niya ako makapasok sa bridal car " Bakit parang mapag-kaisahan nila ako? Alam ko nasa probinsya ako kagabi nag-inuman pa nga kami ni kuya. " Bago umalis ang sasakyan nakita ko pang masaya si Nanay habang kausap si mama Laura. inalalayan siya ni mama Laura maglakad. Nakatingin sila saamin kompleto ang pamilya ni kenzo. " Sayang wala si ninong." Malongkot na sambit ko " Ninong na naman! Sino ba sya sa buhay mo? Bakit hanggang ngayon hindi ko pa sya makikilala? pina imbistagahan ko na sya pero ibang tao ang lumabas. " Inis na sabi ni kenzo Nag umpisa umusad ang sasakyan namin " Nasa ibang bansa siya inaayos ang property na minana niya sa kanyang magulang." Nakangiti na wika ko " Ang gwapo mo pala ngayon Love, Bakit nga ba ako umiiyak ng nalaman ko na kasal natin ngayon? Gwapo ka mayaman masarap, enjoy ko nalang ang pagiging asawa mo. " Nakangiti na sabi ko Namula ang magkabilang pisnge ni kenzo napangiti siya. " Love ang tawag mo saakin? Oh baby I'm so happy you call me that. " Masaya na wika ni Kenzo kinabig niya ako niyakap ng mahigpit napanganga ako " Bakit parang siya ata ang madalas kinikilig saamin? ganon ba talaga niya ako kagusto? Susubukan ko ang buhay may asawa okay lang kung maghiwalay kami balang araw kahit paano nakasama ko ang unang lalaking minahal ko. " Akala ko hindi mo ako mahal." Bulong ni kenzo habang nakayakap saakin " Mahal naman talaga kita, Nabigla lang ako sa mga pangyayari. Isa pa iba kasi ang pananaw ko sa buhay may asawa. " Tugon ko " I love you." Bulong niya Napangiwi ako ayaw ko sagutin ang i love you niya. Baka pinagtripan lang niya ako pakasalan. " Baka pinagtripan mo lang ako. Uso pa naman ngayon ang prank." Tugon ko " Silly! Maghihintay pa tayo ng dalawang linggo bago natin makuha ang marriage certificate." Natatawa na wika ni Kenzo " Sabi ni Nanay bago ka daw pumunta dito nanalo ka sa singing contest. Hindi ko pa narinig ang tinig mo." Malambing na wika ni Kenzo " Dancing Contest ang napanalunan ko. Balak ko sana mag audition sa singing contest sa TV sayang ang isang million na primyo." Tugon ko " What? Marunong ka sumayaw at kumanta?" Gulat na tanong ni Kenzo " Doon ako kumukuha ng panggastos. Bukod sa pagtitinda ng kung ano-ano." Tugon ko " "I can dance too." nakangiti na wika ni Kenzo " WOW may talent ka pala bukod sa bumayo?" Mangha na wika ko " Hahaha! " malakas na tawa ni Munding tauhan ni kenzo, siya ang driver namin ngayon. " Nandito na tayo." Natatawa na wika ni Kenzo " K" hotel." basa ko Namangha ako sa ganda ng pagkakaayos ng reception ng kasal namin ang daming table may dancing floor napangiti ako enjoy ko nalang ang araw ng kasal ko Kahit na hindi ko alam kung paano ako napunta sa ganitong setwasyon. " Baby naghihintay na sila. " Nakangiti na wika ni Kenzo " Naging abala kami sa mga sumunod na pangyayari. " Ngumisi ako ng nakakaloko napatingin ako kay nurse niña naglakad ako palapit sakanya binigay ako ang bridal bouquet " Huwag mong tatanggapin..." sigaw ni Kuya nagtawanan ang mga tao sa paligid napuno ng asaran " honey! Bawiin mo! Ngayon ko lang na enjoy ang pagiging binata." Reklamo ni kuya tumawa lang si niña tinaas ang bridal bouquet " Wala na ikaw na ang susunod Alfred." Pang-aasar ni Papa ben " Naupo ako sa upuan sa gitna ng dance floor. para sa garter toss " Woohoo.... sigawan ng mga kalalakihan Ngumisi ako ng nakakaloko " Baby wala akong tiwala sa ngisi mo." Sita ni kenzo " Nakakatuwa pala ang makasal." nakangiti na wika ko naghihiyawan ang mga tao habang unti-unting lumuluhod si kenzo unti-unti niyang pinasok ang ulo niya sa ilalim ng wedding gown ko " Aaahhhh...Ummmm...." ungol ko bigla lumabas si kenzo nanlalaki ang mga mata lumabas siya sa ilalim ng wedding gown ko. " Hahaha...." Malakas na tawanan " Baby! Nakakahiya bakit ka umungol? Wala pa nga ako ginagawa eh." namumula ang pisnge na wika ni Kenzo " Hahaha... Asos kunwari kapa insan." pagbibiro ni Leo tumayo si kenzo nagpalakad-lakad sa harapan ko namumula ang mukha niya " Hahaha! Ngayon ko lang nakita si kuya na mapahiya." natatawa na wika ni Alazne katabi niya si Jaleel napansin ko Hindi siya nagpapansinan kahit na magkatabi sila. para bang hindi sila magkakilala " Baby! Umayos ka." Kalmado na wika ni Kenzo " Tumango ako pagluhod ni kenzo dahan-dahan ulit siya pumasok sa ilalim ng wedding gown ko ngumisi ako ng nakakaloko sinubsob ko ang Ulo niya sabay ungol ng malakas " Hahaha...." Malakas na tawanan " Hahaha..." Tawa ko namumula ang mukha ni kenzo hawak niya sa kaliwang kamay ang garter na galing sa hita ko " Hahaha!" tawa ko sumimangot si kenzo " Gusto mo ako maging asawa diba? Dapat kasi kinilala mo muna ako bago mo ako pinikot." Nakangiti na wika ko akmang ihahagis na ni kenzo ang hawak na garter tumakbo si kuya palayo hinagis ni kenzo ang garter malakas na tawanan ang umagong bumagsak sa ulo ni kuya ang garter " Kainis bakit ako? Ayaw ko pa mag-asawa." Reklamo ni kuya " Magkapatid nga sila.." natatawa na wika ni Nanay yumuko si kenzo pumikit ako at marahan na tinugon ang halik niya nagpalakpakan ang mga tao " Inalalayan niya ako patayo pinaupo sa tabi lumapit siya kay mama Laura nakangiti na inaya ni kenzo si mama Laura sumayaw. pagpapakita ng respito ang pagsayaw sa magulang sa araw ng kasal. pagkatapos niya isayaw si mama Laura sinunod niya si Nanay habang abala sila sa pagsasayaw nagmamadali ako tumayo lumapit saakin ang bakla " May mga damit ba ako na pamalit?" tanong ko " Opo sumunod ka saakin." nakangiti na tugon ng bakla " Tinawag ko ang bakla na nagsasalita sa iwan kung ano ang tawag sakanya basta host siya " Paupuin mo ang groom sa gitna ng dance floor sasayaw at kakanta ako" Utos ko Pagkalipas ng ilang sandali nakasuot na ako ng white dress. Dahan-dahan akong naglalakad palapit kay kenzo nakatitig lang siya saakin Hindi maipinta ang kasiyahan sa kanyang mukha.. Nag umpisa ako kumanta ng kantang Thinking Out Loud: by Ed Sheeran When your legs don't work like they used to before And I can't sweep you off of your feet Will your mouth still remember the taste of my love Will your eyes still smile from your cheeks And darling I will be loving you 'til we're 70 And baby my heart could still fall as hard at 23 " Habang kumakanta ako nakatitig lang ako kay kenzo napansin ko ang luha na pumatak sa kanyang mga mata agad din niyang pinunasan And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways Maybe just the touch of a hand Oh me I fall in love with you every single day And I just wanna tell you I am " Tumayo si kenzo nakangiti siya habang nakatitig saakin tahimik naman ang mga tao patuloy ang pagkanta ko Oh baby, we found love right where we are (maybe) And we found love right where we are " Pagtapos ko kumanta agad ako niyakap ni kenzo. " Baby i love you so much..." garalgal na wika niya humiwalay siya sa pagkakayakap saakin marahan niyang inangkin ang labi ko " Naku patay tayo d'yan! he's madly in love..." Sabay sabay na sigawan ng mga pinsan ni kenzo " Ikaw naman ang maupo sasayawan kita." Nakangiti na utos niya " Sige sumayaw kana. Nagugutum ako kakain na muna ako." Baliwalang sagot ko " Hahaha...." Tawanan " Baby.." inis na wika ni Kenzo " Mamaya ka na sumayaw sa ibabaw ko." baliwalang sagot ko umugong na naman ang tawanan. Marami pa kaming pinagkabahan gawin pero hindi ako pumayag na sumayaw si kenzo. 2 Am na nang umakyat kami sa kwarto namin nauna nang matulog si Nanay at kuya, naiwan naman ang kapatid ni Kenzo at ibang mga pinsan " Bakit ikaw sumayaw at kumanta tapos ako bawal." Naiinis na wika ni Kenzo habang dahan-dahan na hinubad ang damit ko " Nagpatugtog ako sa phone ko ng love song. " Sayawan mo ako Love." nakangiti na Utos ko napangiti si kenzo " You're naughty..." Nakangiti na wika ni Kenzo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD