bc

LA AsPin Sangre Series (Desiree and Aaron)

book_age16+
689
FOLLOW
2.4K
READ
mate
tomboy
kickass heroine
comedy
bxg
superpower
virgin
stubborn
like
intro-logo
Blurb

Sa kanyang angking liksi at galing sa combat fighting, madalas mapagkamalan siyang tomboy, gamit lamang ang espesyal na sumpak at tirador na isang bala lamang nito ay patay na agad ang kalaban sa kanyang misyon. Ngunit lingid sa kaalaman ng nakararami ay isa siyang babae, kapatagan nga lang.

Siya si Desiree “Dey-dey” Melancholy, isang secret agent at hybrid luna—isang werewolf. Kulay silky white ang kanyang fur sa tuwing kabilugan ng buwan. Single at beynte-siyete anyos. May takot siyang magka-boyfriend dahil ayaw niya nang may nagmamando sa kanya. Iniiwasan niya ring mapasama sa mga babaeng weak and naïve maliban na lamang sa apat niyang kaibigang babae sa pack nila.

Ngunit sa klase ng kanyang trabaho, may isang lalaki ang nakakuha ng atensiyon niya. Ang kanyang boss na si Aaron Sandoval.

Sa madalas itong high blood sa kanya dahil sa palpak niyang misyon, kaya mas lalo niya pang ginagalit ito. At tuwang-tuwa siya sa tuwing ito ay galit. Doon nabuo ang kanilang hindi inaasahang pag-iibigan.

Ngunit sa klase ng buhay na nakatadhana para kina Aaron at Desiree, malampasan kaya nila ang mga balakid kung lilinlangin sila ng kanilang mortal na kalaban?

Maprotektahan kaya nilang dalawa ang kanilang lipi kung gagawin nito ang lahat upang sirain ang kanilang mga buhay?

Tunghayan natin ang kuwento ng Hybrid Luna at Hybrid Alpha sa adventure nila sa Slovokandia.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakakubli ang dalaga sa isang malaking tangke ng tubig sa loob ng pabrika na nilusob nila. Wala siyang ibang armas maliban sa sumpak na may espesyal na bala, dahil may lason ang naturang bala nito. Maging ang kanyang tirador na gawa sa ginto pero nakamamatay rin ang bato na gamit niya rito. Maliban sa mga weapon niyang dala, tanging lakas niya ang gamit upang makipaglaban sa mga masasamang tao.  Tahimik niyang pinagmamasdan ang paligid. Inaamoy at pinapakiramdaman ang paligid kung mayroong kalaban na paparating. Alerto rin ang kanyang Luna sa posibleng umatake sa kanya. Nanlilisik ang kanyang mga mata na parang may laser. Kulay brown ang mata niya kapag anyo siyang tao.  May narinig siyang nag-uusap sa may hindi kalayuan sa pinagtataguan niya.  “Privet! Kak dela, Rembrandt Fawzy? Ya noshu predmety,” wika ng isang lalaki sa tinatawag na Rembrandt. Ito ang sinasabing namumuno sa pabrika ng mga canned goods. Pero sa likod nito ay nag-e-export ng mga malalakas na klase ng armas sa iba’t ibang bansa partikular na sa Europe. Salitang Russian ang ginamit nito dahil Russian nationalities ang naturang sindikato. Pero Pinoy ang bagong dating na tao na kuma-kausap sa lider.  Pinadala siya rito ng organization nila kasama ng ilang kaibigan niya sa agency. Magkakahiwalay sila ng ruta at siya lamang ang babae na kasama sa grupo nila. Ang ibang kaibigan niyang babae ay may ibang misyon rin sa ibang lugar. Walang nakakaalam ng kanilang lahi. Tanging sila lamang lima ang nakakaalam ng sekreto nila.  Isa siyang Luna, werewolves kung tawagin. Pinamumunuan niya ang lahi nila mula sa Slovokandia, Palawan. Pero sa ngayon kalat na muna silang lahat dahil sa iba’t ibang misyon ang nakaabang sa kanila. Babae man siyang naturingan pero may lakas sila na hindi kagaya ng normal na mga tao. Pero hindi siya nanakit ng normal na mga tao, maliban na lang kung masama ito katulad ng mga nasa harap niya. Hangad niyang magkaroon ng kapayapaan ang lugar nila lalo na ang mundo. Sa dami ng naglipana na mga masasamang tao, kagaya na lamang ng mga nilulusob nila ngayon, ay kailangan mai-despatsa. Mga salot sa lipunan.  “Ya v poryadke. Spasibo,” nakangiting sagot ng nagngangalang Rembrandt.  Dahil sa klase ng trabaho ng dalaga halos lahat na ata ng lengwahe ay may alam siya. Kaya nauunawaan niya ang pag-uusap ng dalawa.  “Sige lang, mga tangina ninyo, nagawa n’yo pang mag-kumustahin at magpasalamat sa isa’t isa! Sa bagay dahil huling gabi n’yo na ito, take your time, dito lang me, diyan lang you, idiot!” inis niyang bulong sa sarili.  Kumukulo kasi talaga ang dugo niya sa mga taong halang ang kaluluwa. Tapos masasaya pa sila na pumapatay ng tao, ang mga iligal nilang weapon.  “Dey-dey, ano ang status mo riyan? Nakita mo na ba ang pinaka-pinuno nila?” rinig niyang boses sa earpiece niya.  Kaibigan niyang lalaki, si Facundo Salvador. Lakas maka-sinaunang panahon ang pangalan, eh. Pero Faks na lang daw ang itawag niya rito. Masyado raw nagpapaalala sa panahon ni Magellan ang pangalan nito.  “Nakita ko na, Faks. Ang pangit naman ng mga ito! Guwapo ka pa kung tutuusin!” aniya.  “Woah! Talaga? Naga-guwapuhan ka na sa akin? Naku naman salamat! Sa wakas ay nakita mo rin ang kagandahang lalaki ko. So, crush mo na ako niyan?”  “Gago, huwag ka ngang magsalita ng ganyan, nakakasuka! Ngayon ko lang na-appreciate kasi may mas papangit pa pala sa iyo? ʼYun lang ʼyun. Huwag ka masyadong assuming, ah, baka kidlatan ka mamaya hindi tayo makauwi ng Pilipinas!” Sasagot pa sana si Facundo nang may sumagot na isang boses sa kanila.  “Focus on your mission! Mamaya na kayo mag-lampungan dalawa. Puro kayo kalokohan. Nasa gitna kayo nang kuta ng mga kalaban!” wika ng lalaking matagal nang inaasam na makita ng dalaga.  Naka-monitor ito sa kanila, ang Boss ng organization. Hindi niya alam kung ano itsura nito. Dahil boses pa lang parang ulam na! Pero sa kanya na lamang iyon. Hindi siya mahilig mag-appreciate ng appearance ng lalaki, pero ang boses ng boss nila, tila, hinahatak siya sa higaan. Este sa misyon. Nasa misyon nga pala sila. Nawawala siya sa focus sa tuwing nakakausap niya si Facs.  Asaran to the max kasi silang dalawa. At ang alam ng mga ito, lalaki siya. Flat lang kasi dibdib niya kaya hindi halatang babae siya. Sikretong malupit niya lamang iyon pero alam ni Facs ang kasarian niya. Maliban sa boss at mga kaibigan niya. The rest of the team known her as the macho guwapito ng grupo nila. Malupet kasi raw siya makipagbakbakan daig pa lalaki.  “Ayan! Galit na naman si Mr. Laber! Naku, kung alam ko lang, shut up na lamang ako! Oh siya nandito na ang mga katukayo kong guwapo. Batsi muna ko, Dey-dey. Kita tayo mamaya, ah. Lab yu!”  “Ulol!” sagot niya na kinahagalpak naman ng kaibigan niya ng tawa. Alam kasi nito na nandidiri siya sa salitang lab yu.  “Pero kung si boss ang magsabi, baka ma-appreciate ko pa,” sagot ng malanding isip niya.  “Damn it!” rinig niya na sabi ng boss nila.  Kunot ang noo ng dalaga. Nagtataka kasi siya sa tuwing nasa misyon, nakamonitor ito sa kanya. Pero kung wala naman tahimik lamang ang boss nila. Lalo na kung mag-aasaran na sila ng mga kasamahan niyang lalaki. Kumukulo ang dugo niya rito sa tuwing naririnig niya itong nagmumura. Nasasapawan kasi siya. Gusto niya siya lang ang nagmumura sa mga kasamahan niyang mga hunks. Hung-hunks group kung tawagin niya. Mga feeling kasi.  “Naku talaga, makita lang kita kung sino ka mang boss na ponsyo pilato ka, ibababad talaga kita sa asukal para tumamis ka naman,” ani sa isip ng dalaga.  Lagi kasing bitter ang naturang boss nila. Parang pinaglihi sa sama ng loob.  Siya nga pala si Desiree “Dey-dey” Melancholy, bente-syete anyos. Walang jowa at wala siyang balak magka-jowa. At alam niyang love is lost not love is blind. Kasi nawawala ang love at hindi siya mahagilap. Malamang sa malamang hindi gumamit ng GPS ang love na dapat ay sa kanya. Feeling niya lang naman. Ayaw niya rin ng asungot sa misyon niya. Na laging naka-buntot at tatanungin kung ano na ang nangyayari sa kanya. Hindi siya sanay. At bilang isang Luna, hindi niya alam kung may nakalaan sa kanya na dapat niyang maging mate. Hindi niya pa kasi natatagpuan iyon.  Ang alam niya madaling maramdaman ng Luna niya ang mate na dapat sa kanya. Ngunit nahihirapan siyang nararamdaman ito. Parang may nakaharang na kung ano? Alam niya nasa paligid lamang ang kanyang mate pero hindi niya mawari kung nasaan. Bahala na kung kailan dumating, basta mag-e-enjoy muna siyang sagupain ang mga asungot na Rusyanong sinu-sugod nila ngayon. Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Tamad siyang makipaglaban ngayon, bad trip na naman kasi dahil narinig na naman niya ang boses ng boss niya. Iba kasi pakiramdam niya tuwing naririnig niya boses no’n. Gamit ang tirador niyang may lason ang bato, tinirador niya ang dalawang kanina pa nagku-kumustahan. Dumudugo na ang ilong niya sa pag-uusap ng mga iyon. Matalim ang bato ng tirador niya kaya mabilis itong bumaon sa balat ng tao.  Asintado niya ang ulo nito para isang bato lang patay na agad. Mabilis ang mga kamay niya sa pagtira sa dalawa at bigla na lamang bumulagta ang mga ito. Nag-sipulasan ang mga tauhan sa buong pabrika dahil sa biglang bulagta ng lider nila. Hudyat na nakipag-bakbakan na rin ang mga kasamahan niyang agent sa loob. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook