CHAPTER 3

2547 Words
CELESTINE Kinakabahan at medyo natatakot ang pakiramdam ko nang maiwan ako roon mag-isa. Ang tanging dahilan ko lang na naiisip ay ang tungkol sa nangyare kanina. Mukhang may follow-up sermon pa yata ito. Na-carried away lang naman ako kaya nawala ako sa focus. Sadyang ang lakas lang ng dating nito tapos dagdagan pa ang kapogian nito. Nakakawala talaga sa sarili. Nakatayo lang ako at hinihintay ko ang sasabihin nito. Pinapanood ko ang bawat galaw at ekspresyon ng mukha nito. Seryoso pa rin ito. Nasa mesa na niya muli ito at nakaupo na sa swivel chair. May binubuklat ito na folder. Napansin kong puro mga resume iyon. Naku po! Malamang ay hinahanap nito ang resume kong ipinasa. Ilang sandali pa ay tumigil ito. Mukhang nakita na nito ang hinahanap at binasa nito iyon. Sa tantiya ko ay sa akin nga talaga iyon. "You may take a seat first, Miss... Maria Celestine de Castro," anito na binasa ang buong pangalan ko mula sa hawak nitong folder. Napilitan akong lumapit at umupo sa isa sa dalawang bakanteng upuan na nasa harap ng mesa nito. Siyempre hindi na naman nakaligtas sa mga mata ko ang pogi nitong mukha. Ngayon pang ang lapit ko na sa kanya. I can see him clearly. His gorgeous face and his beautiful features. My Gosh! Ganito pala talaga ka-pogi ito sa malapitan. Konting-konti lang ang distansya na nasa pagitan naming dalawa. Kitang-kita ko na ang mukha nito. Every details lahat yata ay perfect sa lalaking ito. Palihim ko siyang pinagmasdan pa habang nagbabasa ito. Naaamoy ko rin ang perfume na gamit nito. And it tickle my senses. Lalaking-lalaki ang amoy niyon at nakaka-adik. Hindi rin siya masakit sa ilong. Hay! Parang gusto ko na namang mangarap ng gising. Lihim akong kinilig dahil do'n. Nawala ang kaba at takot sa dibdib ko na kanina ko pang nararamdaman. Inisip ko na lang na parte lang ng trabaho nito ang manita. Natural lang din na magagalit ito kapag nagsasalita ito at hindi siya pinapakinggan. Nakakainsulto nga naman iyon at nage-gets ko naman ang pinupunto nito. Isa pa ay aminado naman akong kasalanan ko rin naman iyon. He is just doing his job. Sadyang ako lang talaga 'tong pasaway. "So you're graduating this year, Ms. de Castro?" biglang tanong nito na nagpabalik ng atensyon ko. "Yes, Sir," sagot ko. Nakita kong inilapag nito ang binabasa at tumingin ito ng diritso sa akin. Nagulat pa ako sa ginawa nitong iyon pero sa halip ay matapang ko ring sinalubong ang tingin nito at agad na nagtama ang mga paningin namin. Nagkatitigan kaming dalawa ng ilang segundo. Nagkaroon ako ng pagkakataon na matuon ang paningin ko sa pares ng mga mata niya. Maganda din pala iyon. Kulay brown. Para akong tutunawin sa mga tingin nito. Hindi na ako nakatagal pa kaya ako na ang unang umiwas. "Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa, Ms. de Castro," anito. Ito na yata ang part two ng sermon nito. Bahala na talaga. Papakinggan ko na lang kung anong sasabihin nito. Deserve ko naman iyon at dapat lang naman sa akin. "Tatapatin na kita." "Ho?" Medyo na-shock ako ng slight. My God! Oo, na po agad, Sir! Sinasagot na po kita! "Alam mo, Ms. de Castro ayokong-ayoko talaga sa lahat ay ang mga taong hindi nakikinig 'pag nagsasalita ako. 'Yong wala 'yong atensiyon sa mga sinasabi ko. Alam mo ba 'yong salitang respeto? Hindi ko alam kung sadyang wala ka talagang pakialam o hindi ka talaga interesado sa mga sinasabi ko o ano. I am so disappointed with you," pagtatapat nito. Nge! Napangiwi ako nang marinig ko iyon. Mali yata ang naisip ko. Assumera lang ang lola niyo! "I'm really sorry, Sir. Hindi naman po sa gano'n. Pasensya na po talaga. Hindi na po talaga mauulit," hinging paumanhin ko "Oh, well. Ano pa nga bang magagawa ko? But anyway tapos na iyon. But I have some confusions here. Nag-aalala ako sa pwedeng mangyare sa 'yo. Base on my observations kanina sa 'yo ay mukhang madaling mawala ang concentration mo sa isang bagay. So, as I have said earlier I will be monitoring you and your performance. Iniiwasan ko lang na magkaroon ng aberya dahil sa 'yo kaya you need to report here to me after your duty and before you leave. Did you understand?" mahaba nitong sabi. Nakatanga lang ako sa kanya pagkatapos nitong magsalita. Natigilan ako sa mga sinabi nito. Nakatingin lang din ito sa akin at naghihintay ng isasagot ko. "Did you understand, Ms. de Castro?" ulit pa nito sa medyo malakas at may sindak na boses na nagpabalik sa katinuan ko. "Ha? Yes, Sir!" sagot ko. "Tandaan mo ang mga sinabi ko. You can go now," anito. "Sige po, Sir. Pasensya na po ulit," sabi ko at saka nagmadaling tumayo. Tinungo ko na ang pinto para lumabas. Nakahinga ako ng maluwag. Napangiti ako bigla. Ibig sabihin ay palagi ko na siyang makikita. Kinilig ako sa kaisipang iyon. Gusto kong magtatalon sa saya. Akala ko puro sermon lang ang maririnig ko sa kanya pero hindi naman pala. Pero no'ng sinabi nitong kailangan kong mag-report sa kanya bago ako umuwi ay mas naging pabor sa akin ang mga pangyayare. And I'm so very happy for that. Pagsinuswerte ka nga naman. 'Di bale nang nasermunan, nabawi naman. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng pinto ng... "Ms. de Castro," tawag muli ni Mr. Pogi sa akin. Dahan-dahan akong lumingon saka pasimpleng ngumiti. "Yes, po, Sir?" mahinhin kong tanong. "One more thing, bago ko pa makalimutan. Asan pala hairnet mo? Bakit hindi ka pa naka-complete uniform? Dala mo pa bag mo. Hindi mo ba alam na iniiwan ang mga gamit sa locker?" sunod-sunod na saad nito. Nataranta ako bigla. Nakapa ko ang buhok ko. Gano'n din ang bag na nakasukbit sa likod ko. Oo, nga pala wala pa pala akong hairnet at hindi pa ako nakapagpalit ng uniform ko. Nawala na sa isip ko. "Meron po, Sir, nakalimutan ko lang isuot. Wait lang po. Pasensya na po. Nagmamadali po kasi ako kanina." At agad kong hinanap ang hairnet ko sa backpack ko. Nandoon lang iyon sa loob. Inayos ko pa iyon bago ako umalis ng bahay kanina. "Warning na 'to, Ms. de Castro. Andami mong violations today. Hurry up your almost late." "I'm sorry, Sir," nasaad ko na lang. "Asan na ba 'yon?" Halos halughugin ko na ang buong laman ng bag ko pero wala akong makita. Kinakabahan na ako. Mukhang mapapauwi pa yata ako ng wala sa oras nito. Lintek na hairnet! Asan na ba kasi iyon? Ayaw pa makisama. Ipapahamak pa ako. Sa kaka-bulatlat ko ng mga laman ng bag ko ay hindi sinasadyang nalaglag pa ang extra napkin pads ko. Nanlaki ang mata ko at napatigil sa ginagawa ko. Napatingin ako sa HR Manager. Nakatingin din ito at tumigil sa binabasa. Hindi ko alam kong nagpipigil itong matawa sa reaksyon ng mukha nito. Nahiya ako bigla. Mabilis kong dinampot iyon saka nilagay sa bulsa ko. Sa dinami-daming laman ng bag kong pwedeng mahulog ay 'yon pa talaga. Nakakahiya. Haist! Tinuloy ko ang paghahanap sa hairnet ko pero wala talaga akong makita. Halos baliktarin at halughugin ko na ang bag ko pero waley talaga. "Ano na, Ms. de Castro nakita mo na ba?" tanong nito na kasalukuyang may binabasa na namang papel. Hindi ko makita ang mukha nito. Malamang ay pinagtatawanan na ako nito sa likod no'n. "Sir, wala po talaga 'di ko makita," nag-aalalang sabi ko. Pahamak talagang hairnet na 'yon. Tinanggal nito ang papel na binabasa nito. Nakita ko muli ang mukha nito. "Mukhang napakamalas mo naman ngayon, Ms. de Castro at sa first day mo pa talaga. Next time bago ka umalis ng bahay niyo, you better check your things. 'Yong mga kakailanganin mo kung kompleto na ba. Hindi katulad ngayon wala ka palang hairnet. Paano ka du-duty niyan? Isa pa naman ang hairnet sa important requirement para maka-duty ka." "Opo, Sir. Chineck ko naman po kanina pero hindi ko po alam kung bakit wala," paliwanag ko pa rin. "Always double check your things para wala kang makalimutan," anito. "Opo, Sir. Pasensya na po talaga." Nakita kong nagbukas ito ng drawer mula sa lamesa nito. May kinuha ito roon saka muli nitong isinara. "Take this," sabi nito sa hawak nitong hairnet. "Sir?" nasabi ko lang at nakatingin sa kamay nitong nakalahad at may hawak na hairnet. "Gamitin mo muna ito pansamantala. Sa akin iyan. Ibalik mo 'pag meron ka na." Lumapit ako para kunin iyon. Halos magdikit pa ang mga kamay namin dahil do'n. "Sir, thank you po. Promise po ibabalik ko po ito mamaya," nasabi ko sa sobrang tuwa. Hindi lang basta pogi ito kundi mabait pa. Hindi nga lang halata. Tumango ito bilang tugon. Muli itong bumalik sa mga binabasa nitong mga papel. Samantala ay nagmadali naman akong nag-ayos ng buhok ko. Bago ako lumabas ng opisina nito ay isinuot ko na rin ang hairnet nitong pinahiram. Sa wakas ay nakapusod na ang buhok ko at ready na ako para lumabas. Muli akong napasulyap kay Mr. Pogi. Late ko na kasi na-realize na bakit nga ba ako roon nag-aayos sa opisina nito? Eh, may locker naman nga kami. Lutangers lang 'te? Hindi pa yata ako naka-move on sa dami ng mga ganap ko today. Kaka-start pa lang ng araw ko pero lutang at wala na ako sa sarili ko. Wala na yata talaga ako sa sarili kong katinuan. Mabuti na lang talaga at hindi na niya ako sinita pang muli. Mukhang wala naman na itong pakialam pa. Busy at seryoso na kasi itong muli. "Sir, thank you," sabi ko na lamang at tuluyan nang lumabas ng pinto. Kanina pa kasing naghihintay sa akin sina Cheng at Louvel na nasa labas. Malamang ay inis na inis na naman ang mga ito sa akin. "Ba't ba antagal mo? Ngingiti-ngiti ka pa diyan." Bungad agad sa akin ni Louvel nang makalabas ako ng opisina. Nakasimangot ito at base sa tono ng boses nito ay halatang naiinis ito sa kakahintay sa akin. "Bilis na. Tayo na lang ang huli," saad din ni Cheng at nauna nang naglakad. Sumunod din si Louevel dito. "Oo na," sagot ko sa halip na patulan pa ang hindi magandang pakikitungo ng mga ito. Palalampasin ko na lamang ang mga iyon pati na ang kanina. "Mauna na kayo susunod na lamang ako." Saka ako tuluyang nagtuloy sa locker para magpalit. Sa Housekeeping Department kami unang na-assign. Matapos kaming mai-orient sa mga gagawin ay agad din kaming sinabak sa mga gawain doon. May isang housekeeping staff ang in-assign para mag-supervise at magturo sa amin ng proper at standard na paraan ng paglilinis ng mga kwarto. Nagpakilala itong si Sir Ryan. Kaka-check out lang ng guest sa Room 303 kaya kasalukuyan kaming andoon. Sinimulan naming linisan iyon kasama si Sir Ryan. Lahat ng nalalaman namin ay in-apply at hinayaan kaming gawin iyon. Saka lamang kino-correct ni Sir Ryan kapag may nakita itong mali o hindi nasunod sa mga procedures. Naging madali ang paglilinis namin sapagkat may kanya-kanyang kaming nakatuka na lilinisin. Si Cheng ang nagpresenta na tumuka sa beddings, samantalang si Louvel naman ang sa pagwa-walis at pagva-vacuum pati na sa pag-replenish ng mga stocks. At ako naman ay ang napunta sa banyo. Wala akong choice sapagkat inunahan na ako ng dalawang bruha. Kung ako lang talaga ang masusunod ay ayoko rin sanang ma-assign doon. Nang masigurong okay at malinis na iyon ay lumabas na kami. Ready na uli iyon para muling i-occupy ng mga incoming guest. Medyo nakakapagod pero enjoy naman. Maraming tips at mga techniques na itinuro si Sir Ryan. Nadagdagan pa ang kaalaman namin. Isang room pa ulit ang aming nilinisan. At as usual sa banyo na naman ako napunta. Mukhang pinagkakaisahan talaga ako ng dalawang babaita. Sa puntong iyon ay hinayaan na kami ni Sir Ryan na gawin ang mga tinuro nito. Hindi na ito tumulong pa. Nag-supervise na lamang ito at nagdikta ng mga nakalimutang gawin. Sabi pa nito sa amin ay masasanay din daw kami at baka sa mga susunod na araw daw ay kami-kami na lamang ang gagawa roon. Hindi na namin ito makakasama pa. Hanggang sa muling natapos ang paglilinis namin. Bilib na bilib ito sapagkat ang bilis naming matuto at pulido ang mga gawa namin. Tuwang-tuwa kami dahil do'n. Mabilis na lumipas ang buong araw. Mag-aalas kwatro na ng hapon. Malapit na kaming mag-out. 7:00 am kasi ang pasok namin sa umaga at 4:00 pm naman ang out sa hapon. Total of 8 hours at may 1 hour break kasama na roon ang lunch break na may free meal mula sa hotel. Meron din kaming allowance na one hundred pesos per day at part din kami sa service charge at tips na maiipon. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa opisina ni Sir Kim na gaya nang sabi nito. Kumatok muna ako saka ako tumuloy sa loob. Nadatnan ko si Mr. Pogi na mukhang busy at may binabasa na namang mga papel. Hindi na yata naubos ang mga binabasa nito. Masakit din yata ang ulo nito. Napansin ko kasing panay ang hilot nito ng sentido. Parang gusto ko tuloy lapitan ito at magpresentang ako na lang ang maghi-hilot para sa kanya, para naman ma-relax ito. Halata kasing stress na stress na ito sa trabaho nito. "Hello po, Sir," masigla kong bati sa kanya. Kaso ni hindi man lang ito nag-abalang tumingin. Hindi ko alam kung nakita niya ba ako o narinig. Wala kasi itong reaksyon. Hinintay ko na lang na magsalita ito. "So, how's your day?" tanong nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa binabasa. Nagtaka pa ako sa tanong nito. 'Di ba dapat "how's your work? o 'di kaya "what happened?" ang tanong nito sa akin. Pero bakit gano'n parang may mali yata. Tange! Gano'n din ang ibig sabihin no'n. "Okay lang, Sir. Nakakapagod pero enjoy po." sabay ngiti. "That's good. I heard mabilis daw kayo matuto sabi ni Ryan." At finally ay binaba na rin nito ang binabasa at tumingin na rin.Talaga ngang naka-monitor ito sa akin. Ambilis ng update s***h reporting. Grabe! "Magaling din po kasing mag-turo si Sir Ryan," pa-humble effect ko pang sagot. "Continue the good work. I will still monitoring you," sabi nito. "At magre-report ka pa rin dito sa akin. Maliwanag?" "Yes, Sir. Thank you po," masaya kong sabi. Natuwa ako ng husto dahil pinuri niya ako. Bumabawi lang siguro ito. Okay lang na mag-report ako palagi sa kanya atleast palagi ko siyang nakikita. Kumpleto ang araw ko dahil sa kanya. "Pwede ka nang umalis," sabi nito at muling binalik ang mata sa binabasa. "Oo, nga pala, Sir." Agad kong kinuha sa bulsa ko ang hairnet na pinahiram nito kanina sa akin para isauli. "Salamat po pala rito sa hairnet." "Kunin mo na muna 'yan. Baka makalimutan mo na naman uli magdala." "Okay po, Sir. Alis na po ako. Bye po!" paalam ko. Wala na akong ibang narinig pa mula rito. Masaya akong lumabas ng opisina nito. Hindi rin mawala ang ngiti ko sa mga labi. It was a very memorable and epic first day of my OJT. Kahit nasita ako and all, still bumawi naman ito. Everything went well pa rin. Mas lalo pa akong naging inspired na pagbutihin ang mga gagawin ko dahil kay Sir Kim aka Mr. Pogi. It was a great day indeed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD