MBMH 14

1641 Words

Emerald HINDI ako tumututol sa sinabi ng lola niyang mas mapaaga ang kasal naming dalawa dahil gusto ko din na mas mapabilis ang pagpapanggap namin, pero labag sa kalooban ko ang sinabi nitong pinakamabait niyang apo ang lalaking nasa tabi ko. Siya mabait? Lol. Nag-angat ako ng tingin sa lola nito saka pasimpleng tinitigan si Mr. Saavedra. "Kung alam niyo lang po ang ugali ng apo niyo, Ma'am. Hindi po siya mabait," sabi ko na ikinagulat ng lola nito. Marahan ko pang iginalaw ang kamay ko para haplusin ang braso ni halimaw dahil alam kong umiigting na ang mga panga niya dala ng galit na nararamdaman ngayon. Hindi ko tuloy mapigilang huwag matawa sa kinauupuan ko, pakiramdam ko kasi nakakabawi na ako nang hindi niya ako ipinagtanggol mula sa amazona na umatake sa akin kanina. Narinig k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD