Emerald He's fvcking in love with me? Nanatili kami sa loob ng sasakyan, parehong walang kibo pero magkatitigan ang mga mata namin na para bang nag-uusap ito nang lingid sa aming kaalaman. Hindi ko mapigilan ang mabilis na t***k ng puso ko, para itong hinahabol ng kabayo sa sobrang bilis. Totoo ba ang sinabi niya? Mahal ba talaga ako ng halimaw na ito? Gosh! Anak ng hakdog niyang malaki! "Siguro mas mabuti pa kung bawiin mo na ang sinabi mo habang maaga, Knight. Baka kasi masama lang ang pakiramdam mo kaya nasabi mong mahal ko ako," sabi ko saka bumuntong-hininga. Ayoko mang gawin ito pero hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Impossible kasing magustuhan niya ang isang tulad ko, iyon naman ang palagi niyang sinasabi kaya nga kadalasan nitong dinededma ang fee