Emerald HINDI ko maintindihan kung bakit parang mas gumaan ngayon ang usapang kasal sa pagitan naming dalawa. Siguro dahil kahit papaano nagagawa ko ng makilala ang totoong katauhan ni Mr. Saavedra at naintindihan ko na rin ang totoong dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito. He's blaming himself for his twin sister's death and to ease the guilt, he's trying to grant her wishes one by one. Syempre, naiintindihan ko naman ang ginagawa niya dahil panganay din akong anak. Tulad nito, ginagawa ko rin ang lahat para mapunan ang mga pangangailangan ng mga kapatid ko sa probinsya dahil ayokong maranasan nila ang hirap na naranasan ko noon. Ramdam ko din ang pagmamahal niya dito sa tuwing nababanggit niya ang pangalang Keza. Pakiramdam ko nga masyado silang malapit na dalawa noong na