Emerald BINITAWAN nito ang hawak na kutsara at pinakatitigan ako. Hindi naman ako nakaimik nang maupo sa harapan namin ang mga kaibigan niya habang may pilyong ngiti sa labi. Kung titigan ako ni halimaw para bang sinasabi niya sa aking hindi niya inimbitahan ang mga ito sa floating restaurant at hindi niya alam kung bakit sinundan nila kaming dalawa dito. Wala akong nagawa kung hindi kumain na lamang ng dessert habang pinagmamasdan ang mapait na ekspresyon sa mukha ni halimaw. Sa isang iglap, natunaw na din ang ipinakita nitong sweetness sa akin kanina dahil napalitan ng inis ang pagmumukha niya. Kahit kailan talaga, stress ang hatid sa kanya sa tuwing nakakasama niya ang tatlo. Mula sa kinauupuan ko, naaninag ko kaagad ang nakangising mukha ni Calix. “Why are you keeping her for yourse