Emerald NAGMAMADALI niya akong hinila pabalik ng set. Dahil masyadong naging agaw eksena ang mga pangyayari, hindi ko na namalayan na natapos na pala ang session para sa mga kasamahan ko at ang natira na lamang ay sessions kung saan may solo shots ako at karamihan naman ay habang kasama ko si Sage. Hindi ko alam kung bakit naiirita ako nang makitang nakatuon na naman ang mga mata nila sa akin habang hawak ni halimaw ang kamay ko at katatapos lamang akong ayusan ng make-up artist na assigned sa akin. Suot ko ngayon ang isang tube summer romper shorts kung saan litaw na litaw ang maputi at makinis kong mga balikat habang kita na naman ang likod ko dahil sexy ang disenyo nito sa likuran. Ang pinagtataka ko lang ngayon ay kung bakit nagbihis din siya mula sa pormal na pormal nitong gray tux