Chapter 2

2138 Words
Chapter 2 Evangeline's point of view Nakatitig ako kay P habang natutulog siya hindi ko maiwasan ang tingin ko sakanya hindi ako makagalaw dahil mag katabi kaming dalawa kanina kasi gusto kong matulog sa sahig pero hindi niya ako pinayagan. Napapoker face ako ng ngumingiti ito ng nakakaloko hayss ano kaya ang napapaginipan nitong mokong nito? mukha kasi siyang manyak pero sobrang gwapo niya, ilan taon na kaya siya? sana kaedadan ko lang siya pero mukha bang kaedadan ko lang siya? imposibleng mangyari 'yon! Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng maramdaman ko ang yakap na mainit kaya napamulat ulit ako ang si P nakayakap saakin kaya naman nakaramdam ako ng sobrang bilis ng t***k ng puso ko, anong gagawin ko?! omg! niyayakap ako ng isang fafa! Help me lord! help me! paano ako makakaalis sa pag kakayakap ni P? tulog ba 'to? o sadyang nag tutulog tulugan lamang siya? kaya naman pinisil ko ang mukha niya at minulat niya bigla ang mga mata niya at tinitigan lamang niya. "P pwede wag mo akong yakapin? paano ako makakatulog?"sabi niya saakin at kumuno't lamang ang noo niya kaya naman na papokerface ako at napangiti ng pilit at unti unti kong inalis ang kamay niya sa pag kakayakap saakin pero ayaw niyang alisin 'yon kaya wala na akong nagawa. Hinayaan ko ang sarili ko na makatulog na lamang at buti naman nakatulog na ako, ang yakap niya na sobrang init sana wala na lamang siyang sakit para iisipin kong totoo 'to at hindi lamang pang batang yakap. Naimulat ko ang mga mata ko dahil sa sinag ng araw at pag tingin ko sa tabi ko nakita ko si P na nakaupo at nakatalikod para bang may kinakalikot siya sa kung ano sa damit niya pero mukhang hindi niya magawa, naman saan ba galing ang lalaking 'to at wala talagang alam sa mundo? "P anong ginagawa mo?"tanong ko sakanya at lumingon lamang siya saakin at kumuno't ang noo niya ng ipakita niya ang ipis sa damit niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko at napaalis kaagad ako sa kama, takte! takot ako sa ipis! huhuhu sana naman kahit ngayon lang may isip muna si P! "Ilayo mo saakin 'yan P! huhuhuhu waaaaaa"sigaw ko at pumasok ako sa loob ng kabinet ko at sumilip ako ng maliit at nakita kong hinawakan niya 'yon at tinapon nga sa labas ng bintana kaya naman nakahinga ako ng malalim. "Pweuw! kalerki ka P ah! saan ba nang galing ang ipis na 'yan?"tanong ko sakanya at tinuro niya ang kama ko at kumuno't lamang siya kaya naman nilapitan ko na siya at pinaluguan ko ulit siya as usual alam niyo napag nakikita ko ang abs niya at ang ano niya. Pag katapos niyang maligo sumuod na din akong maligo, sumusunod naman siya sa mga sinasabi ko buti naman hindi siya mahirap maalagaan, paano ko kaya sisimulan ang pag hahanap ko sa pamilya niya? ang tanong may pamilya pa kaya siya paano kaya siya hindi nakapagsalita? "Kung alam mo lang P kung anong nararamdaman ko ngayon kung gaano kahirap mag alaga ng isang dabuhalang lalaki! -_-"saang planeta din kaya siya galing siguro sa mayaman na lugar siya galing kasi nang makita ko siya naka long sleevs na white pa siya eh tapos nakasapatos wala nga lang. Pero ito lang ang pinag kakataka ko, bakit may tahi ang ibabang batok niya naaksidente kaya siya? kaya ba nag kakaganoon siya? dahil ba doon bumabalik ang pag kabata niya at hindi siya makapagsalita ng diretsong salita? O nag papanggap lang siya? umiling iling ako at hinampas ko ang pisngi ko at namula naman kaagad 'yon at lumabas na ako ng banyo ng nakabalabal ang buong katawan ko dahil nasa loob parin si P nag hihintay saakin. "P pwede ka nang bumababa kung gusto mo buksan mo lang 'yon pinto!"sabi ko sakanya at kumuno't lamang ang noo niya kaya naman napoker face ako at ako na mismo nag bukas ng pinto at pinalabas ko na siya. Nag bihis ako ng simpleng damit, nakashort ako ng maiksi at nag lagay ako ng leather jacket na kulay puti at nag rubber shoes ako at lumabas na ako ng kwarto at inayos ko muna ang buhok ko at nakita kong nandoon na sa ibaba si P, kumakain na siya ang takaw niya talaga. "Oh anak tara kain na!"sabi ni mama at napatingin naman ako kay papa na para bang curious kay P kaya naman naupo na ako sa tabi ni P at sinamaan ko ng tingin si papa, siguro nag iisip nanaman 'to na pwede niyang idrama hayss. "Papa kumain kana!"sabi ko sakanya at napanguso naman ito na parang bata, kinuha ko na ang sandwich na ginawa ni mama at kumain na ako habang kumakain ako napatingin ako kay P na may kaunting ketchup sa cheeks niya kaya naman pinunasan ko 'yon gamit ng thumb ko at napatingin siya saakin. "May ketchup lang na naiwan! hehe kain kana ulit P"sabi ko sakanya at ngumiti siya saakin at nang makatapos kaming kumain nag paalam ako kay mama na bibilhan ko ng damit si P dahil kay papa nga lang ang ginagamit niya ngayon. Nag taxi lamang kami papuntang mall at nang makarating kami ng mall lumabas nakami ng taxi at nag bayad na ako sa driver at hinawakan ko ang kamay ni P delikado na pag nawala siya, sa mga kamay kong itong hinding hindi ko iiwan si P! pangako ko sa sarili 'yan! At sa pagiging babysitter ko sakanya paninindigan ko 'yon habang hindi ko pa nahahanap ang tunay na nag aalaga sakanya, nag simula na kami mag lakad at pumasok na kami sa isang bilihan ng mga damit ng mga lalaki at pinag titinginan kami dahil ako mismo pumipili ng damit na susuotin ni P. "Good morning miss what kind of suit you boyfriend want?"tanong saakin ng salesman kaya naman namula ang mga pisngi ko, anong sabi niya? boyfriend ko siya mukha ba kaming mag boyfriend? isa lang akong munting bata! isa akong 16 years old na inaalagaan ang isang lalaking 'to bakit kasi napakatanda ng itsura niya? "Ah! right! i want a leather jacket black like this?"tinuro ko ang jacket ko para naman mag couple jacket kami at tinuro naman niya kung saan nakalagay 'yon at kinuha ko naman kaagad 'yon at tinutulak ko si P papuntang fitting room ng hawakan niya ang kamay ko ng madiin. "No.."mahinang sabi niya, ang lambing ng boses niya kaya naman nahihiya akong sumama sa loob ng fitting room pinag titinginan nanaman ako jusko lord mamatay na ako sa inaalagaan ko ngayon huhuhu lord iiyak na ako nito! "P kaya mo naman yatang ikaw nalang mag bihis, wag kang mag alala hindi kita iiwan"sabi ko sakanya at lumungkot naman ang itsura niya at sabay pinapasok ko na siya sa isang room na bakante at lumabas na ako ng fitting at nag hintay sa waiting area. 5 minutes later. Napangisi ako dahil sobrang tagal lang naman niya sa loob ng fitting room?! ano na kayang nangyari doon? akala ba niya iiwan ko siya kaya doon siya nag hihintay? talaga bang napakabata ng pag iisip niya? Sa sobrang inis ko tumayo ako at pag tingin ko doon sa loob bakante na ang lahat buti nalang walang makakakita saamin kaya naman pumunta na ako sa kung saan siya pumasok at pag bukas ko ng pinto nakita ko siyang nakaupo sa may lapag. Napatayo kaagad siya at pinakita niya ang suot niya na binigay ko sakanya kanina lamang at ngumiti siya ng malawak kaya naman napapoker face ako at nilock ko ang pinto at tinignan ko ang pantalon na sinukat niya. "P wag mong isipin na iiwan kita, dahil aware akong aalagaan kita"sabi ko sakanya at napatingin siya saakin at kumuno't lamang ang noo niya at ako na mismo nag hubad ng damit na sinuot niya na bibilhin ko na ngayon, bibili nalang siguro ako ng mga pang bahay niya. "Tara na P?"sabi ko sakanya at hinawakan ko na ang kamay niya, matagal din kami nakapili ng damit niya dahil malaki ang size ng katawan niya sampung shirt at sampung short ang nabili ko sakanya bumili na din ako ng sampung brief para naman hindi ako masyadong mag laba ng mag laba ng mga damit niya. Nang mabayaran na ang lahat lumabas na kami at pumunta kami sa isang kainan, kung saan maraming tao pumunta ako sa bakanteng upuan at aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko, iniisip nanaman niyang iiwan ko siya. "Hindi kita iiwan P! kakasabi ko lang kanina, bibili lang ako ng pagkain kaya diyan ka lang ha?"sabi ko sakanya at kumuno't lamang ang noo niya at tumango ito, buti nalang naintindihan niya 'yon. Pumunta na ako sa counter at pumili ako ng makakain namin at ang napili ko ay ang kakanin na kulay yellow siya na kulay at may manok 'yon kaya naman ng mabili ko na pumunta na ako kung saan ko pinuwesto si P. "Kumain kana P alam kong gutom ka ulit"sabi ko sakanya at ngumiti naman ito at sabay kumain na din kaya naman kumain na din ako at nakita kong ngumiti siya ng patago, napag tatanto ko din na parang nag papanggap lang siya. "P hindi ka ba talaga nakakapagsalita? no lang ba talaga ang alam mo?"sabi ko sakanya at kumuno't lamang ang noo niya kaya tumango na lamang ako ayoko siyang pilitin siguro gagawa ako ng paraan para mahanap ko ang tunay na nag aalaga sakanya. Pag katapos namin kumain tumayo na ako at lumabas na kami ng mall, hawak ko parina ng kamay niya wala na palang natira sa naipon kong pera huhuhu siguro mag lalakad na lang kami kaya naman nag simula na kaming mag lakad. Katagalan ng lakad namin napatingin siya sa isang police station at napahinto naman ako ng kumuno't ang noo niya at para bang may alam siya sa isang police station kaya naman napatingin din ako doon at may lumabas na isang pulis na nakasumbrero at napatingin dito sa gawi namin at parang nagulat ito. "P may alam ka ba dito?"tanong ko sakanya at wala siyang emotion na binibigay saakin kaya naman ako ang kumuno't ang noo, malaking parte ba ang police station para kay P? kaya naman hinatak ko na siya paalis doon dahil hindi maalis ang tingin niya doon pati ang lalaking nakatitig saamin kaya nakaramdam ako ng kaba. Mali ang iniisip ko hindi siya pulis lalong hindi ako maniniwala na mataas ang posisyon paano kung matanda pala siya kaysa saakin paano kung 20+ pala siya tapos ganito inaalagaan ko siya hindi ba dapat doon siya sa mga matatandang inaalagaan? Napayuko ako habang nag lalakad kami at laking gulat ko ng hawakan ni P ang kamay ko, binitawan ko ito kanina dahil parang nakakaramdam ako ng kakaiba ang wierd isipin nito pero pakiramdam ko isang pulis si P. "Umuwi na lamang tayo P wag mo nang isipin 'yong nakita mo sa police station na 'yon okay?"sabi ko sakanya at tinitigan lamang niya ako at ngumiti lamang ako sakanya ng pilit at ng makauwi na kami, wala sila mama at papa doon siguro mag kasama silang nag benta ng ulam na binibenta nila. Pinaupo ko muna si P sa sofa at ako naman kumuha ako ng maiinom at hindi parin maali sa isipan ko ang police station, big deal ba ang police station na 'yon para isipin ko parin 'yon hanggang ngayon napatingin ako kay P na tinitignan nito ang kamay niya kaya naman nilapag ko ang baso sa lababo at nilapitan ko siya. "P mukhang naiinitan ka gusto mo bang maligo?"bakit ko 'to sinasabi ganito ba ako kasabik na makita ang katawan niya ulit at sabunan ko ulit ang buong katawan niya?, tumango naman ito kaya wala akong nagawa at pumunta kami sa cr. Habang pinaliguaan ko si P napahawak ako sa abs niya at hindi naman niya nag rereklamo kung turuan ko kaya siya mag salita eh nuh? nang basain ko na siya ng tubik napatingin siya saakin at unti unti niyang binuka ang bibig niya na para bang may sasabihin siya saakin. "G...."nanlaki ang mga mata ko ng sabihin niya ang letter 'G' na letra may sinasabi siya na para bang gusto? ano naman kaya ang gusto niya kaya hinayaan ko muna siya na makapagsalita kaya mo 'yan P! fighting lang! "Gus.....to...."gusto? ano naman gusto niya? akala ko ba naman hindi siya nakakapag tagalog pero bakit hirap na hirap siyang mag salita? kaya mo 'yan P makakapag salita ka din niyan! go! go! nanlaki ang mga mata ko ng masabi niya ang gusto niyang sabihin. "Mak.......ta--bi"so 'yon pala ang gusto niyang sabihin ang makatabi ako ngayon gabi nito kaya naman napangiti ako at kinuha ko na ang tuwalya para punasan ko ang buhok niya nilagyan ko na rin siya ng balabal niya sa katawan niya. "Kahit kaunting salita lang 'yan P naiintindihan ko, sige tabi tayo matulog!"sabi ko sakanya at ngumiti pa ako bago kami lumabas ng banyo at tuluyan ko na siyang binihisan nang pang tulog na kahit alam kong tanghali palang pinaliguan ko ulit siya at gusto niya ako makatabi sa pag tulog. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD