CHAPTER 1

1013 Words
AIRA POV Naramdaman ko ang init ng tequila sa lalamunan ko ng ito ay aking nilagok. Subalit hindi pa rin ito sapat upang makalimutan ko ang ginawa sa akin ni Peter. Three years na kami subalit naglaho na lamang siya na parang bula pagkatapos nitong mag propose sa akin. Six months na siyang wala subalit hindi pa rin ako nakaka move on sa relasyon naming dalawa. Hanggang ngayon, damang dama ko pa rin ang init ng kanyang yapak, ang matamis nitong halik, at ang pagmamahal nito sa akin. Ang sabi niya ay tutuparin nito ang pinangako niyang papakasalan niya ako at magsasama kaming dalawa sa hirap at sa ginhawa. Ngunit ang lahat ng sinabi niyang ito ay tinanghay lamang ng hangin. Pero ngayong, wala na akong magagawa pa. Kailangan ko nang tuldukan ang relasyon naming dalawa. Hindi na ako umaasa na babalik siya sa piling ko. Kailangan ko nang mag move on sa kanya, buksan ang puso ko para sa ibang lalaki na pwede kong mahalin. Ang lalaki na hindi mawawala na parang isang bula. Nang may naramdaman akong tumabi sa akin sa table ko, nainis akong bigla. Ayaw ko pa naman makakita ng kahit na sino ngayon. "Miss, mukhang mag isa ka yata ha? Pwede ba akong maki table? Wala na kasing ibang uupuan eh?" tanong ng lalaki na may malamig na boses. Dinedma ko lamang siya, hindi pinansin ang kanyang pagtatanong sapagkat wala talaga ako sa mood. Sa halip, lumagok lamang ako ulit ng tequila, sinusubukang lunurin ang sarili ko sa alak. Alam ko naman na mali ang uminom pero sobrang desperada na rin ako na makalimot sa sugat na dinulot sa akin ni Peter. "Miss, mukhang problemado ka ha?" sabi niya pa, tila ay hindi siya nakaka ramdam na ayaw ko siyang kausapin. Kaya naman humarap ako sa kanya at inirapan ko siya, subalit nagulat na lamang ako ng makita ko ang mala artistang lalaking ito na nakangiti sa akin na labas ang mga malalalim nitong dimples. Mapupukaw ang mga mata niya, matangos ang ilong, at mayroong makinis na mukha. Kahit na naka suot lamang siya ng sando ay malakas pa rin ang dating nito sa akin. Plus, ang bango bango pa ng perfume niya. Kahit ang p********e ko ay kinilig ng makita siya. Pero mukha itong bayarang lalaki sa paningin ko. "Sino ka?" tanong ko sa kanya. Nagpatuloy lamang siya sa kanyang pag ngiti, iniabot ang kamay sa akin, "My name is Jordan, wala na kasi akong ibang table na maupuan. Siguro naman hindi ka magagalit kung makiki table ako di ba?" Aminado ako, walang binatbat ang ex ko sa hitsura nitong si Jordan. Pero I am now an adult at hindi ako pwedeng magpa dalos dalos sa pagtitiwala sa ibang tao. Na trauma na rin ako sa nangyari sa aming dalawa ni Peter. Kaya naman, tinanggihan ko ang kanyang kamay. "Sorry pero wala akong planong makipag kaibigan sayo," pag susuplada ko pa sa kanya. Muli akong lumagok ng tequila, subalit sa pagkakataong ito ay naubos ko na ang iniinom ko. Nakaramdam ako ng matinding hilo, parang may mga stars na umiikot sa harapan ko. "Siguro matindi ang pinag dadaanan mo kaya ka umiinom? Eh ngayon lang kasi ako naka kita ng babae na malakas uminom eh," dagdag niya pa. Sa inis ko sa kanya ay dinuro ko ito, "Pwede ba wag kang makulit ha? Ayaw kong makipag usap sayo kahit na ikaw pa ang pinaka gwapong lalaki sa mundo! So get lost kasi pare parehas lang kayong mga manlalaki, mga manloloko at hindi alam kung paano maging faithful sa mga partnes ninyo!" May sira ba sa utak ang lalaking ito? Bakit sa kabila ng mga sinabi ko sa kanya, nananatili itong nakangiti sa akin? Nang tumingin siya sa engagement ring ko, tinago ko ang kamay ko sa likod. Muli akong lumingon sa iniinom kong tequila na wala nang laman. "Siguro iniwan ka ng fiance mo no?" sabi niya, "Actually, hindi lang naman ang babae ang naloloko. Kahit naman kaming mga lalaki, napag iiwanan din. Tingnan mo ako, iniwan din ako ng fiance ko at sumama siya sa lalaking nakilala niya sa bar at umalis sila sa Pilipinas. Kaya nga ngayon, nag punta ako ng bar para makalimot." "Talaga? Akala ko kasi isa ka sa mga bayarang lalaki dito sa bar kaya ka naki table!" sabi ko pa. Tatayo pa lang sana ako para mag order pa ng tequila subalit dumating bigla ang waiter at nag lapat iko ng lima pang bote. Napatingin ako kay Jordan. "Treat ko na yan sayo, alam ko naman na uhaw ka pa sa alak. Kanina pa kasi kita inoobserbahan," sabi niya pa sa akin. Naiinis ako sa kanya. Pero hindi ko rin maiwasan na mapatingin ng husto sa mapupukaw niyang mga mata. Weakness ko pa naman ang lalaking ganito tumitig. Para bang ako lamang ang tao sa kanyang paningin. Umupo ako at uminom ng uminom. Hanggang sa mahilo na lamang ako. "Miss okay ka lang?" sabi pa ng lalaking ito, tumingin ako sa kanya at bigla na lamang siyang naging si Peter sa aking paningin. "Peter... bakit ngayon ka lang dumating ulit ha? Six months ka nang hindi nagpapakita sa akin..." sambit ko habang hawak hawak ko ang kanyang pisngi. Ang lambot nito, ang sarap hawakan sa sobrang kinis. "Teka-" "Shhhh!" sabi ko, tinakpan ko kaagad ang kanyang labi gamit ang aking lips. At isang matamis na puno ng pananabik na halik ang binigay ko sa kanya. Sa tamis pa lamang ng kanyang labi, alam ko nang si Peter nga ang lalaking kahalikan ko ngayon. At ilang minuto lamang ang nakalipas ay lumalaban na rin siya ng pag halik nito sa akin. Sobrang intense kaagad pagtutuos ng aming mga labi, para bang wala na kaming pakialam sa aming paligid. Ipinag patuloy namin ang aming ginagawang halikan sa motel kung saan mas lalong tumindi ng tumindi ang aming ginagawa pag pasok pa lamang namin sa loob. Lunod na lunod na ako sa kalasingan at dalang dala ako sa masarap niyang labi na ngayon ko lamang ulit natikman pagkatapos ng anim na buwan kong hinanap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD