AIRA POV
"Anong gusto mong kainin babe?" tanong niya pa..
Napatingin ako sa kanya sa gulat.
"Anong babe?"
"Sige na, may mga makukulit kasing babae dito sa paligid na nakatingin ngayon sa akin. Ayaw kong kulitin nila ako."
Napalingon ako sa may bandang kanan at nakita ko na mayroon ngang tatlong babae na titig ng titig kay sir Jordan.
Sabagay, pogi naman talaga siya at malakas ang dating. Kaya hindi ko masisisi ang ibang mga babae kung nahuhumaling sila sa hitsura nito.
I'm
Kaya naman pinag bigya ko na ang gusto niyang mangyari. Sinamahan ko na siyang mag order ng pagkain hanggang sa maka kain kaming dalawa.
Kahit na bago pa nga lamang ang restaurant na ito ay marami rami na rin ang kumakain.
Karamihan kasi sa mga pagkain dito sa loob ay puro seafoods. Sakto para sa isang kagaya ko na mahilig sa ganitong klase ng pagkain.
Lalo na ang pusit at hipon, parehas pa naman akong nagke crave sa mga ito. Samahan pa ng crab at salmon fish.
Kaya naman sinamahan ko na rin ito ng tatlong rice para naman talagang maparami ako ng makakain ngayong gabi.
Since masarap ang kakain namin ngayon, mas minabuti ko na lamang na mag kamay kesa naman sa magpaka sosyal. Ang hirap kaya buksan ng crab unless kakamayin.
At habang sarap na sarap ako sa kinakain ko, titig na titig lamang sa akin ngayon si Sir Jordan.
Huminto ako sa pagkain ko kasi napansin ko naman na hindi niya ginagalaw ang pagkain niya.
"Bakit sir? May problema ba?" tanong ko.
Nawala naman ang pagiging seryoso ng kanyang mukha at napa ngisi na lamang ito.
"Oh it's nothing... I am just so shocked na malakas ka pa lang kumain. But that really turns me on... as long as you maintain your sexy figure, wala naman itong problema sa akin," sabi niya pa, so talagang katawan ko nga lang ang habol ng lalaking ito sa akin.
Pero this time ay pumalag naman ako sa kanya.
"This is what happens whe you take someone's virginity. Yung isang gabi mong pag papasarap habang naglalabas pasok yang ano mo sa akin, sisingilin kita ng sisingilin."
Nag patuloy lamang siya sa kanyang pag ngisi sa akin. At naaasar na ako sa kanyang ngiti.
Naguguluhan na nga ako ngayon sa aming dalawa eh. Para kaming aso at pusa ngayon pero mayroon na namang mangyayari sa aming dalawa.
"Ayos lang naman sa akin kasi isa na naman akong bilyonaryo eh," pag yayabang niya pa sa akin.
"Aba at talaga namang pinag mamalaki mo pa ang sarili mo sa akin ha? Baka naman kunwari ka lang na mayaman. Maayos ka namang manamit pero bakit wala ka yatang suot na mamahaling relo o kaya ay mamahaling bag? And more importantly, bakit ka pa rin nagtatrabaho kung talagang mayaman ka na?"
Lumiyad siya sa akin, "Kasi syempre gusto ko pa rin namang mamuhay ng simple lang. At itong trabaho ko na ito, libangan lang naman ito sa akin. Mas maganda pa rin na pa simple simple lang ako pero mayroon din naman akong ibubuga. Sige na, kumain ka lang jan. At mamaya kapag out natin sa trabaho, ikaw naman ang siguradong kakainin ko hehe."
Tiningnan ko siya ng masama. Pakurot kurot lamang siya sa kanyang pagkain hanggang sa kumuha na lamang siya ng tissue at pinunasan ang kanyang mukha.
Tumayo siya at napatingala ako sa kanya, para lang siyang kapre ngayon sa harapan ko.
"Teka saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.
Ito na naman siya sa pag ngisi niya, pero this time ay labas naman ang mga pantay na ngipin niya.
"Saan pa? Eh di mag wi withdraw ako ng pera ngayon para naman makita mo talaga na tototohanin ko ang sinasabi ko sayo," sambit niya pa.
Iniwan niyang naka lapag ang kanyang cellphone at umalis dala ang kanyang wallet.
Grabe naman, parang hindi naman niya ginalaw ang kanyang pagkain. Sobra siyang nag sasayang ng grasya. Ang mahal pa naman ng binayad niya rito.
Suddenly, nag ring naman ang cellphone niya at nakita ko na mayroong tumatawag sa kanya na ang pangalan at Camille.
At ang picture ni Camille, kasama niya si sir Jordan. Ang sweet nilang dalawa sa picture kasi nsg kiss silang dalawa.
For some reason, bigla na lamang akong dinapuan ng lungkot sa nakita ko. At ang weird lang nito kasi wala naman kaming dalawa ni Sir Jordan. Kinuha niya lang naman ang virginity ko at inaakit ako sa kanyang pera kaya naman ay napapa ikot niya ako sa mga gusto nitong mangyari.
I just ignored her call kahit na sobra akong nako curious kung magka relasyon nga ba silang dalawa nitong si sir Jordan.
Hinantay ko siyang makabalik at saktong ubos na ang pagkain ko ng bumalik dito sa loob si sir Jordan.
At nagulat na lamang ako ng iabot niya ang makapal na pera sa akin.
"Nabilang ko na yan pero mas maganda siguro kung bibilangin mo pa ulit. 50 thousand cash yan. Tinupad ko na ang pangako ko sayo kaya ngayon kaya ikaw naman ang tumupad sa pangako mo sa akin mamaya," sabi niya pa.
Halos hindi nga ako makapaniwala na mayroong makapal na pera ngayon sa harapan ko.
Nanginginig ang kamay ko, nababalisa ako sa mga sandaling ito. Pero baka mayroong taong nagmamasid sa aking paligid kaya naman nilagay ko na ang perang binigay niya sa bag ko kasi ayaw ko na itong mawala pa.
Ang dami ko na ngang gustong gawin ngayon sa perang ito. Napa tingin ako ngayon kay sir Jordan at this time ay napa niwala na talaga niya ako na totoo nga siyang isang mayaman. Perhaps ay isa talaga siyang bilyonaryo.
"Pwede mo na yang ipangtubos sa engagement ring na sinangla mo. Pero babawiin ko sayo ang pera na yan kapag hindi ako na satisfy sa magiging performance mo. So mark my words because I mean what I said," seryoso niya pang sabi sa akin.
This time, kailangan kong landian ang boses ko sa kanya. Mas seductive, mas matitiyak ko na mas malilibugan siya sa akin.