CHAPTER 13 HINAMPAS NI Patrick ang lamesa ngunit hindi naman nasindak ang lalaki at pinaikot pa ang hawak na kupita. "Kung kaibigan mo ang tatay ko bakit mo pinatay ang mga kasamahan ko?" tanong ng binata. Ang lalaki pa lang kaharap niya ngayon ay nailigtas dati ng papa niya sa isang labanan. Ngunit parang nakalimot ito at hindi marunong tumanaw ng utang na loob. "Bata, huwag kang mag-alala. Hindi sila patay at nakatulog lang," sagot nito na tila galing sa kailaliman ng hukay ang boses. "Tsk," ang tanging reaksiyon ni Russ. Aburido na ang kaibigan niya at mukhang gusto ng umuwi. Si Hana ay litong-lito at nagpapalipat-lipat ng tingin sa kanila ng pinuno sa tuwing nagsasalita. Napapagitnaan kase nila ito habang nag-uusap. Ngayon niya lang napansin na walang baka