CHAPTER 6
DALI-DALI siyang nagkubli sa isang silid. Nakita niyang lumabas ang kanyang tiyahin at tinignan kung sino ang gumawa ng ingay. Laking pasasalamat niya nang dumaan ang pusa ni Helga patungo sa silid ng papa niya. Nakahinga siya nang maluwag ng umalis ito at pumasok muli sa loob.
Tinahak niya ang garahe ng kanilang bahay para maghanda sa pagtakas.
"Nakita kaya nila ako?” nag-aalala niyang tanong sarili. “Kailangan kong makatakas dito! But, how? I don't have any plan,” lalo siyang nangamba sa isiping iyon.
“Ang papa, nasaan kaya siya at saan nila dinala? Is he alive?" isipin niya pa lang na wala na ang papa nila ay nanlulumo na siya. Ngunit malaki ang posibilidad na wala na rin ito.
Ngayon ay nasagot na ang tanong niya sa malaking pagbabago ng daddy niya matapos maganap ang pagsabog. Isang buwan lang kase ay may uwi na itong bagong babae—ang kanyang Tita Helga. Mahal na mahal ng daddy niya ang mommy kaya hindi siya naniniwalang makakausad kaagad ito sa mga nangyayari. Masaya siya sa isiping hindi nagtaksil ang daddy niya.
Pagkatapos noon ay naging malamig na ang pakikitungo ng daddy nila. Palaging kinokontrol ang kanilang kilos. Hindi na sila nakakalabas pa ng mansyon. Hindi na rin sila pinapayagang gumamit ng mga electronic device. Ngayon animo'y taong bundok sila na itinago nang mahabang panahon.
Kaya naman doon siya nagsimulang tumakas.
Gusto niyang masilayan ang reyalidad ng mundo, makakita ng bagong mukha, at makipagsapalaran sa buhay. Pangarap niya ring maranasan ang buhay ng isang kabataan. Ngunit sa tuwing nabibigo siya sa pagtakas ay paulit-ulit ding ipinapamukha ng katotohanan na hindi mangyayari ang lahat ng kanyang naisin. Susubukan niyang muli. Ngunit pagkakataong ay iba ang kanyang hangarin.
Napakalaki talaga ng diperensya ng Tita Helga niya sa kanyang ina. Ang alaala ng kanyang mommy ang ginagawa niyang lakas ng loob upang ipagpatuloy ang buhay.
Gabi na. Ito lang ang tanging pagkakataong makakatakas siya ngunit maraming oras na ang nasasayang. Kanina pa siya nandito at hindi manlang umaalis, nagpapaikot-ikot lang siya sa maliit na espasyong iyon habang kinakagat ang kuko dahil sa tensyong nararamdaman. Mabuti na lang at madilim na sa bahaging iyon kaya walang makakapansin sa kanya.
Natigil si Violet sa pag-iisip at kakaikot nang may humawak sa kanyang balikat. Hindi siya makagalaw, naestatwa siya sa kinatatayuan, bumibilis ang t***k ng kanyang puso at namawis rin ang kanyang mukha. Hindi niya tuloy magawang lingunin kung sinuman ang humawak sa kanya dahil sa kaba na namumutawi sa kanyang dibdib.
"Ate, saan ka pupunta?" tanong ng kapatid niya.
Pinalo niya nang mahina ang kapatid. "You scared me!"
"Saan ka pupunta, ate? Tatakas ka na naman ha!” Umiiling ito. “Kahit ilang beses mong gawin 'yan alam mong hindi ka makakatakas! Mapaparusahan ka lang.”
Tinakpan niya ang bibig ng kapatid gamit ang kamay. "Shh! Ang ingay mo, Pink. Ang dami mo pang sinabi."
Ginaya rin siya ni Pink at hininaan ang boses. "Saan ka ba pupunta, ate? Huwag mo ng ituloy 'yan alam mong mapapahamak ka lang."
"Just trust me, okay?"
"Talaga? Edi sabihin mo na sa akin," pagpupumilit nito.
"Mahabang kwento. Huwag mo ng kulitin si ate."
"Puwes, sasama ako!"
“Sasama ka talaga!” sabi niya rito habang nag-aalala. “Bilisan na natin bago pa may makahuli sa atin," hinila niya ang kamay ng kapatid ngunit pinigilan siya nito.
"Ate, saglit lang. May nakalimutan akong kunin sa kwarto ko."
"Ano naman iyon?" naiirita niyang tanong habang hawak ang pulsuhan ng kapatid para pigilan ito. "Kailangan na nating bilisan!"
Hinatak ni Pink ang kamay. "Ate, saglit na saglit lang ito, promise!" diniinan pa nito ang huling salita at itinaas pa ang kanang kamay tanda ng pagsasabi ng totoo. Saka tumakbo.
Napailing na lang si Violet. Hindi niya naman masisisi ang kapatid dahil ayaw niya ring ipaalam dito na nasa alanganing sitwasyon sila at nanganganib ang buhay. Baka kung ano pa ang gawin nito na ikinakatakot niya.
Makalipas ang ilang minuto ay gusto na niyang sundan ang kapatid. Kanina pa ito hindi bumabalik. Nag-aalala siyang may makakita rito at basta na lang damputin. Wala ring nagbabantay ng ganitong oras sa CCTV kaya kailangan nilang samantalahin ang pagkakataon.
Ngunit kung pupuntahan niya ang kapatid, baka magkasalisi silang dalawa. Lalong tatagal kung susundan niya ito. Hindi niya rin alam kung saan eksaktong kwarto nga ba ito naroroon ngayon.
"Please, Pink, make it fast." Nginangatngat na niya ang kuko dahil sa tensyon. Isa iyon sa pagkakapareha nilang magkapatid. "Okay." Tumayo na siya at nagdesisyong, susundan ito.
Aakyat na sana siya nang makasalubong si Pink.
"Ate!" nang tawagin siya ni Pink ay nagpadulas sa hawakan ng hagdanan para mabilis makababa.
"Ate V, sabi ko saglit lang ako eh," pinagalitan pa siya nito.
"Saglit? Ang tagal-tagal mo kaya! Muntik ko na ngang bilangan ang mga langgam na tumatawid sa pader! Ano ba 'yang dala-dala mo? Inabot ka tuloy ng siyam-siyam sa taas!"
"Importante ito, so please. Chill!" at kumindat pa ang loko niyang kapatid.
"Siguraduhin mo Pink," pagbabanta niya. "Ok whatever, just follow me," dahan-dahan silang lumabas ng pintuan habang hawak ang pulsuhan ni Pink.
Ngunit ang maloko niya kapatid, walang balak na tuminag sa pagkakapwesto. Tinititigan pa nito ang bagong linis na kuko. Pagkatapos niyon ay dummukot pa ng singsing sa bulsa at namili.
Aba! Napahalukipkip si Violet. Kinakabahan na nga siya nakuha pang magpasaway ng kapatid.
"Ano ba ang mas babagay, ‘yong pink o mas pink?" tanong nito sa sarili at taimtim na nag-isip. Tinititigan niya lang ito. Kunot na kunot na ang kanyang noo dahil sa inis. "Ah sige 'yung pink na nga lang!"
"Pink!" naiinis na siya. Parang hindi na naman ito nakakahalata.
"Hehe... ito na ate," sinuot na nga nito ang pink na singsing. Sa pagliko nila ay napansin nilang dalawang magkaiba ang direksyon na kanilang tinatahak.
"Dito tayo, Pink." utos niya sa kapatid nang pabulong.
Nakalabas na sila ng mansyon, ngunit nagkubli at gumapang nang padapa sa halamanan upang maiwasan ang CCTV camera. Mahirap makalusot sa mga ito. Iyon lang ang tanging paraan.
"Ate, hindi ka pa ba nadala diyan? Ilang beses ka na kayang nahuli diyan. Tandaan mo kung diyan tayo dadaan sa entrance baka mahirapan tayong makalabas at sigurado akong mahuhuli tayo. Tutunog ang senyas na maririnig sa buong mansiyon, kaya dapat sa likod tayo."
Sumunod na lang si Violet. May punto naman kase ito. Ilang beses na nga siyang nahuli roon.
"Heps!" pinigilan siya ni Pink nang tatapak siya sa damo.
"What?" nayayamot na si Violet. Inirapan niya ang kapatid.
"Pansinin mo ate ang mga damo." Itinuro ni Pink ang bagay na gustong ipakita sa kanya.
Nakaupo na sila ngayon sa may halamanan para raw mas makita.
"Normal lang, damo pa rin," walang kagana-ganang sagot niya.
"Tsss, tumagilid ka kasi, Ate."
Sinundan niya ito at pinagmasdang muli ang damo. May napansin siya sa mga ito. May mga berdeng maliliit na ilaw.
Parang mga lasers. Lasers? Hindi siya makapaniwala.
"Hindi mo makikita “yan kapag normal kang nakatingin at nakatayo lang diyan. Ngunit kung itatagilid mo ang ulo mo at isasayad mo sa sahig, doon mo lang 'to makikita. Isa pa, kaya ka laging nahuhuli sa tuwing tumatakas ka kahit wala namang nagbabantay ay dahil din diyan! Sa oras kase na matapakan 'yan ay tutunog at nagiging dahilan upang lumabas ang lahat ng tao sa bahay. Beng! Nahuli ka na," nagmamalaking turan nito.
Hindi nakapagsalita si Violet. Talagang nakakamangha ang kapatid niya para mapansin iyon. Mukha isang detective na napakagaling. Maaring ito ang dahilan kaya laging tumatambay ang kapatid niya sa labas—nagmamasid ito sa paligid.
Kung ganoon titingkayad pala sila upang makalabas. Kaya naman dahan-dahan siyang tumayo at bebwelong titingkayad ngunit nagsalita ulit si Pink.
"Hindi tayo pwedeng dumaan diyan sa gate dahil may security, at sa pader naman ay may mga lalaking nakaitim na may baril. Masyadong mataas 'yang mga pader. Siguradong-sigurado ako na bago pa tayo makatawid diyan paniguradong tepok na tayo."
Dahil sa sinabi ni Pink ay bumalik si Violet sa dati niyang pwesto at isinayad ulit ang ulo sa sahig upang tignan ang laser sa damo. Nag-iisip siya ng ibang paraan upang makalabas.
"Pink tignan mo ang mga lasers naging pula!" manghang-manghang wika niya.
Tumingin naman si Pink "Huh? Ayan ang hindi ko alam," sabi ni Pink nang may pagtataka.
Nag-iisip si Violet. "Pink parang may naalala ako sa mga lasers na iyan."
"Ito ang huling imbensyon ni daddy na ipinadala sa Europe bago mamatay si mommy.”
“The laser that can kill one elephant and fifty persons in just one snap!” sabay nilang turan na magkapatid.
“Pero hindi itinuloy ni daddy dahil gagamitin lang sa masamang hangarin."
"Ang galing pala ng daddy natin, Ate," parang kumikinang na naman ang mga mata ni Pink sa pagkamangha.
"Marami kapang dapat malaman sa kanya sa takdang panahon. Pero ngayon problemahin muna natin ito," tumayo si Violet mula sa pinagkukublian at naglakad papunta malapit sa mga lasers nang may pag-iingat.
"Anong gagawin mo, Ate?"
Sumenyas lang si Violet na tumahimik muna ang kapatid. Kailangan na nilang magmadali. Malapit ng bumalik ang nagbabantay sa CCTV. Katulad nga ng dapat mangyari, kinalikot ni Violet ang mga nagpapagana sa lasers.
Itinuro na rin kasi sa kanya ng papa niya noong bata pa siya kung papaano ito mapapahinto nang hindi ideni-deactivate ng operator mula sa kung saan mang lalagyan nito. Mayroon itong lihim na password at tanging ang nag-imbento lang nakakaalam. Ibinaligtad niya ang nagpapagana sa mga lasers at binuksan ang takip nito. May ilalagay na password. Inisip niya muna kung ano nga ba ang dapat ilagay.
Pilit niyang hinahalungkat ito sa kanyang memorya. Violet? Nope. Pink? Nope. Editha? Not really. Rex? Lalong hindi! What's the password? Wait... aha! Gotcha!
Naalala na niya. 08243*Vipire! Mabuti na lang at may interes siya sa mga ganitong bagay.
Gaya ng inaasahan, namatay ang mga ilaw ng lasers. Hindi na sila nag-aksaya ng panahon at dali-daling tumakbo. Awtomatiko kasi itong gagana sa loob lamang ng isang minuto. Hindi pa kasi tapos ang pag-aaral rito ng kanyang ama nang manakaw iyon.
"We're trap!" reklamo kaagad ni Violet nang mapunta sila sa isang maze. Meron iyon sa loob ng kanilang hardin. Ngunit alam niyang tama ang dinaanan nila. Wala ring mali sa pagkakalkula niya.
"Easy ka lang, Ate.” Hinila ni Pink si Violet at tumakbo sila sa kaliwang bahagi.
Ngunit hindi nila inaasahan ang paparating sa kanilang direksyon. Isang bagay na matulis at mabilis. "Ilag,Pink! "
Kitang-kita ni Violet ang paparating na pana sa gawi ni Pink. Ngunit hindi nakakilos si Pink dahil sa pagkabigla. Walang pag-aalinlangan na humarang Violet at isinangga ang katawan para sa kapatid. Siya ang natamaan ng trap na palaso.
"s**t!" ramdam niya ang matinding sakit. Tila nanunuot iyon hanggang sa kanyang buto.
Naalarma ang magkapatid sa pagtunog ng signal. Siguradong malalaman na ng mga tao sa loob na may gustong tumakas o ‘di kaya ay may nakapasok sa kanilang mansion. May mga device na naka-kabit sa bawat trap na inilalagay sa bahay nila. Hindi 'yon lahat alam ni Violet. Umilaw na naman ang buong lugar sa patuloy na pagtunog ng sirena.
"Ate, 'wag mo akong iiwan," paulit-ulit na sabi ng kapatid niya magsimula kanina. Nag-unahan sa pagtulo ang luha ni Pink. Garalgal na rin ang boses. “Bakit hindi ko naalala na may palaso pala sa gawing iyon?”
Kahit nanlalabo ang piningin ni Violet, hindi nakalagpas sa paningin niya ang takot sa kapatid na mahuli sila. Naririnig na niya ang mga papalapit na boses sa gawi nila.