"Kumusta ka na?" Napatingin ako sa walang kagalaw-galaw na si Yoseph nang marinig ko ang tanong ni Jayson. Tumingin siya sa amin gamit ang matamlay na mga mata. Nakita ko ang pagpipilit niyang ngumiti para siguro ipakitang okay siya. "Eto, kahit papano I'm still alive." Namamaos na sagot niya sa boyfriend ko. Inilayo ko ang tingin ko sa kanya dahil ayokong madagdagan pa ang awa na nararamdaman ko para sa kanya. Kanina nang yayain ako ni Jayson para puntahan si Yoseph dito sa ospital ay tumanggi ako dahil practice namin ng banda sa gym kasama si Zeke. But my boyfriend insisted. He told me na dapat ko raw makita kung ano ang ginawa ng best friend ko kay Yoseph. I deliberately told Jayson na kung ano man ang ginawa ni Zeke kay Yoseph ay nararapat lang iyon. Pero kanina nang makita ko ang k