Chapter 12 3 years later... Monina's P. O. V. Ngayon ang anniversary namin ni Khayne. Matagal kaming hindi nagkita dahil busy ako kakaaral, graduating na ako, sa wakas ay makakatapos na ako ng pag-aaral sa tulong na rin ni Khayne, simula nang makilala niya ako ay sinagot na niya ang pag-aaral ko. Sobrang laking utang na loob ko ito sa kaniya. Suot ko ang regalo niyang dress sa akin. Kulay old rose ito at may glitters kuno sa paligid ng bandang palda. V-neck ito kung kaya't bahagyang nakikita ang dibdib ko pero normal naman na ito sa amin ni Khayne. Ang nakakatuwa sa kaniya ay kahit tatlong taon na kami, hindi siya nagbabago. Kahit ba palagi siyang busy ay hinahanapan niya ng lusot para makasama ako kahit sandali lamang, samantalang sila Mama ay talagang pinapayagan ako na kasama s