Chapter 2
Monina's P. O. V
"Mister Jallorina!"
"KHAYNE JALLORINA!"
Bigla siyang huminto sa paglalakad, sa wakas ay pinansin niya rin ako.
"What's your--" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya nang lumingon siya sa akin.
Agad akong lumuhod sa harapan niya at hinawakan ang binti niya.
"Parang awa niyo na, pagbigyan niyo na po ang pamilya ko, kahit ngayon na lang. Huling pagkakataon po sana, Mr. Jallorina," naluluha kong sambit.
Sobrang hapdi ng buhangin na nararamdaman ng aking tuhod ngayon, dagdag pa ang sikat ng araw.
"M-Miss, can you please--" tiningala ko siya at agad naman siyang nag-iwas ng tingin.
"Sir, please po, maawa kayo sa pamilya ko--sa amin. Wala po kaming pupuntahan," sambit ko.
"C-can you please--" hindi niya muling natapos ang sasabihin niya at napahilamos sa kaniyang mukha gamit ang palad niya.
"A-ano po?" tanong ko.
"Stand up! Please be aware of the clothes you're wearing, lalo na kung masyadong revealing!" inis na sabi niya at nakita ko naman ang mga mata niyang nakatingin sa dibdib ko.
Agad kong binitawan ang binti niya at napatayo. Nakalimutan kong nakasuot ako ng daster at may kaluwagan ito kaya kitang-kita kung nasa itaas ka.
"B-bastos!" naiilang kong sambit.
"Wow! Ako pa talaga? I didn't even looked at it--"
"Hoy! Tumingin ka kaya!" sigaw ko.
"MONINA!" rinig ko ang boses ni Mama.
"It's just a peek! Hindi ko tinitigan, hindi ako bastos, don't call me pervert or anything negative. Ayoko madumihan ang pangalan ko ng katulad mo," aniya.
"So minamaliit mo ako?" inis kong sabi at pumamewang.
"Monina! Tama na," saway sa akin ni Papa. "Sir, pasensya ka na sa anak ko--"
"It's fine. A kid like her should know how to respect. Anong grade ka na ba? Show some manners."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Hinila ko ang damit niya at nang makayuko siya ay agad kong hinila ang buhok nito saka sinabunutan.
"MONINA!"
"YNA!"
"BITAWAN MO!"
Hinila ako ni Papa at halos umangat ako mula sa lupa para lang mailayo ako kay Khayne.
"I will sold this island! Immediately!" sigaw niya at akmang lalakad.
"SIR!" napatigil kaming lahat at napatingin sa isang guard niyang tumatakbo papunta sa kaniya.
"What!?" iritang sambit ni Khayne.
"Nabutas 'yong dalawang gulong ng kotse, isa lang ang dalang spare, pati ang side mirror po ay wala na."
Mahina akong natawa. "Buti nga." umirap ako at napahalukipkip.
Mahirap iwanan ang magagarang sasakyan sa highway dito. Maraming magnanakaw o minsa'y nanti-trip lang.
"s**t! What are you waiting for? Call for back-up. Ayoko manatili dito!" inis na sabi ni Khayne at lumingon sa akin.
Wow! Ang kapal talaga ng mukha niya. Porket mayaman siya ay ganoon na siya kung umasta, gwapo lang siya pero napakapangit ng ugaling meron siya.
"Sir, humihingi po ako ng paumanhin sa--" hindi na pinatapos ni Khayne si Papa sa pagsasalita dahil tinalikuran niya si Papa sabay lakad patungo sa building na pagmamay-ari rin nila.
"Bastos talaga," inis kong sabi.
"Tignan mo ang ginawa mo! Bata ka," kinurot ni Mama ang tagiliran ko kaya napasigaw ako sa sakit.
"Pasaway ka talaga!" ani Papa at naglakad na palayo.
"Sorry na!" sigaw ko.
Binitawan ako ni Mama. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata niya.
"Binosohan niya ako, Ma!" sabi ko.
"Sino ba naman kasi ang may sabing lumuhod ka sa harapan niya? Hindi ka nag-iingat!" sigaw ni Mama at lumakad na pabalik ng kubo.
Napabuntong hininga ako at naramdaman ko naman ang kamay ni kuya sa balikat ko.
"Good luck, mukhang may hindi kakain ng lunch," pang-aasar niya.
"Kuya..." malambing kong sabi.
"Oo na, dadalhan kita ng pagkain mamaya sa dalampasigan. Magpapaliyab na ako, maiwan na kita," ani kuya.
Napasimangot ako. Wala man lang nagtanggol sa akin sa lalakeng 'yon. Porket mayaman ay takot na takot na sila Papa sa kaniya. Mas matanda naman si Papa at Mama pero sila pa ang gumagalang sa lalakeng 'yon, napakawalang modo.
Sinipa ko ang buhangin. Bigla akong napadaing nang makitang dumudugo ang paa ko. Mayroon pa lang basag na bote sa ilalim ng buhangin na nasipa ko.
"Napakamalas ng araw na 'to," bulong ko at pinulot ang bote na nakahiwa sa akin saka tinapon sa basurahan.
Wala kaming malinis na tubig kaya nagtungo ako sa building. Dito ay may gripo para sa mga nagco-cottage. Libre naman ito. Hinintay ko pang maubos ang mga tao na gumagamit sa gripo.
Nang wala nang tao ay kumuha ako ng cup saka pinuno iyon ng tubig. Naupo ako sa tabi ng gripo at saka binuhusan ng tubig ang dumudugo kong sugat.
"Damn it!" rinig kong sambit ng pamilyar na boses.
Nakita ko ang mga paa nito patungo sa akin. Tinignan ko siya na naghugas ng kamay sa gripo. Muli ay nakakunot ang kanyang noo at magkasalubong ang kilay nito. Palagi na lang siyang ganiyan, hindi marunong ngumiti.
"f**k!" sigaw niya sa gulat nang makita ako.
"Ano? Mura ka ng mura," inis kong sabi at tumayo.
"Ikaw na naman?"
Hindi ko siya pinansin at kumuha ng tubig sa gripo saka muling binuhos sa sugat ko.
Kinabahan naman ako ng kaunti dahil ayaw nito tumigil sa pagdudugo, wala akong kahit ano na pwede gamitin para dito. Naisip kong baka maimpeksyon kaya piniga ko ito upang lalong dumugo.
"Stand up," utos ni Khayne.
"Bakit na naman? Umalis ka na," inis kong sabi at tinuloy ang ginagawa kong pagpapadugo sa paa ko.
"Walang mangyayare kapag ganiyan lang ang ginawa mo--"
"Che! Nurse ako! Mag-nu-nurse ako kaya alam ko 'to!"
"Seriously?" sarcastic niyang sambit.
Nagulat naman ako nang hilahin niya ang braso ko. Wala akong nagawa kundi ang mapatayo. Hinila niya ako patungo sa isang cottage na walang tao. Pinaupo niya ako roon.
"You're too dumb," aniya.
Napakagat ako sa labi ko at nagpipigil na sabunutan siyang muli.
"Stay here, listen to me. Mas matanda ako sa 'yo," aniya at lumakad palayo.
"Pake ko kung mas matanda ka?" inis kong bulong.
Napalingon ako sa dalampasigan at nagulat ako nang may batang naghagis ng balat ng candy.
"HOY! BATANG NAKA-BLUE NA SHORTS!" sigaw ko, agad namang lumingon ang binata.
"PULUTIN MO 'YAN O IPAPAKAIN KO SA 'YO 'YAN!?"
Dahil sa takot ng bata ay agad niyang pinulot ang wrapper ng candy saka tumakbo papalayo.
"Napakatapang mo naman. I bet you're a bully," biglang salita ni Khayne.
Hindi ko namalayan na narito na siya.
"Ayoko lang na nadudumihan ang dagat. Nature 'yan, gawa ng Diyos kaya dapat tayong mga tao ang mag-alaga nito," sabi ko.
"Whatever," aniya sabay lapag ng first aid kit sa lamesa.
"Hindi ko na kailangan niyan--"
"Shut up, I am trying to help you! Para hindi na ako magmukhang masama sa 'yo," aniya sabay buhos ng agua sa sugat ko.
Pinunasan niya ito nang bumula saka niya nilagyan ng gamot at benda.
"Salamat..." bulong ko at na-guilty bigla sa ginawa ko sa kaniya kanina.
"I will still sold this island," aniya.
"P-pero, Sir--"
"I need to," malungkot na bulong niya.
Tila ba nagbago ang kaniyang emosyon. Walang gana niyang inayos ang medical kit. Bigla siyang tumamlay.
"B-bakit bigla kang--"
"You're too noisy," cold niyang sabi sabay lakad palabas ng cottage.
Wala akong nagawa kundi ang titigan siya habang naglalakad palayo. Napatingin ako sa benda ng paa ko at napangiti ako.
"Mabait naman pala kaso 10% lang," bulong ko.
********************