Tanya:
"Uy girl nakita mo naba yung bagong studyante dito yung galing Canada ay te ang ganda daw pero sure ako malaki naman ang laban mo haha." Pang aalaska sakin ni Abby kasalukuyan kasi kaming kumakain dito sa canteen.
"E bat sakin mo nanaman hinahalintulad?" Tanong ko ganyan kasi lagi ang kaibigan ko palagi akong binibida.
"Sus parang di mo naman alam e ikaw lang naman ang pinakamanda sa university nato na humble kapa jan. Si Reid nga na varsity at habulin ng babae binusted mo e edi ikaw na talaga." Hay ayan nanaman siya.
"Manahimik ka nga diyan Abby kita mong madaming kumakain ngayon dito ang ingay nanaman ng bunganga mo." Sabi ko.
"E bakit totoo naman ah bakit kaba nahihiya? Nako kung ako mismo ang ginantipaalan ng ganyang kay gandang mukha e proud na proud ako siguro mapapasin nako ni papa Weyn ko." Si Weyn Salvador ang ultimate crush ngayon ng mga kababaihan at patay na patay dito ang kaibigan ko kahit na may boyfriend ito.
"Nako wala namang laban si Weyn kay Sir Dale noh. Kita mo naman na halos lahat nagkakagusto kay Sir kahit nga ako e." Pagyayabang ko e gwapong gwapo naman kasi talaga si Dale. Hay namimiss ko na agad siya.(ang landi nanaman ni author joke)
"Haha oo nga ang snob naman kasi ni Sir noh kahit nga ikaw na diyosa dito sa campus natin hindi pinansin e." Pang aasar sakin ng kaibigan ko. Hmp kung alam mo lang noh baka tumulo laway mo Jan.
"Eto na nga balik tayo sa topic natin kanina alam mo ba girl na malaki ang chance na maging classmate natin ang transferee na tinutukoy ko na galing Canada? I'm excited na makita siya. E pano ba naman pinaguusapan siya ng mga admin na ang ganda daw talaga. e alam mo naman puro mga lalaki admin natin dito." Ayan nanaman ang kaibigan ko di ko na mapipigilan ang pagkamadaldal nito hay sunod sunod nato.
"Uy nakikinig kaba? Kanina pa ako dito daldal ng daldal di ka naman ata nakikinig hay nako nakakainis ka." Ayan nanaman siya mga readers.
"Oo nakikinig ako. Oh tapos ano na nga nangyare?" Pinaguusapan naman namin ngayon ang jowa niyang si Justin dahil may nakita siyang kasama nito sa picture na nakatag sa f*******:.
"Ayun na nga syempre aalamin ko kung sino ang babaeng kasama niya. Hindi kasi ako naniniwalang kaibigan lang eh." Hay nako si Abby parang Ewan e siya nga tong madaming boys.
....
"Tara na nga di ka nanaman umiimik Jan baka malate na tayo kay Sir Francisco alam mo namang boring magturo yung matandang yun pero kailangan padin nating pasukan."
Naglakad na kaming magkaibigan at napadaan kami sa may admin area. Siniko naman ako ni Abby.
"Ang ganda talaga ni Tanya noh? Para sakin siya yung pinakachicks dito sa campus." Sabi ng isa sa mga admin.
"Oo nga e kaya nga laging nananalong Ms. Agustin ang ganda at talino naman kasi." Sabi naman ng isa.
"Oo nga bro kahit sino atang teacher mahuhumaling sa kagandahan niya e."
Hindi ko na lamang pinansin ang mga ito at dali dali na kaming naglakad ng kaibigan kong pangisi ngisi.
"Hoy Abby ano nanamang nginingiti ngiti mo diyan?"
"E kasi naman kahit sa baba e pinagpapantasiyahan kana sus Tanya ikaw nga ang ultimate crush dito tinalo mo pa ang mga seniors kaya daming naiinggit sayo eh. Mga insecure te." I rolled my eyes di na kasi dapat pang ginagawang issue yun. Siguro sasabihin ng iba na maganda lang ako dahil half Spanish ako and I hate it. Lahat naman ng tao may karapatang gumanda di lang dahil sa may lahi sila o ano pa man.
"Tara na nga ang daldal mo." Sabi ko sabay hila sakanya papasok ng klase.
...
Natapos na ang nakakaboring na lesson namin kay Sir Francisco at ang susunod na ay si Sir Grey. Di ko maintindihan pero kinakabahan padin akong makita siya lalo na pag naaalala ko ang nangyare samin noong isang araw. Iniwasan ko na siya Simula non. Di ko alam pero takot ako, takot akong mahulog sakanya tapos baka hindi niya ako saluhin.
Tumahimik na ang buong klase na hudyat naman ng pagdating ni Dale.
Hinanap agad niya ako at ng makita niyang pumasok ako ay nag tuloy tuloy na siya sa table niya. Di kasi ako sumabay sakanya kanina ayoko muna siyang makausap.
Habang nag tuturo siya ay kumatok bigla ang Pinakahead ng mga faculty members si Mrs. Simson.
Bumati kaming lahat at napatigil sa pagsusulat si Dale at napatingin dito. Doon ko lamang napagtanto na hindi pala nagiisa si Mrs. Simson at may kasama itong napakagandang dalagita. Tansiya ko ay nasa 20 na ito dahil may pagkamatured na ang face niya kaya lalo siyang gumanda.
Excuse me Mr. Grey, I would like to introduce you Ms. Debbie Alfonso your new classmate.
Halata ang pagkagulat sa mga mata ni Dale na tila kilala niya ang babaeng ito. Ganun din si Debbie at matagal silang nagkatitigan.
Ng matauhan si Dale ay pinaupo na niya si Debbie sa harapan ko dahil bakante ito. Para akong nakaramdam ng kung anong kirot dito sa puso ko na di ko maintindihan.
Parang kailan lang ay inamin niya saking mahal niya ako ngunit parang may hindi ako nalalaman o parang may mali between them.