Lumaki sa isang mahirap na pamilya si Beatrice at kuntento naman siya sa kung anong mayroon sa kanya. Isa siyang masunuring anak, masipag at mapagmahal lalo na sa kanyang mga magulang. Hindi man sila magkakasundo na magkakapatid ay palaging si Beatrice ang nagpaparaya. At wala sa hinagap nito ang isiping isa lamang pala siyang ampon. Nagulat pa siya ng isang araw, ay sumusundo na sa kanya bagay na hindi pa nag- sink in sa kanyang utak. Masakit ang loob nitong iwan ang kanyang mga kinalakhang magulang at makakasama ang pamilyang ni hindi pa niya nakita. Idagdag pang sa bago niyang tirahan ay agad-agad itong ipakakasal sa lalaking hindi pa niya kilala. Paano na sila ng kanyang kasintahan? Talaga bang isa siyang anak mayaman? Nananaginip lamang ba siya dahil kung oo, sana ay may gigising sa kanya. Paano nga ba nangyaring ipina- ampon siya sa iba ng kanyang mga biological parents kung mayaman naman pala sila noon pa?