"Saan ka na naman ba nanggaling Pamela at ginagabi ka ng ganito sa labas?!" Galit na sita niya sa kapatid nang makita itong papasok ng pintuan galing sa labas.
"Ate Penny, gising ka pa pala,' saad pa ng kapatid at ngumiti.
"Sige po Manang Amparo magpahinga na po kayo," saas niya sa kasambahay na siyang nagbukas ng pintuan para sa kapatid.
"Salamat po Yaya Amparo,' pasalamat ng kapatid kay Manang Amparo na siyang yaya ng kapatid mula pagkabata hanggang ngayon na sixteen years old na ito.
"Bakit ba napapadalas yata iyang madaling araw ka na kung umuwi Pamela, saan ka ba galing?" Tanong niya sa kapatid habang sinusuri nito ang kasuotan. Halata sa suot ng kapatid na galing ito sa party o sa inuman amoy din kasi niya ang alak kahit medyo malayo siya sa kapatid.
"Ate naman nag enjoy lang ako saglit," nakangiting tugon nito na para bang binabalewala lang nito ang pagsita niya rito.
"Birthday ng kaibigan ko kaya napainom," saad pa ng kapatid.
"Sixteen ka pa lang Pamela hindi ka pa dapat umiinom," sita niya sa kapatid.
Tumawa naman ito sa kanya ng malakas at humakbang palapit sa kinatatayuan niya.
"Ate Penny, naman walang masama kung sa ganitong edad ko eh nag e-enjoy na ko. Kung ako sa iyo Ate mag enjoy ka na rin habang eighteen ka pa lang baka kase pagtanda mo hindi ka na makapag enjoy sa dami ng responsibilidad na naghihintay sa iyo," litanya ng kapatid at huminto sa tapat niya.
"Believe me, Ate walang masama sa mag enjoy. Do it while you are young," dagdag pa nito sa kanya.
"Umakyat ka na nga Pamela at magpahinga na, may pasok ka pa bukas," saad niya rito at hindi na lang pinansin ang mga sinabi nito sa kanya. Ayaw niyang patulan ang kapatid, hangga't kaya niya itong intindihin gagawin niya. Siya ang ate kaya siya ang dapat na mas umunawa sa batang kapatid.
"Goodnight, Ate," saad nito at nagtatakbo na paakyat ng hagdan.
Iniling na lang niya ang ulo at nagtuloy na sa paglalakad patungong kusina para kumuha ng maiinom. Bumaba siya para uminom hindi kasi siya makatulog sa dami ng kanyang iniisip.
Pagdating sa kusina agad siyang kumuha ng malamig na tubig at naupo roon habang umiinom.
"Penny, bakit gising ka pa?" Nagulat pa siya nang makita ang Mommy niya na papasok ng kusina bitbit ang isang bote ng wine.
"Mommy, madaling araw na ho bote pa rin ng alak iyang hawak niyo," malungkot niyang saad sa ina.
"Hindi ako makatulog eh," tugon nito at inilabas ang prutas na nasa ref.
"Mommy, tama na po ang pag inom, hindi na po nakakabuti iyan sa katawan niyo," sita niya sa ina.
"I know what I am doing, Penny,' nakangiting saad nito sa kanya at lumabas na ng kusina bitbit ang mga prutas at wine nito.
"Matulog ka na Penny, may meeting kapa bukas sa opisina before your class,' paalala pa ng ina sa kanya.
"Yes po, Mommy," tugon naman niya sa ina.
Mariin niyang pinikit ang mga mata nang maiwan na siya mag isa sa kusina.
Sa edad niyabg eighteen years may malaking responsibilidad na siya sa pamilya nila. Simula kasi ng mamatay ang Daddy niya sa sakit dalawang taon na ang nakakalipas naiwan na lahat ng responsibilidad ng ama sa kanya, mapa sa bahay at sa opisina nito. Hindi kasi kinaya ng Mommy niya ang biglaang pag panaw ng Daddy niya kaya nalulong na ito sa alak at halos nananatili na lamang ang ina sa loob ng bahay nila.
Noong una ang Mommy niya ang nag-aasikaso sa naiwang mga negosyo ng Daddy nila, pero walang magandang nagagawa ang Mommy niya at kung hahayaan niyang ito pa rin ang magpatakbo sa mga negosyo nila lalo lamang lalala ang problema nila, dahil tiyak na malulugi at mauuwi ang lahat ng pinaghirapan ng Daddy niya sa wala, at tiyak na maghihirap sila, bagay na alam niyang lalong hindi kakayanin ng Mommy niya pati na ang nakababatang kapatid na si Pamela.
Pinagpasalamat niyang mul nang mang high-school siya ay nahilig na siyang sumama sa Daddy niya company at magmasid sa opisina ng ama, kaya kahit papano may idea na siya sa kung ano ang ginagawa ng Daddy niya para patakbuhin ang negosyo nilang malaking Travel Agency at Interior Design business. May sariling malaking building ang Daddy niya sa bayan ng San Nicolas kung saan nag o-operate ang kanilang malalaking negosyo. Bukod sa negosyo may sarili rin silang paupahang building sa bayan nila at sa karatig bayan. And also maraming lupang investment ang kanyang ama para sa mga susunod pa sanang negosyo na itatayo nito kung hindi lang ito nagkasakit ng lung cancer at maagang pumanaw.
Sa dami ng naiwan ng kanyang ama lahat iyon ay siya ang nag-aasikaso. Hindi na kasi kaya ng Mommy niya at hindi naman interesado ang kapatid niya na tulungan siya sa ngayon. Mula kasi ng mawala ang Daddy nila naging malaya na si Pamela para mag enjoy, kaya naman wala itong ginagawa kung di ang mag enjoy ng mag enjoy. Kaya naman kahit nag-aaral pa siya sa kursong Business Management sa San Nicolas University ay pumapasok rin siya sa opisina para maasikaso ang lahat ng naiwan ng kanyang ama. Umaasa siyang pagtungtong ng kolehiyo ng kapatid na si Pamela ay tutulungan na siya nito sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila, makikinabang rin naman ito, at tiyak na paghahatian nila ang lahat ng naiwan ng ama.
"Hindi ako pwedeng mag give up, dahil masasayang ang lahat ng pinaghirapan ni Daddy," bulong niya sa sarili.
Dahil na rin sa dami niyang inaasikaso hindi na siya nagkaroon pa ng oras para makapag entertain ng manliligaw niya. Sa edad niyang eighteen never pa siyang nagka boyfriend. Marami namang nagpaparamdam at nagsusubok na manligaw sa kanya pero sinasabi niya agad na wala siyang panahon sa pakikipag relasyon. Hindi naman kasi niya kayang isabay pa ang bagay na iyon. Hindi na rin siya magtataka pa kung sakaling tumandang dalaga siya sa dami ng kanyang responsibilidad, ang mahalaga naman ay nasa ayos ang buhay ng kanyang kapatid at ina.