03 – Request

1241 Words
03 – Request Summer’s Point of View Halos lumuhod na ako sa labis na pasasalamat nang sa wakas ay sumapit na ang 5:00 PM. Dahil sa wakas ay makakauwi na rin ako. Hindi ko na kayang tumagal pa sa opisina na kasama ko si Sir Alexander. He’s been really, really weird. Kung ano-anong sinasabi niya. He kept on insisting na may gusto ako sa kanya; na tinatago ko lang daw at hindi ko lang masabi sa kanya. What the hell? Saan niya nakuha ang ideyang ‘yon? There’s no way I’d fall in love with him. Kahit magka-crush nga sa kanya ay napaka-imposible. He’s not my type and will never be. I hate him as a person. I hate how he treats women. “Are you going home, Heart?” tanong niya sa akin. “Yes, sir,” tugon ko habang nagmamadaling inililigpit ang mga gamit ko. “I’ll drive you home. Saan ba sa inyo?” alok niya. Mabilis akong umiling. “I appreciate the offer, sir, but I’m good. May dadaanan din kasi akong personal na lakad ngayon,” pagsisinungaling ko sa kanya bago ko isinuot ang bag ko. “Uwi na po ako,” paalam ko at dali-daling lumabas. Tinawag niya pa ako, pero hindi ko na siya pinakinggan pa. Pagkalabas ko ng opisina ay dali-dali akong sumakay ng elevator. Ako lang ang tanging sakay nito dahil ako at si Sir Alexander lang din naman ang tao sa 50th floor. Pagkababa ng elevator sa 48th floor ay bumukas ito at bumungad sa akin si Sir Anton, isa ring Cojuanco at pinsan ni Sir Alexander. “G-Good afternoon, sir,” bati ko sa kanya at yumuko hindi lang para magbigay galang kundi para na rin itago ang aking pisngi na nagsisimula nang mag-init. “Oh, Summer. Good afternoon,” tugon niya sa akin. Lalaking-lalaki ang boses niya. At nang tumabi siya sa akin ay mas lalo akong kinilig dahil ang bango niya. Parang papunta pa lang siya sa trabaho. Tall, dark, and handsome. Sa tuwing naririnig ko ang mga salitang ‘to ay si Sir Anton talaga ang naiisip ko. Napakagwapo niya. Napakakisig. Napakabait. He’s the total opposite of my boss. How I wish na sana siya na lang ang naging boss ko. Dahil kung nangyari ‘yon, baka magtrabaho pa ako nang overtime kahit walang bayad mapagsilbihan lang siya. Kaso sa kamalasan nga naman ay napunta ako sa kamay ni Sir Alexander na walang ibang dala kundi sakit ng ulo at kalbaryo. “Pauwi ka na?” kaswal na tanong niya sa akin. “Opo, sir. Kayo po?” tugon ko saka siya tiningnat at nginitian. Inayos ko pa ang suot kong salamin para lang masilayan ang gwapo niyang mukha. Mala-Richard Gomez talaga ang kagwapuhan niya. “I have somewhere else to go,” tugon niya sa akin at tipid na ngumiti. Hindi ko mapigilang kiligin sa ngiting ibinigay niya sa akin. Well, sa loob ng mahigit isang taong pamamalagi ko sa kompanyang ‘to ay maraming pagkakataon na rin kaming nagkausap ni Sir Anton dahil sa posisyon ko. Since ako ang secretary ng CEO, may mga pagkakataon na ako ang kinakausap ng ibang mga boss dahil nga palaging wala ang boss ko. At sa mga pagkakataong nagkakausap kami ay pakiramdam ko’y mas napapalapit ang loob ko sa kanya. Masasabi kong isa siya sa pinakamabait na bosses sa kompanya. Kaya hindi na nakakapagtataka na marami ring nahuhumaling sa kanya, at kasama na ako roon. --- Pauwi na sana ako sa bahay nang tumawag sa akin si Latrisse, ang matalik kong kaibigan. “Yes?” bungad ko sa kanya. “Saan ka ngayon, Heart?” diretsong tanong niya sa akin. “Wala man lang kumusta, Latrisse?” sarkastikong tugon ko dahilan para matawa siya. Hindi ko naman mapigilang mapamura dahil maging ang pagtawa niya ay kaygandang pakinggan. Siya ang palaging kasama ko noong nag-aaral pa lang ako sa college. Naging magkaibigan kami nang magkasama kami sa isang school project noong first year college kami. Bigla lang kaming nag-click dalawa. Ang dami ngang nagtataka kung bakit kami naging magkaibigan lalo na’t complete opposite kaming dalawa. Maganda at sexy si Latrisse, habang ako ay ‘wag na lang nating pag-usapan pa. Basta kung ano ang opposite ng maganda at sexy ay ‘yon ako. Isama mo pa ang makapal kong salamin dahil sa malabo kong mata at manang kong pananamit, ako talaga ang complete opposite niya. Isa pa sa dahilan kung bakit nagtataka ang mga tao sa aming dalawa ay ang estado namin sa buhay. Galing sa mayamang pamilya si Latrisse. Unica hija ng mag-asawang negosyante. “Pwede ba tayong magkita, Heart? Miss na kita,” paglalambing niya sa akin. Pero dahil matagal na kaming magkakilala ay alam ko na agad ang pakay niya. Kilalang-kilala ko na siya. “Is that it again, Tris?” tugon ko. Hindi pa siya agad sumagot kaya inunahan ko na. “Sige, magkita na lang tayo sa cafe malapit dito sa opisina namin. Text ko sa ‘yo ang address.” “Yes. Thank you, Heart! Will be there in a flash.” --- “So, sino na naman ang lalaking ipapa-meet mo sa akin, Tris?” diretsong tanong ko kay Latrisse nang makaupo kaming dalawa. Ngumuso siya at napasandal na lang sa glass wall ng cafe. “Hindi ko alam. My parents won’t tell me kung sino ito. They said he’s someone I’ll surely like,” aniya bago tumingin sa akin. “Pero ayoko siyang i-meet, Heart. I don’t want to.” Marahan akong tumango. “I understand. Kaya nga ako nandito, ‘di ba?” Chinese ang papa ni Latrisse habang pinay naman ang mama niya. And ever since nakapagtapos siya ng pag-aaral ay walang ibang ginawa ang mga magulang niya kundi ang i-set up siya sa iba’t ibang mga lalaki, hoping na may makilala siyang magugustuhan niya. Gustong-gusto na kasi ng mga magulang niya na maikasal siya. Pero ayaw niya. Marami pa siyang pangarap sa sarili niya. Hindi niya raw sasayangin ang lahat ng taong iginugol niya sa pag-aaral para lang maging housewife. She wants to become more. And that’s when I came up with the idea na ako ang makipag-meet sa mga lalaking sini-set up ng mga magulang niya sa kanya. And in exhange ay binabayaran niya ako. Ako ang nag-offer nito sa kanya dahil ‘yon ang way ko para tulungan siya. Ang laki rin kasi ng naitulong niya sa akin financially and somehow gusto kong ibalik sa kanya ang pabor at kabutihan niya. At sobrang saya ko kasi nagamit ko ang kapangitan ko para matulungan siya. “Same strategy ba?” tanong ko sa kanya. “I just have to discourage him, right?” Mabilis siyang tumango. “Yes, discourage him. Make sure na hindi na niya ako gugustuhing makita pang muli. Make sure na siya na hindi na muling masusundan ang blind date namin.” “Okay, got it.” Ngumiti siya sa akin. “Thank you, Heart. I’ll wire you the money now,” aniya sabay bukas ng cellphone niya. At ilang saglit lang ay natanggap ko na ang bayad niya. Ngumiti lang din ako sa kanya at pinag-usapan na namin ang gagawin namin. It’s been a while since I last did it, kaya kahit papaano ay na-miss ko rin ang ginagawa namin. Nag-iibang tao kasi ako sa tuwing nagpapanggap ako bilang si Latrisse Uy. Hindi na ako makapaghintay na makita kung sino ang lalaking itataboy ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD