"Paano mo nalaman, i mean sabi mo pareho tayong bastardong dalawa?”
"Yeah, bastardo rin ako na kagaya mo, at hindi lang tayo ay marami pang iba, kaya lang hindi ko pa sila nakikilala."
"Anong ibig mong sabihin?”
"Ang sabi ng detective na may hawak ng case natin ay may iba pa tayong kapatid sa labas.”
"What?”
"Noong una ay ayaw ko sanang maniwala, ngunit ng makita ko ang mga dokumento na galing sa ating Ama ay doon na ako naniwala.”
"Anong klase bang lalaki ang ating Ama?”
"I saw him video clip at hindi ko siya masisisi kung bakit ang mga Nanay natin ay na in love sa kaniya.”
May pinindot si Xion at may lumabas na monitor sa harapan niya.
"Hightech ang car mo.”
"Hindi ito akin at kararating ko lang ng Pilipinas kahapon. Bagong order ko pa lang ng sasakyan at baka ilang araw pa bago ko iyon magamit.”
"Ah okay.”
May pinindot uli si Xion at napatitig siya sa monitor.
"He is our biological father, what do you think of him?”
"Yeah, he's really handsome.”
"Hindi lang iyon brother, our father is one of the high rank billionaire.”
"Wow!”
"Kaya ako umuwi ng Pilipinas ay para makilala ko siya at kayo ng mga kapatid ko. Isa pala akong Lawyer brother at hindi ako maaaring magtagal dito sa Pilipinas.”
"Mabuti ka pa bro, ako ay wala kahit ano. Hindi ako nakatapos dahil maagang namatay si Nanay.”
Tinapik niya sa balikat ang kapatid, “mag aral ka ulit at ako ang bahala sa lahat ng kailangan mo. Saka gusto ko sana doon ka na sa penthouse ko tumira. Para pagbalik ko ay kasama na kita at doon ka magpatuloy ng pag aaral.”
"Huwag muna nating pag usapan iyan bro.”
"Kuya ang itawag mo sa akin.”
"S-sige Kuya,” at nahihiya siyang ngumiti rito. Ang saya ng kaniyang pakiramdam na makasama ang tunay na kadugo at masasabing tunay na pamilya na karamay sa lahat.
Kinabukasan ay kasama niya ang kaibigan.
"Pare nasisiraan ka na talaga ng ulo?”
"Talagang masisira ang ulo pag hindi ko ito ginawa.”
"Mag isip ka muna bago mo gawin iyang pinaplano mo. Baka sa halip na maging maayos ay lalo lang gumulo?”
"Matagal ko ng napag isipan ito at hindi na magbabago ang pasya ko!”
"Sige kung hindi kana mapipigilan diyan sa kabaliwan mo ay ready na ako.”
"Anong ready? Saan ka ready?”
"Syempre diyan sa plano mo, ano ka ba naman?”
"Sinong may sabi na kasama ka sa plano ko?”
"Ha? Bakit naman? At sino ang makakasama mo? Ako lang naman ang nag iisa mong kaibigan!”
"Go back to Europe dahil baka pag hinihintay mo pa ako ay wala ka nang babalikan na trabaho doon. Kaya ko na ito, trust me at tatawagan agad kita pag tapos na ako dito.”
"Sigurado ka ba na hindi mo kailangan ang tulong ko?”
"Yes! Kaya ko na ito.”
"Nag aalala ako sa’yo sa gagawin mo pare, dahil hindi ganun kadali iyon. Pero kung talagang hindi mo ako kailangan ay isama mo ang kapatid mo. Anuman ang mangyari ay may makakatulong sayo. Remember nasa Pilipinas ka at iyong karibal mo ay hindi basta lang.”
"Okay! Ang dami mong drama, parang hindi mo ako kilala.”
"Kilala syempre, maliit pa lang tayo ay magkasama na. Kaya nga gusto ko sana ay naririto ako para samahan ka. Baka umiiral na naman ang maikling pasensya mo at makalimutan mong isa kang Lawyer.”
“Maiksi? Ang haba kaya nito, kaya matulog na tayo at maaga pa ang flight mo bukas.
“Eh ‘di wow! Ikaw na ang mahaba!”
Malakas siyang natawa sa kaibigan, “joke lang pare!”
“Hindi ba tayo iinom?”
"Inom na naman? Baka gusto mong butasin ko na ang bituka mo nang magtigil ka na sa pag inom! Wala ka pang anak ay baka Dalmatian na ang kulay ng atay mo!”
"Grabe ka naman! Umiinom naman ako ng pang proteksyon sa atay ko, ah!”
"Alin? Ang katas ng mga babae ang iniinom mo? Tangina mo ka! Wala akong nakikita na sinasabi mong proteksyon mo sa atay!”
Tinawanan lang niya ito. “Baliw ka dude, parang hindi ka matakaw sa katas na sinasabi mo?”
"Aba talagang hindi talaga! Dahil hindi ko ugaling bumababa sa babae! Isa lang ang katas na ininom ko at iinomin pa!”
"May ibang jowa na nga! Paano mo pa maiinom uli iyon, sige nga?”
"f**k you! Matulog ka na, tangina mo ka!”
Lakas ng tawa niya, “sige na makatulog na nga! Good night my man, wet dream bye!”
Napa iling na lang siya sa kaniyang kaibigan, pero tama naman ito.
Kinabukasan ng maihatid niya sa airport ang kaibigan at matapos magpa alaman ay sumakay na siya ng bago niyang kotse. Dadaan muna siya sa hardware para bilhin ang mga kakailanganin niya.
Midnight isang anino ang akyat bahay habang mabilis na nakapasok sa terrace ng bahay. Malaki ang hakbang na nilapitan ang kama para gawin ang plano. Dapat na magtagumpay siya sa gagawin para masiguro na mawawala sa landas niya ang lalaking iyon. Matagal niyang pinaghandaan ang gabing ito at mga susunod pa. Kinapa ang panyo sa bulsa at siniguro na naroon iyon. Maingat ang mga kilos na makagawa ng ingay.
Matagal niyang tinitigan ang katawan na nakalatag sa ibabaw ng kama. Kusang tumaas ang palad para alisin ang ilang hibla ng buhok na tumatakip sa mukha ng kagandahan nito. Habang minamasdan ay bumalik lahat ng alaala sa kaniya. Hindi namalayan na tumulo na ang kaniyang luha, ang laki na ng pinagbago ng dalaga. Lalo pa itong gumanda at kaakit-akit. Biglang gumalaw ang kama kaya bumalik siya sa kasalukuyan. Kung hahayaan niya ang kaniyang emotion ay masisira ang plano niya. Dinukot ang panyo at mabilis na idinikit sa mukha ng tulog na dalaga.
Kinabukasan napabalikwas ng bangon si Desiree at tuluyang nagising, kinapa ang sarili dahil hindi makapaniwala na may nangyari sa kaniya. Hindi iyon isang panaginip sapagkat totoo ang lahat. Nilingon ang sliding door ngunit maayos namang nakasara at ang kurtina ay nasa ayos din. Tumayo siya nang makaramdam ng kakaiba at mabilis ang ginawang pagpasok sa loob ng bathroom. Hinubad ang mga damit at nabigla siya sa kaniyang mga nakita. Puno siya ng hickey at ang pagitan ng hita niya ay mahapdi at namamaga. Napaiyak at hindi malaman ang gagawin, nalilito siya kung bakit nangyari sa kaniya ang bagay na iyon? Nagmamadaling naligo at nag bihis, kailangan niya ng makausap ang kaniyang Mommy.
"Anak, bakit ganyan ang itsura mo?”
"Mommy s-si Kuya po hindi pa ba siya umuwi ng Pilipinas?”
"H-hindi anak, maraming cases ang hawak ng Kuya mo, kaya wala iyong oras para umuwi dito. Teka lang bakit bigla mong na itanong anak?”
"K-kasi Mommy ahm.”
"Ano anak?”
"N-napanaginipan ko po si Kuya.” Iyon na lang ang tanging na-isagot niya sa Ina. Hindi naman niya maaaring sabihin ang nangyari sa kaniya.
Nagmamadaling nagpaalam at bumalik sa sariling kwarto. Doon ay hindi napigilan ang paghagulhol at nakaramdam siya na nandidiri sa sarili. Sino ang gumawa sa kaniya ng bagay na iyon. Sigurado siya na hindi panaginip iyon dahil nasa katawan niya ang katibayan. Tuluyan na siyang nawalan ng pag asa na babalikan pa siya ng kaniyang Kuya. Napaupo siya sa gilid ng kama at patuloy na tumangis. Bigla ang takot at pangamba nang maisip na possible ay mag buntis siya. Sigurado siyang pinutok sa loob niya iyon lahat. Nang magising siya ng umaga ay may lumalabas pa sa kaniya. Ang tagal na niyang naghihintay na balikan siya ng kaniyang Kuya. May boyfriend siya at mga naging boyfriend dati, pero hindi niya hinayaan na umabot sila sa kama. Ipinangako niya sa sarili na isang lalaki lang ang may karapatan sa kaniya. Subalit ano itong nangyari at paano na siya ngayon?
Maghapon siyang wala siya sa sarili, pati pagpasok sa sariling boutique ay nakalimutan na niya. Hindi din siya kumain ng buong araw at maga ang kaniyang mga mata sa kakaiyak. Kaya naman hindi pa halos nagdidilim ang paligid ay inagaw na siya nang matinding antok at tuluyan ng nakatulog.
Isang anino ang mabilis na nakapasok sa loob ng kaniyang kwarto. Hindi napigilan at mahigpit na niyakap ang tulog na babae. Pero gumalaw ito kaya agad na inilapat ang panyo sa mukha nito. Nang masiguro na bumalik sa pagkakatulog ay ipinagpatuloy ang ginagawa. Paulit ulit niya itong inangkin nang walang alinlangan. Inilagay pa niya sa kaniyang ibabaw ang hubad na katawan ng dalaga at niyakap iyon.
Hindi niya hahayaan na magtagumpay ang lalaking iyon. Bago pumikit ay sinigurado na magigising siya sa alarm.
The next morning ay halos mag hysterical ang dalaga sa natuklasan. Nagising siya na kahit isang saplot ay walang suot. Ganoon na naman ang nangyari sa kaniya at nakakaramdam na siya ng takot. Dapat ba na ipaalam na niya sa mga magulang? Ngunit baka hindi siya paniwalaan ng mga ito. At sino ang lalaking gumagawa sa kaniya ng gano’n habang tulog siya?
Bigla ang galit ng maisip ang kaniyang boyfriend, sigurado siya na ito. Dahil ilang beses ng dinala siya nito sa private place, sa kagustuhan na may mangyari sa kanila kaya lang hindi siya pumapayag.
Lumabas sa sliding door at sumilip sa ibaba. Paano nakaka akyat doon ay ang taas naman ng kaniyang kwarto. Kailangan gumawa siya ng plano para mahuli niya ito ngunit paano?
Nang maisip ang CCTV ay tumakbo papasok sa library para i check iyon. Inisa-isa niyang binuksan simula sa gate hanggang sa paligid ng bahay. How come na wala siyang nakita, napaka imposibleng walang recorded sa mga oras na iyon at minsan pa niyang inulit buksan at talagang wala.
Sinikap na kumilos ng normal sa harap nang mga magulang. Pinipilit na kumain ng maayos kahit gusto ng masuka.
"Okay ka lang ba iha?”
"Yes po Mommy, medyo hindi lang maganda ang gising ko.”
"Drink medicine or huwag ka na munang pumasok?”
"Okay lang po ako, kailangan kung pumasok at may mga client na gusto akong makausap.”
"Sige payag ako pero hindi ikaw ang mag-drive, tawagan mo si Nathan para ihatid ka.”
Nakaramdam siya ng galit ng marinig ang pangalan ng boyfriend. Pero tama ang kanyang Mommy para din makausap niya ito. Minadali na niyang tapusin ang pagkain at bumalik sa sariling room. Isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan at tatapusin niya iyon ngayong araw.
Matagal siyang nakatitig sa harap ng salamin habang hinihintay ang kaniyang boyfriend.
Nabigla pa nang may yumakap sa parte ng likuran niya. Hindi man lang niya naramdaman ang pagdating nito.
"Halika na at late na ako," sabay tulak sa binata palayo sa kaniya.
"What's wrong? Sabi ng Mommy mo ay hindi maganda ang pakiramdam mo? Bakit ka pa papasok ay may mga tauhan ka naman doon?”
Nagpatiuna na siyang naglakad at sumunod naman ito agad sa kaniya. Pagdating sa labas ay ito pa ang nagbukas ng pinto para sa kaniya. Pasimple niya itong minamasdan kung may kakaiba dito, ngunit parang wala naman.
"Nasan ka kagabi?”
"Nasa bahay lang babe, bakit mo naitanong?”
"Sigurado ka? Hindi ka nagsisinungaling?”
"Ano bang klaseng tanong ‘yan babe, at kailan ba ako nagsinungaling sayo?”
"Let's break up, Nathan?” Gusto na niyang makipag hiwalay dito o tinatanong niya ito kung payag na maghiwalay na sila?
"Puro ka biro babe, ayaw ko ng ganyan.”
"Hindi ako nagbibiro, Nathan, wala rin namang patutunguhan ang relasyon natin.”
Nakita niya ang galit sa mukha ng nobyo, kahit hindi ito sumagot obvious ang pamumula ng mukha nito. Ang panga ay nag gagalawan at bumilis ang takbo ng kanilang sasakyan. Nakaramdam siya ng takot nang lalo pang bumilis ang pagmamaneho nito. Ito ang isang ugali nito na pinangangambahan niya. Sa ilang taon nilang relasyon ay marami na siyang nalaman sa totoong pagkatao nito. Isang dahilan kaya gusto na niyang makipaghiwalay dito. Paano kung lumaki ang kaniyang tiyan baka kamatayan na niya sa kamay nito. Nakahinga siya ng nagminor ang kanilang sasakyan at tuluyang tumigil sa gilid.
"Babe ayos ka lang?”
Nagulat pa siya ng halikan siya sa noo at kabigin sa dibdib nito. Bipolar talaga ang lalaking ito, sa isang iglap ay parang tupa sa bait.
"Mahal na mahal kita alam mo yan, kaya sa susunod huwag mo akong bibiruin ng ganun. Alam mo na hindi ako papayag at hindi kita ibibigay sa kahit na sino. I will kill him, kung sino man ang lalaking babalakin mong ipalit sa akin.”
Hindi na lang siya sumagot at nanatiling nakapikit ang mga mata. Lalo lang siyang nai-stress at sumasakit ang ulo. Naramdaman niyang umusad na ang sinasakyan nila kaya bahagyang dumilat. Palihim niyang minasdan ang katabi, pero seryoso ang mukha at diretso ang tingin. Makalipas ang halos kalahating oras ay huminto sila sa tapat ng boutique niya.
"We're here, babe, anong oras kita susunduin?”
"Huwag muna akong sunduin marami namang taxi. Hindi ko din sigurado kong anong oras ako matatapos dito.”
"Okay lang babe maaari naman akong maghintay.”
Ayaw na niyang makipag talo pa kaya tahimik na bumaba na lang siya. Subalit bigla siyang hinila nito at siniil ng halik. Nakaramdam siya ng sakit sa paraan ng paghalik nito. May kasamang gigil at dahas, sabay bitaw nito sa kaniya.
"See you tonight babe, i love you.”
"Okay see you, bye.”
Mabilis siyang bumaba at walang lingon-lingon na pumasok sa loob ng Boutique, narinig pa niya ang pagharurot ng sasakyan palayo .
***