Ten years later.
"Darling tuloy na ba talaga ang plano mo na bumalik ng Pilipinas?”
"Huwag mo akong kulitin ng paulit ulit sa bagay na iyan! Dahil alam mo ang reason ko! At maaari ba tigilan mo ako sa pakikialam mo sa personal kong buhay!”
Agad namang nag laylo ang babae at parang isang mabait na tupa ito, na nag iwas ng tingin. "Sorry darling, hayaan mo at hindi ko na ulit babanggitin ang bagay na 'yon.”
"By the way what are you doing in my house?”
Matamis na ngumiti si Gretta, sabay pulupot nang magkabilang braso sa leeg ng iritadong lalaki.
"Where done long time ago, makakaalis ka na at pakiusap lang na huwag ka ng babalik dito!”
"Hindi mo ako mapipigilan darling, lalo na ngayon na gusto ko nito.”
Napasinghap siya nang dakmain ang kaniyang harapan. Hindi agad nakagalaw sa pagkabigla. Kaya nagkaroon ng pagkakataon ang babae na hagurin ang p*********i niya.
Napangiti si Gretta ng unti-unting nabuhay at tumigas na harapan nito. Hindi niya bibigyan ng pagkakataong tanggihan siya. Kailangan mapigilan niya ito sa pag uwi nito ng Pilipinas. "I really miss you darling, lalo na ito.”
"S-s**t! Ah-ahm... b-bitiwan mo y-yan.” Nahihirapan siyang magsalita na akala mo ay nalulunod. "f**k! S-stop!”
But this lady is a b***h! She didn't listen to him. Instead lalo pa nitong tinuloy ang mahigpit na pagsakal sa kaniyang katigasan. Napaungol na lang siya ng sunod-sunod na may kasamang daing habang nakatingala sa kisame.
"Oh s**t!” Tanging isinigaw niya. Talagang hindi niya kayang tanggihan ang kahit sinong babae basta sa puntong ganito. Aminado siya na napakahina ng kaniyang control pagdating sa makamundong gawain.
"Miss na miss ko na ito darling,” walang alinlangan na naghubad si Greta. At agad na itinulak paupo sa couch ang hindi nakahumang binata.
Namalayan na lang niya na nakakandong sa kaniyang harapan ang babae. "s**t! Ahm..."
Lihim na napangiti si Greta ng masiguro na hindi na papalag ito sa kaniya. Gagawin niya ang lahat maging kaniya lang ito ng tuluyan.
"Darling...oh! God!"
Nagtatalo ang isipan, puso at puson ni Xion, ayaw na niya sa babaeng ito. Sa tatlong beses na naikama niya ay naging clingy at demanding at talo pa ang girlfriend o asawa kung umasta. Hindi siya handa sa commitment at ayaw niya ang tipo nito. But now nawalan siya ng lakas na tumutol lalo.
"F-f**k! Gretta! a-ahmm..."
"Oh s**t! Darling, you're really so big, ah! Harder baby!"
Napasunod na lang siya sa bawat naisin ng katalik. Isinasang tabi muna ang mga gumugulo sa kaniyang isipan. Magkahalong ligaya at inis ang kaniyang nararamdaman. Sa huli ay nagpasyang tigilan na ang ginagawa dahil unti unting nawawalan an siya ng gana. Kaya't biglang inalis niya ang sarili at mabilis na lumayo dito.
"Hell! Asshole! Bakit mo ginawa iyon?
"Fix yourself! And get out of my house!”
Pumasok siya sa banyo at mabilis na maligo, empty ang kaniyang pakiramdam. After ten minutes ay lumabas na siya ng banyo at agad na nagbihis. Kailangan niyang puntahan at kausapin ang kaibigan. After all these f*****g years ay nalaman niya na hindi sila tunay na magkapatid ni Desiree. Ang isa pang pinaka gumugulo sa kaniyang isipan ay ang tunay niyang Ama na isang high rank billionaire na si JB MONTEMAYOR. How come na isa pala siyang bastardo?
Anong klaseng lalaki ang biological father niya? Kailangan na niyang puntahan ang kaibigan para malinawan siya sa mga natuklasan.
"Darling...”
"You’re still here? Dammit!” Nagmamadaling kinuha ang car key at mabilis na lumapit sa babae.
Sa sobrang inis ay hinawakan ang pulsuhan ng babae at sapilitang hinila ito palabas ng kaniyang penthouse. Talak nang talak pa ito ngunit hindi na niya ito pinansin. Occupied ang isipan niya tungkol sa kaniyang tunay na pagkatao. Matapos isinara ang pinto ay baliwalang naglakad papasok sa elevator.
Bulungan ang mga tao sa paligid pero dedma siya. Puro tungkol sa kaniya ang usapan ng mga tsismosa niyang kapitbahay kaya hindi siya nakatiis sa nakakainis na naririnig.
"Mind your own business! Hindi ang kagwapuhan ko ang tinututukan ninyo!”
Mabuti na lang at nasa groundfloor na sila, magsasalita pa sana siya ng bumukas na ang pinto.
"Nevermind!” Malaki ang hakbang na patungo siya sa nakaparadang kotse.
Mabuti na lang at walang gaanong sasakyan kaya mabilis niyang marating ang bahay ng kaniyang kaibigan.
"Hellyeah! maka doorbell ka parang emergency lang!”
"Open the door, fucker! Babasagin ko itong monitor mo!”
Agad namang bumukas ang pinto, napahinto siya nang matuon ang pansin sa babaeng mukhang bagong gising.
"Hey! My man! Your eyes! She's mine!”
"Gago! Hindi ako interesado sa may laway muna! Narito ako dahil sa mga natuklasan mo. And before that maaari bang alisin mo muna yang kalat dito?”
"Aba't!”
"What?”
"O-okay! Wait lang, ten minutes pare!”
" Three minutes, that’s enough!”
"f**k you!”
Gustong matawa ni Xion sa mukha ng kaniyang bestfriend. Wala pa ding pagbabago mula ng mga bata pa sila. Kaya siguro hanggang ngayon ay kaibigan niya pa rin ito.
"Nag breakfast ka na ba?”
"No! At hindi ako nagugutom, nasaan ang dokumento na sinasabi mo?”
"Follow me bastard!”
"What did you say?”
Malakas siyang natawa kay Xion, “halika na nga! Doon tayo sa library, tea, coffee or something?”
"Wala nga!”
"Okay!”
Nang makapasok sila sa loob ay inabot sa kaniya ang isang folder at isa-isang binasa niya ang mga papel na naroon.
"If you want to see your biological father, dapat umuwi ka ng Pilipinas.”
"How did you know about this? Hindi ka naman detective para makakuha ng mga ganitong impormasyon. Unless may hindi ako nalalaman sa trabaho mo?”
"Accidentally nagkita kami ng Kuya ko, remember isa siyang magaling na detective. At sa kaniya ko nalamang matagal na kayong pinaghahanap ng inyong Ama. Nang makita ko ang isa sa mga picture ay akala ko kamukha mo lang.”
"What do you mean na kayo?”
"Yeah, ayon kay Kuya ay pitong magkakapatid kayong lalaki at puro bastardo. Ikaw ang pangalawa sa bunso at ang youngest brother mo, the rest ay pinaghahanap pa yata.”
"And how about my biological father?
"Come here, look at this website sigurado akong siya ang iyong Ama, read it.”
Matagal na nakatitig si Xion sa screen ng laptop. Hindi pa man niya nakaharap ang tunay na Ama ngunit ang daming pagkakatulad nilang dalawa. Ang mga mata, noo, kilay at kulay niya ay kapareho nito.
"You're super rich my man, punta ka sa youtube may ilang clips doon ng private interview ng iyong Ama. Isa sa highest rank billionaire at hindi lang sa buong Asya pati na sa Europa at America.”
Hindi siya interesado sa yaman ng tunay na Ama niya. Lumaki siyang may gintong kutsara sa bibig. Ang nasa isip niya ay sino ang kaniyang tunay na Ina, because hindi sila magkapatid ni Desiree.
"Do you want to come with me?”
"Where?”
"Philippines.”
"No, alam mo naman na hindi ko gusto ang mga pinay.”
"Anong kinalaman ng mga babae sa pupuntahan natin?”
"Of course, hindi ako mabubuhay ng walang....alam muna.” At malakas na tumawa.
"Gago! Ang hilig mo talaga! Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ay magkaibigan parin tayo!”
Malakas siyang natawa, “kanino kaya ako nagmana? Ikaw nga sariling kapatid kinana mo!”
"She is not my real sister, ano sasama kaba? Tonight ang alis natin and no need to bring clothes marami sa Pilipinas.”
"What time?”
Napangiti si Xion, alam niya na payag na ang kaibigan.
"9PM sharp, magkita tayo sa airport.”
"Wala akong ticket.”
"Gago! Private jet sasakyan natin, ulol!”
"Okay! Sige makakaalis ka na! Sayang ang oras ko! Go!”
"Manyak ka talaga! Bye!”
Sa mahabang oras ng byahe ay halos hindi siya nakatulog. Hindi niya maiwasang alalahanin kung paano siya nakapunta ng Europa at kung gaano kalaki ang galit ng kinagisnang mga magulang. At kung anong naging buhay ni Desiree ng bigla siyang umalis ng bansa. Maraming gumugulo sa kaniyang isipan. Ang kaisa isang babae na tanging minahal. Ang biological father at sino ang tunay niyang Ina. Sampung taon ang tiniis niya dahil din sa kagustuhan ng kinikilalang mga magulang. Kung nalaman lang niya ng maaga ay baka wala sila sa ganitong sitwasyon.
“Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya?”
Sa mahabang panahon na walang kahit anong balita ay nanatili pa rin siyang umaasa. Kahit alam niya na imposible ang lahat sa pagitan nilang dalawa. She hate him so much alam niya iyon. Dahil hanggang ngayon ay sariwa pa sa kaniyang alaala ang araw na iyon.
"Hey! Hindi ka ba tatayo riyan?”
"Ha? Oh i'm sorry na mahaba ang tulog ko.”
"Mahaba raw, ay kanina ka pa d’yan dilat at naka tulala na parang isang baliw!”
Lintek, talaga itong kaibigan niya wala siyang malilihim. "Shut up! Asshole!”
Tinawanan lang niya ito, “tara na at hindi na ako makapaghintay na ma meet ang kapatid mo. Bukas na bukas din ay idi-date ko siya at sisiguraduhin na hindi na makakawala sa mga kamay ko.”
"In your dream, huh!”
"Try me?”
"Kong i-try ko kaya ang mukha mo na basagin dito? Ngayon mismo! Gusto mo?”
Malakas siyang natawa, “ayaw pa kasing umamin eh! I know, until now you're still in love with her!”
"Manahimik ka! May importante tayong pakay kaya nga tayo umuwi dito, hindi ba? Kung ano-anong nonsense ang laman ng utak mo!”
"Bakit ayaw mo na i-date ko ang sister mo?”
"Ako ba ay hindi mo titigilan sa kalokohan mo? Gusto mo yatang humiram ng mukha sa aso ay magsabi ka lang!”
"Okay! Okay! Awat na po kamahalan, saan ang diretso natin nito?”
"Of course sa penthouse ko, bukas na lang ako pupunta ng mansion. Tatawagan ko muna si Mommy baka magulat pa iyon sa biglaan kong pag uwi.”
Sinadya niya na hindi ipaalam sa mga magulang na narito siya sa Pilipinas. Hindi siya tatantanan ng mga ito at masisira ang mga plano niya. Gusto niyang malaman ang tunay na dahilan at ang katotohanan ng buong pagkatao niya. Syempre priority niyang alamin ang ang tungkol kay Desiree.
Ang una niyang gagawin ay hanapin ang lugar ng kaniyang bunsong kapatid at alam niyang hindi sila mahihirapan na malaman ang lugar. Lalo pa at kapatid ng kaniyang bestfriend ay isang detective na tutulong sa kaniya.
Pangalawang araw pa lang nila sa Pilipinas ay alam na niya ang address ng bunsong kapatid.
"Dude saan ka pupunta at napaka aga mo naman?”
"Wala! Diyan lang maglalakad lakad lang ako.”
"Sigurado ka?”
"Yeah, matulog ka pa at five am pa lang, hindi naman ako magtatagal at babalik rin agad.”
"Okay ingat ka.”
Sakay ng kotse na hiniram niya sa kapatid na detective ng kaibigan ay halos paliparin niya sa bilis. Mabuti na lang at Int'l driver license ang gamit niya. Ilang oras na byahe at nang marating ang lugar ay minsan pang binasa ang address.
Isang lugar na magulo at umaga pa lang ay marami ng tambay sa kalye. Napaisip siya kung anong buhay meron ang bunso nilang bastardo din.
"Excuse lang guys, may hinahanap lang ako?”
"At sino ka naman pare? At bakit ka napadpad sa lugar namin ay mukhang rich boy ka?”
Gustong mainis ni Xion ngunit sinikap na kumalma at mapagtimpi, baka mag away pa sila ay masyado pang maaga.
"He is my brother.”
"Brother? Kamiy huwag mong pinagluluko at baka basagin namin itong kotse mo! Maliit palang kami ay magkasama na kami! At wala siyang kapatid dahil mag isa lang siya mula ng mamatay ang kaniyang Ina!”
Lumapit ang mga tambay at pinalibutan ang kotse niya. Gustong gusto na niyang sagasaan ang mga ito ngunit nagpigil siya.
"Labas diyan! Or dika na makakalabas pa dito! Ikaw bunsoy tawagin mo nga si boss pogi!”
"Opo kuyang.”
Napilitan siyang bumaba at bahagyang napa atras ang mga kalalakihan dahil sa sobrang tangkad niya. Malaki pa ang pangangatawan dahil alaga iyon sa gym at araw-araw na nag practice sa martial arts.
"Kuyang ano na naman ang gulong ito?”
Napalingon siya sa lalaking nagsalita at bigla ang kakaibang pakiramdam ay walang salitang nilapitan ito at niyakap ng mahigpit.
"Hey! Aba teka bakit mo ako niyayakap? Are you gay? Alam ko na sobrang gwapo ako, bitaw nga!”
"Pare kapatid mo daw siya!”
"Ha? Anong kapatid?”
Lumuwag ang yakap ni Xion sa hindi pa rin gumagalaw na lalaki. Tinitigan niya ang sinasabing bunsong kapatid at kusang nangilid ang kaniyang luha. Siya ay buhay prinsipe at lahat ng naisin ay nakukuha. Samantalang ang bunsong kapatid ay lumaki sa ganitong lugar na parang squatter. Hinaplos niya ang mukha nito na nakatitig lang sa kaniya
"B-brother, Kuya mo a-ako.”
Saka lang tila nagising sa malalim na pag iisip at bahagyang lumayo sa nagpakilalang kapatid niya.
"Impossible, baka nagkakamali ka?”
"Hindi brother at sigurado ako, dahil may hawak akong katibayan. Maaari din na magpa DNA test tayo kung gusto mo.”
"Pare siguro mabuti pa ay mag usap kayo ng lalaking ito. Sa tingin ko ay nagsasabi siya ng totoo. Yong mata, ilong, kulay at taas mo ay kapareho niya at malaki din ang similarity ninyong dalawa.”
"Come with me bro, marami tayong pag uusapan.”
Hindi pa rin siya kumikilos kaya itinulak na siya nang mga kaibigan.
"Go pare, balitaan muna lang kami mamaya. At ikaw naman Mr...?”
"I'm Xion.”
"Yeah! Xion, siguraduhin mong ibabalik mo dito ng maayos ang kaibigan namin. Walang gasgas, walang galos at buong buo! Kung hindi ay..."
"Kuyang alis muna ako, maya na tayo mag usap.” Pagputol niya sa mga gustong sabihin pa nito. Alam niya na mabuting mga kaibigan ang mga ito. Subalit kapatid niya ang gustong pag bantaan at ayaw niya ng ganon.
"Ah sige pare, ingat ka.”
***