Chaos NANG matanggap ko ang balita na isinugod sa hospital si Tatiana ay mabilis akong umalis ng opisina. Nakita ko sina Rage na naririto. Sa hindi malamang dahilan ay naririto sila sa ospital. “Chaos,” bati nila sa akin. “We were in the same restaurant kung nasaan siya. She fell from the stairs. We immediately called an ambulance—” Hindi ko na nagawang matapos ang sinasabi ng kaibigan ko. Nang makita ko kasi si Coen sa labas ng isang silid ay mabilis akong naglakad papunta roon. Hinawakan ko ang kwelyo ni Coen. He supposed to guard her. Paano nangyari ito? “Explain yourself or I am going to bust your f*****g face!” Hindi ko makontrol ang galit ko. Nag-uugat ang aking braso at kamay at nangangati itong may suntukin ngayon. “Sir, nagpaalam po ako kay Miss Tatiana na pupunta lamang ng