Tatiana MAY humila sa akin at mabilis kaming nagtago sa likod ng puno nang sa ganoon ay hindi kami madamay sa pagsabog ng isang bomba. Mahigpit ang yakap niya sa akin habang ako ay hindi makalimutan ang ngiti ng lalaki habang kinakagat niya ang baril ko kanina, iniisip na maidadamay niya ako sa pagsabog. Mabilis na kumalat ang galit sa akin. Kung sino man ang nasa likod nito, hahanapin ko siya kahit sa impyerno pa kami magkita. “Tatiana, are you okay?” tanong ng isang pamilyar na boses. Bumalik ako sa katinuan ko. Nagtaas ako ng tingin sa kanya at nakita ko si Chaos. “I’m fine.” Nang maghiwalay kami sa pagkakayakap, tiningnan niya akong mabuti para makita kung may kahit anong sugat ba ako o kung nasaktan ako. Umalis kami sa likod ng puno. May dumating din na mga sasakyan at lumabas