Tatiana ISANG malakas na pagputok ng champagne ang aking narinig nang buksan nila iyon. Nagsigawan ang mga lalaking naririto at nagpalakpakan. Nagsalin sina Dad sa kani-kanilang mga baso habang sa akin ay juice lamang. Madalas ay iniiwasan ko na ang sugary drinks dahil baka makasama sa pagbubuntis ko. But this time, it’s a special occasion for everyone. “Congratulations to my daughter, Tatiana, and her soon-to-be husband, Chaos, for having not just one but three boys!” Nagpalakpakan ang mga tao. Matapos naming malaman ang kasarian ng babies, agad naming ipinaalam kina dad. Sa sobrang tuwa ng pamilya ko, they held a celebration. Nasa tabi ko si Chaos at nakapulupot ang isang kamay niya sa aking baywang. I raised my glass at nakisabay sa kanila kahit na juice lamang ang laman ng bas