Chaos NANG marinig ko na ipapahanap kung sinong nakabuntis kay Tatiana at ipapakasal siya roon, parang nagdilim ang paningin ko. Mabilis akong tumayo at inako ang responsibilidad kahit hindi naman akin ang mga bata. I don’t want to see or witness any man taking Tatiana from me. Hindi pa ako handang magpakasal pero magiging handa ako, if it’s the only way to secure my future with Tatiana. I will fight all the odds para lang maging pabor sa akin ang lahat. Alam ko na hindi nagustuhan ni Tatiana ang ginawa kong pag-ako, pero kung ako lang naman ay wala akong pakealam. Napatunayan ko mismo na kaya mong itnuring na pamilya o anak ang isang taong hindi mo kadugo. Ganyan ang naging pagtrato nina Zeke sa akin. Ngayon nga lang, tila galit sila sa akin dahil iniisip nila na binuntis ko si Tatian