Tatiana NANG makita ko Karolien, hindi ko alam kung anong pumasok sa isipan ko. Kumuha ako ng baril at tinutukan ito bago paulanan ng bala na animo’y target sa shooting range. Napakurap-kurap ako, at doon ko napagtanto na imahinasyon ko lamang pala ang pagbaril sa kanya. I need to calm down. Hindi ako sa ganitong bagay magwawala. No, I have self-control. Hindi ako magpapadala sa kung ano mang urges na mayroon ang katawan ko ngayon, kahit totoong gusto kong mawala si Karolien. Kaharap ko ngayon si Karolien. Hindi ko siya pinapasok dito sa bahay ni Chaos at kusa siyang naglakad papunta sa pinto kanina. Hinahanap niya si Chaos at kahit sabihin nina Elin na wala si Chaos ay nagpupumilit siya. Naupo ako sa sofa at ininom ang orange juice na inihanda nina Elin sa akin kanina. Tahimik ang