Tatiana SIMULA ang nangyari sa dining hall, napapansin ko ang lalong pag-iiba ng ugali ni Chaos lalo na sa pakikitungo sa akin. Hindi naman sobrang iba, dahil kung tutuusin ay ganitong Chaos ang inaasahan kong makita. “Hello, Miss Tatiana!” Bumusangot kaagad ang mukha ko nang marinig ko ang boses niya at sinilip niya ang mukha ko, with that big goofy smile on his lips. Alam ko naman talaga na ganito ang ugali ni Chaos. Palatawa at maraming alam na kalokohan. Medyo ikinagulat ko pa nga na seryoso at pormal niya akong pakitunguhan nitong nakaraan. Kung sabagay, kapag kasama ako ni Chaos noong siya pa si Russell, madalang siyang gumawa ng kalokohan sa harapan ko. Nagagawa niya lang naman magbiro kapag kasama sina Miles at Seymour, mga tauhan din ng kapatid ko. “Stop bothering me.” Inirap