Nitron's POV: That look from her, parang dismayado ang mga tinging ipinupukol niya kanina sa akin. Lalo na nang makita kong tumulo na ang luha niya, parang ako ang nasasaktan. What the f**k is happening to me? Bakit ba ganito ang nararamdaman ko kay Galaxy? Naguguluhan na ako. I don't want to give a s**t tungkol sa nararamdamam kong ito pero hindi ko mapigilan. I just feel I can't. Napahilamos na lamang ako ng mukha habang nakatanaw rito sa rooftop ng hotel. Masyado yata akong naging marahas kanina kay Galaxy. Masyadong masakit ang mga sinabi ko sa kaniya. Hindi ko dapat sinabi ang mga iyon at nalilito lamang ako. Dapat nagpadalos-dalos ako. Hindi ko dapat siya pinagsasalitaan ng ganoon. Damn it! Hindi lang ako makapaniwala na parang higit pa sa isang kapatid ang turing ko sa kaniya. Gu